Chapter 13

2224 Words
“SO, TELL me, who is Yumi Santillan?” tanong ni Carlo habang nanonood sila ng isang love story na napiling panoorin ng dalaga. Marahan itong tumawa at sumulyap sa kanya. Kasalukuyan silang nanonood ng isang English movie. Hindi masyadong mahilig si Carlo sa love story pero maganda ang takbo ng kuwento ng pinili ni Yumi kaya na-enjoy din naman niya. Napalingon siya sa labas ng biglang kumislap ang langit kasunod ng malakas na kulog at kidlat pagkatapos ay lalong lumakas ang buhod ng ulan. Kanina habang kumakain sila ng dinner nang magsimulang bumuhos ang ulan, pero ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin tumitila iyon. Muling napunta kay Yumi ang atensiyon niya nang marinig itong tumawa. “Nasa second level na ba tayo ng getting to know stage?” “Puwede,” natatawang sagot niya. Huminga ito ng malalim. “Nakilala mo naman na si Daddy. He’s a retired soldier, Former AFP General Armando Santillan. My Mom, Estelle, died even before we were born. She’s a Dutch. She died on a plane crash…” Napakunot-noo siya. “Sandali, hindi ko maintindihan, how did you guys born if she died?” Bahagya itong natawa. “With a help of science,” sagot ni Yumi. “Hindi mo pa pala nakikilala ng personal ang iba ko pang kapatid bukod kay Lia. Si Ate Amihan ang panganay namin, siya ang biological daughter ni mommy Estelle at daddy. Tapos si Kuya Hiraya, may kakambal siya si Kuya Himig. Tapos kaming apat. Quadruplets. Si Malaya, sa Switzerland siya naka-base kasama ng pamilya niya. Pagkatapos sumunod sa kanya si Lia, then si Musika, ‘yung pulis na dumalaw sa akin sa restaurant noon araw na niyaya mo ako sa Manila Bay…” “Oh gosh, buong pag-aakala ko si Lia ‘yon,” komento pa niya. “… then last, me, the youngest among them. Noong mamatay si Mommy Estelle, one of Dad’s regrets is to give Ate Amihan younger siblings. And sabi nila, gusto ni Mommy ng malaking pamilya, maraming anak kasi nag-iisang anak lang siya ng parents niya. Kaya para matupad ang pangarap ni Mommy kahit wala na siya, a friend suggested surrogate pregnancy to my dad and that’s what he did and that’s why we’re alive today. My twin older brothers were born first, then two years later, kami naman quadruplets.” Hindi agad na-proseso sa isipan niya ang rebelasyon ni Yumi. Pero nakuha niya agad kung bakit nito sinabi na pinanganak sila matapos mamatay ang Mommy nito. “Wow, what a family history.” Natawa ito. “I know. Nahilo ka ba? Marami nga ang nagugulat at medyo naguguluhan kapag nalalaman ng mga tao.” “How about your surrogate mom? Kilala n’yo siya?” “Oo naman,” nakangiting sagot ni Yumi. “She’s Mommy Estelle’s best friend. Pero alam mo ang funny side ng kuwento na ‘yan, lesbian siya, pero pumayag siya maging surrogate para kay mommy Estelle. Alam kasi niya na noon pa man ay gusto ni mommy ng maraming anak. Dad said, my surrogate mom and mommy Estelle literally grew up together. Kaya lang, gaya ni Mommy, wala na rin siya. She died ten years ago because of heart attack, and I guess that’s where I got my heart condition. Pinamahan niya rin kami. Iyong mga properties niya sa Netherlands at Switzerland.” “Interesting,” sagot niya. “Eh ikaw? What about your family?” tanong naman nito mayamaya. “My Dad is a doctor, and my mom is an interior designer. Iyon ang trabaho nila bago sila mawala. I told you, remember? That I became a doctor because just like you, they have a heart disease. I happened to have a half older brother. Anak siya ni Dad sa ex niya, pero hindi naman kami close, we’re merely a stranger, kaya parang mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Wala naman masyadong kakaiba sa sa akin. Inubos ko ang mga taon ko sa pag-aaral at pagtatrabaho. I used to work in US. Doon na ako agad nagtrabaho nang makatapos ako ng pag-aaral. But the hardest part in my profession is the fact that I wasn’t able to saved my parents. I took a break for a year after they died. Nang magdesisyon akong bumalik sa trabaho, saka ako umuwi at dito ko na pinagpatuloy ang propesyon ko. And you are the very first patient I handled since I came back.” Natigilan si Yumi at napatitig sa kanya. “Ang sabi ko sa sarili ko pagkatapos mawala ng mga magulang ko. Hindi ko na hahayaan may mamatay kahit sino sa pasyente ko. And then I met you.” Pumihit paharap sa kanya si Yumi. “Wala kang kasalanan kung nawala man ang mga magulang mo. Lahat tayo darating doon, siguro talaga lang kailangan na nilang mauna. And Carlo, you’re a doctor. Hindi mo hawak ang buhay ng pasyente mo. Alam mo natutunan ko nang tanggapin ang sakit ko at ang puwedeng mangyari sa akin. Puwede akong mawala ano man oras at tanggap ko na ‘yon. Kahit gaano pa ako alagaan ng mga doctor at mga tao sa paligid ko. Kung oras ko, oras ko na.” “But as your doctor, I will do anything to save and extend your life. Didn’t I promise you? I will help you; you just have to trust me.” Ngumiti si Yumi at muling humarap sa pinapanood nila, pero nagulat si Carlo nang ihiga nito ang ulo sa balikat niya. “I trust you,” sagot nito. Doon niya tinignan ang kamay nito at hinawakan iyon. “I’m allowed to do this, right?” mayamaya ay sabi niya. “Kanina mo pa hinahawakan kamay ko eh,” natatawang sagot nito. Ilang sandali pa ang lumipas ay inalis ni Yumi sa pagkakasandal ang ulo nito para kunin ang phone matapos makatanggap ng text message. “Si Kuya,” sabi nito. “Ano sabi? Hinahanap ka na?” Natawa ito at muling sinandal ang ulo sa balikat niya. “Ano ko? Ten years old?” natatawang sagot nito. “Malay ko ba!” “Here, read it,” sagot nito sabay abot sa kanya ng phone. “Yumi, baha na dito sa qc, mahihirapan kayong bumyahe pauwi. Just stay there until tomorrow.” Nagkatinginan sila. “Paano ba ‘yan? Dito daw muna ako?” Napangiti siya at binalik ang phone nito. “I don’t mind. Mas okay nga, matagal pa tayong magkakasama. Linggo naman bukas.” Saglit itong sumilip sa labas. “Wala yata siyang balak tumigil ah,” sabi pa nito. “I should start thanking the rain,” biro pa ni Carlo. Tumawa lang sila at pinagpatuloy na ang panonood. The ambiance began to become awkward when the male and female lead in the movie started kissing. Kahit hindi magsalita ay nararamdaman ni Carlo na naiilang si Yumi. Nang matapos na ang pelikula at patayin na niya ang projector ay hindi pa rin sila kumikilos sa sofa na kinauupuan nila. Hanggang siya na mismo ang bumasag sa katahimikan. “Malamig na dito, walang kumot. Doon na tayo sa taas,” sabi pa niya. “Sige,” pagpayag nito. Dinala ni Carlo si Yumi sa kuwarto niya. Pagkatapos ay naglabas siya ng kanyang extra na damit na sa tingin niya kasya at bagay dito saka binigay iyon. “Here. Kung gusto mo lang magpalit ng damit. Puwede ka rin mag-wash up, kung gusto mo. May extra na towel sa banyo, pati extra na toothbrush.” Tila nahihiyang tumango si Yumi at sinunod ang sinabi niya. Habang naliligo ang dalaga ay lumabas muna siya ng kuwarto at nag-check ng mga pinto at bintana kung naka-lock na iyon. Ang mga kasambahay niya at nagpapahinga na rin sa mga quarters nito. Habang naghihintay ay nagpalit na rin siya ng mas kumportableng damit, shorts at sando lang, doon na siya nagpalit at nag-shower sa banyo ng kuwarto ng parents niya. Mga fifteen minutes din ang lumipas bago niya narinig si Yumi na tinawag ang kanyang pangalan. “Oh, saan ka nagpalit ng damit?” gulat pa na tanong nito. “Sa kabilang kuwarto,” sagot niya. “Saan mo gustong magpahinga? Dito sa kuwarto ko, o sa kabilang guest room?” Nagkibit-balikat ito. “Kahit saan. Pero doon muna tayo ulit sa sala, kuwentuhan pa tayo, parang ang sarap panoorin ‘yong ulan habang umiinom ng tsaa. Hindi pa ako inaantok eh.” “Okay.” Iyon nga ang ginawa nila, bumaba sila sa sala at si Carlo mismo ang gumawa ng tsaa para sa kanilang dalawa, pagkatapos ay naupo sila sa sofa. Pero taliwas sa plano na kuwentuhan, natahimik silang dalawa at tila nagkaroon ng awkward moment. “A-Are you bored?” mayamaya ay naisip niyang itanong. “Nope. I like it better this way. Tahimik, tapos ang naririnig ko lang ‘yong tunog ng pagpatak ng ulan,” sagot nito. “Anong gusto mong gawin ngayon?” tanong pa niya. Narinig niyang tumikhim ito. “Kahit ano, wala akong maisip eh. Ikaw?” “Mayroon sana akong gustong gawin?” kabadong tanong niya ulit mayamaya. “Sure, what is it?” Tumikhim siya at pilit na kinalma ang sarili sabay lingon sa dalaga. “Have you ever kissed on a second date?” tanong niya. Then, there was silence. Sa bawat segundo na lumilipas na hindi nagsasalita si Yumi ay parang mabibingi siya sa katahimikan. Napalingon siya nang sa wakas ay inalis ng dalaga ang pagkakasandal ng ulo nito sa balikat niya at tumingin sa kanya. His chest started pounding hard and fast as he stares at her beautiful hazel light brown pair of eyes. She has beautiful eye lashes and perfectly curved eyebrows. Those gorgeous eyes are looking straight right to him, na para bang hinuhulaan nito ang tumatakbo sa kanyang isip. Napansin din ni Carlo ang maganda at matangos nitong ilong. Her lipstick is already fading but it only shows how her lips are naturally red. Her skin is fair and flawless. And her beautiful long brunette hair just looks perfect on her. What he’s staring at the moment is a mixed of Dutch and Filipino beauty that stand outs the most among the women he met before. At ang kanyang puso? Hindi na iyon tumibok ng normal sa tuwing kasama niya ang dalaga. “No, I haven’t done it before,” sagot ni Yumi. “How about now? Will you?” tanong ulit niya. Nilapit nito ang mukha sa kanya at hinawakan siya sa pisngi saka tumingin sa kanyang labi. “I’d like to try it,” pabulong na sagot nito. Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Carlo. Sinunod niya ang sinisigaw ng puso. Hinawakan niya sa pisngi si Yumi at hinila ito palapit sa kanya pagkatapos ay siniil ito ng halik sa labi. It wasn’t just a quick peck. Matagal na magkalapat ang kanilang mga labi habang parehong nakapikit hanggang sa dahan-dahan nilang ginalaw ang mga labi. After that, they both stared at each other for a moment. Tila pinag-aaralan ang kilos at magiging reaksiyon nila sa isa’t isa. Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Carlo knew that if he kisses her once again, it means he’s putting his heart on risk, and not just his heart but his career as a doctor as well. Pero matagal na niyang pinipigilan ang damdamin. Matagal na siyang nagtitiis na makita ito sa piling ibang lalaki, nagmamahal ng palihim at sa pamamagitan ng tingin. Ngayon, nagkaroon na siya ng pagkakataon sa buhay ni Yumi? Palalagpasin pa ba niya? “Are you planning this from the beginning?” nakangiting tanong nito. “Kissing you? Yes. The rain? No.” Lalong lumapad ang ngiti nito. Mayamaya ay muli niya itong hinawakan sa isang pisngi. Hahalikan sana ulit niya ang dalaga nang biglang mag-ring ang phone nito. Napansin ni Carlo na natigilan ito. Nakatitig lang ito sa screen ng phone. Nangahas siyang hawakan ang kamay nito ay kinuha mula dito ang phone. At siya mismo ang nagbaba ng tawag nito. Nang muli iyon nag-ring, pinatay niya ang phone nito at hinagis sa sulok ng sofa. Hindi siya pinigilan ni Yumi, ni hindi ito nagalit, sa halip ay pinanood lang siya sa ginawa bago muling lumipat ang tingin sa kanya. “Sinabi ko na sa’yo, ‘di ba? Tutulungan kitang kalimutan siya?” Napatitig lang sa kanya si Yumi. “Simulan natin sa ganito. Kapag ako ang kasama mo, puwede bang huwag mo siyang isipin man lang o kahit banggitin ang pangalan niya?” pakiusap niya. Nilapit niya ng husto ang mukha sa dalaga. “When we’re together, can you focus on me? Can you look at me the way you’re looking at me right now?” he asked breathily. “Okay,” she asked, almost whispering. He brushed her hair with his fingers. “I might get in trouble for this, but what the heck?” sabi pa niya sabay halik muli sa dalaga. Sa pagkakataon na iyon ay mas malalim na halik na ang pinagsaluhan nila. At habang lumilipas ang bawat segundo na magkahinang ang kanilang labi at mas lalong nagiging mapusok at mainit ang kanilang halik. Nang yumapos ang isang braso niya sa beywang nito at siyang yakap naman ni Yumi sa leeg niya. In just one swift move, he was able to put her on his lap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD