NAGISING si Yumi nang umagang iyon na nakatagilid ngunit nakayakap sa kanyang beywang mula sa likuran si Carlo. Nang kumilos siya’y kumilos din ito. Last night was such an amazing night. From the living rom, they went back to his room and shared the night together and made love. And she never felt so complete and satisfied in her life. Nobody loved and worship her body the way he did. Nagkusot siya ng mata at lumingon dito. “Carlo, are you awake?” tanong pa niya. Nakapikit pa pero tumango ito. Bahagya siyang natawa dahil halatang antok na antok pa ito. Hinayaan muna ng dalaga itong matulog pa ng kaunti, inabot niya ang cellphone saka in-on iyon at nag-check ng mga messages. Wala naman siyang natanggap na mensahe mula sa pamilya o kaibigan. Pero mula sa iisang tao, hindi lang isa text