Chapter 31

1610 Words

“I’M SCARED,” sabi pa ni Yumi habang unti-unting bumibigat ang mga mata nito. Naroon na sila sa operating room at nasaksakan na ito ng pampatulog at kasalukuyan na iyong tumatalab. “Don’t be, I’m here.” “Huwag kang aalis sa tabi ko, ha? Huwag mo akong iiwan dito?” Ngumiti siya at tumango. “I promise. So, calm down and relax. Kami ni Abet ang bahala sa’yo. Marami kaming mga doktor at nurses na mag-aalaga sa’yo.” “Okay,” halos pabulong nitong sagot. Nang lumingon siya sa anesthesioligist ay marahan siyang tumango. Senyales na maaari na nitong ituloy ang gagawin. “I’ll see you when you wake up, okay?” sabi pa niya. Isang tango na lang ang naisagot ni Yumi at mayamaya ay tuluyan na itong nakatulog. Doon lang siya tumayo at tumingin sa mga kasama. “Let’s proceed,” sabi ni Abet.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD