Chapter 12

1347 Words
“WOW, ang ganda naman,” puri ni Yumi habang gumagala ang mga mata sa paligid. “Thank you, welcome to my parent’s house, pero ngayon sa akin na nila pinamana ito bago sila mamatay,” sagot nito. Mula sa bahay nila ay dinala siya ni Carlo sa Antipolo. Medyo natagalan sila sa biyahe dahil sa na-traffic sila papunta doon. Pagpasok pa lang ng bakuran ay tumambad na sa kanya ang malawak na bakuran at kulay puting bahay. “So, sino ang nakatira dito kung doon ka sa townhouse mo madalas umuuwi?” “Ako lang din pero kapag weekends at wala akong pasok lang dito ako umuuwi. Pero sa weekdays, mga caretaker. Masyado kasing malayo ang byahe kapag dito ako uuwi.” “Ah, sabagay,” usal niya at patuloy na ginala ang paningin. Maganda ang disenyo ng buong loob ng bahay. Modern Filipino ang interior ng bahay. Tahimik din ang paligid at malamig ang klima sa lugar na iyon. Isa pang nakaagaw ng kanyang atensiyon ay ang overlooking na tanawin na kitang-kita niya mula sa loob dahil sa malawak na salamin na humahati mula sa living room at veranda. “Anong gagawin natin dito?” “Kakain, kuwentuhan, at gaya ng sabi ko kanina, we will watch movies. Tapos, tara, ipapakita ko na sa’yo ‘yung sinasabi ko sa’yong mga koleksiyon ni mommy.” Nang hawakan siya sa kamay ni Carlo ay hindi tumutol si Yumi. Sa halip ay nagpatangay na lang dito. Dinala siya ng binata sa family room. Labis siyang namangha sa nakita. Dalawang shelves iyon na puno ng iba’t ibang ceramic dolls. Karamihan ng mga iyon ay galing pa sa iba’t ibang bansa. Hanggang sa may nakilala siyang tatlong ceramic dolls. “Wait a minute,” sabi pa niya sabay lingon kay Carlo. “Is it okay to open this?” “Sige.” Binuksan ni Carlo ang pinto ng shelves at nilapit niya ang mukha sa pinaka-stand ng tatlong ceramic dolls. Mayamaya ay napangiti. “Sabi ko na nga ba eh!” she exclaimed. “Why?” “Look at this,” sabi pa niya at tinuro ang nakaukit na pangalan at pirma sa stand mismo ng ceramic doll. Nanlaki ang mga mata ni Carlo sabay lingon sa kanya. Ang naroon ay walang iba kung hindi ang kanyang pangalan at pirma. Ang tatlong ceramic doll na nakilala niya ay siya mismo ang gumawa. Kaya unang tingin pa lang ay agad niyang nakilala ang mga ito. “Wow, you made them?” Hindi nawawala ang ngiti at proud siyang tumango. “Wala akong malay na naging customer ko na pala ang Mommy mo. Pero hindi ko maalala kung nakausap ko siya.” “Wow, what a small world. Who would’ve thought?” “I know, right?” “Baka ‘yong assistant niya ang nakausap mo noon, kasi madalas inuutos niya sa assistant niya ang paghahanap ng mga ceramic dolls. Pero ganoon katagal ka nang gumagawa ng ganyan?” Tumango siya. “Since college, someone introduced this to me. Nagsimula lang as hobby noong una. Until I started selling them like ten years ago.” Huminga ng malalim si Carlo. “Malakas pa si Mommy noon, tatlong taon pa lang naman mula nang mawala sila ni daddy.” “I’m happy.” “About what?” “Na malaman na may koneksiyon pala tayo kahit paano. At masaya akong makita ang mga gawa ko sa koleksiyon ng mommy mo.” Mula doon sa family room ay pinasyal siya ng binata sa buong kabahayan. Mas lalong gumanda ang bahay na iyon dahil sa magandang tanawin na nakapaligid sa kanila. Nakaharap ang bahay sa kabundukan ng Antipolo. Mula sa labas ay pumapasok ang malamig at preskong hangin. “Oo nga pala, sabi mo manonood tayo ng movie? Saan? Malapit ba mall dito?” Marahan lang itong tumawa. “Hindi. Dito lang tayo manonood.” “Saan?” Dinampot nito ang isang remote at tinutok iyon sa bandang kisame. Mayamaya ay bumaba ang kulay putting tela na ginagamit sa projector. “Dito tayo manonood mamaya.” “Wow,” nakangiting sagot niya. “I like this. It’s so cozy. Tapos walang ibang tao, hindi maingay at magulo.” “Pero bago tayo manood, kailangan mo muna akong tulungan.” “Saan?” “Tulungan mo akong magluto ng kakainin natin. Hindi ako masyadong magaling magluto eh, ang expertise ko lang ang alagaan ang puso mo.” Yumi laughed because of his pick-up line and rolled her eyes. “My gosh, Doctor De Luna, tigilan mo ‘ko ng pick-up lines mo,” sabi pa niya habang umiiling. “Benta ba?” Umiling lang siya habang patuloy na natatawa. “Oo na, magluluto na.” Tumawa lang din ito ng malakas at sinundan siya sa kusina. Carlo helped her prepared the food, minsan ay ang may edad na babae na caretaker ng bahay nito ang tumutulong sa kanya kapag may kailangan siyang gamit. Hindi siya nito iniwan habang nagluluto. Nag-bake ng chicken breast and thighs si Yumi kasama ng mga iba’t ibang gulay para side dish, pagkatapos ay gumawa siya ng gravy. Sinamahan niya iyon ng brown rice at green salad para sa appetizer. “Hmmm… ang sarap!” exaggerated na komento nito, saka pumikit pa. “OA,” natatawang sagot ni Yumi. “Totoo nga!” “Kumain ka ng kumain.” “Pero seryoso, masarap talaga.” Kunwari’y bumuntong-hininga siya at umiling. “Major turn off, niyaya mo nga ako mag-date pinagluto mo naman ako,” pabirong sabi niya. Natigilan ito. “Grabe ka, niligtas lang kita sa kapahamakan. Imagine, ako nagluto, ang huling kumain ng niluto ko sinakitan ng tiyan kinagabihan.” Humagalpak ng tawa si Yumi. “Sira ka talaga!” Mayamaya ay natigilan siya nang biglang ipatong ni Carlo ang kamay nito sa ibabaw at nilahad iyon. Nakuha ng dalaga ang ibig nitong ipahiwatig, pinatong niya ang kamay doon at hinawakan siya nito ng mahigpit. “This is why I ask you out. I want to see you happy. Alam ko kasi na naiisip mo pa rin siya.” Ngumiti siya. “Really? You can and will make me happy?” “I will do the best that I can to make you happy with me, para hindi mo na siya hanapin, para sa akin ka na lang palagi nakatingin.” “Pero hindi ba masyadong mabilis?” Kumunot ang noo nito. “What do you mean?” “This, the dates. Us, and this,” sagot niya sabay angat ng kamay nilang magkahawak. “Anong ibig sabihin lahat ng ito? Hindi ba masyadong mabilis lahat?” “That I like you,” deretso sa mga mata at walang gatol na sagot nito. “But we just met, Carlo. You don’t know much about me, aside from my medical history, the fact that you know I’m a Chef and I own a restaurant and I make ceramic clay dolls. And I still have excess baggage about my ex. Bukod doon, wala ka nang alam na iba.” Ngumiti ito. “Ako lang ba?” sa halip ay tanong nito. “Bakit ikaw? Wala ka pa rin naman masyadong alam tungkol sa akin. But why are you always coming with me? Aside from being a doctor, you don’t know much about me. And yet, here you are, with me. Binigay mo ang tiwala mo sa akin. And this is why we’re going out, to get to know each other better.” Napangiti siya. “Right.” “How about you? Do you like me?” Ngumiti siya. “Of course, I like you. Sasama ba ako at ibibigay ko ba sa’yo ang tiwala ko kung hindi? But I want to be honest with you. Nasa process pa rin ako nang paghilom at pagkalimot sa nakaraan, pero hindi ko sinasabing namimiss ko pa rin siya. I’m still trying to heal the pain that he brought me.” “I know, and I’m willing to wait.” “Thank you.” “Kumain ka na ng kumain. Iinom ka pa ng gamot mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD