HINDI maintindihan ni Yumi kung anong mayroon sa halik ni Carlo. At the back of her mind, there’s a voice telling her to stop. But her heart is pounding so hard and fast. What they have at that moment feels wrong yet so right. Inabandona nito ang kanyang labi at gumapang ang halik nito sa pisngi, baba at sa leeg. Para siyang apoy na lalong nagniningas sa bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat, pagkatapos ay muling naghinang ang kanilang mga labi. Mahirap ipaliwanag ng salita. Basta natatagpuan na lang niya ang sarili na tumutugon sa mapusok na halik ni Carlo. Parang nawalan siya ng boses para sabihan ito na huminto. Parang nawalan siya ng lakas para itulak ito. Nang muli nitong iwan ang kanyang labi ay parehong habol ang bawat paghinga na tumitig sila sa isa’t isa. Muli nitong hinawak