“SANDALI lang ha, pupunta muna ako doon sa restaurant para kumain,” paalam ni Diane kay Yumi. Marahan itong ngumiti at tumango. Nang maiwan silang dalawa ay saka lumapit si Carlo. Naupo siya sa gilid ng kama, sa may paanan at hinawakan ito sa kamay. “Carlo,” sambit nito. Parang tumalon ang kanyang puso nang marinig ang boses nito. That was the first time since the accident that he heard her voice. He can still hear the weakness from her voice. “Yes?” “Gusto kong maupo,” sagot nito. “Okay.” Agad siyang tumayo at umikot sa kabilang side saka pinindot ang button ng reclining hospital bed para tumaas ang nasa ulunan parte niyon. “Hindi ka pa puwedeng maupo ng husto, so, this must be good?” sabi niya. Tumango ito. Nang bumalik siya sa kabilang gilid ay tinapik nito ang kama. I