HALOS magiba ni Carlo ang pinto pagpasok niya sa emergency room. Hingal na hingal na ginala niya ang paningin sa paligid. Agad naman siyang nakilala ng mga nurse at doctor doon. “Oh, Doctor De Luna!” “Yumi Santillan ang pangalan! Nasaan na siya? Dinala siya dito da—” “Pare!” Agad siyang napalingon nang makilala ang boses ni Abet. Tumakbo siya palapit dito. Nang hawiin ang kurtina ay tumambad sa kanya ang walang malay na si Yumi. Mabilis niyang hinalapitan ito at hinawakan ang kamay. Marahan niyang hinaplos ang pisngi at sinuklay ng daliri ang buhok nito. Samantala nasa kabilang side si Mylene at Diane. “Kumusta na siya?” “Don’t worry, she will get better. Nakatulog na lang siya pero okay na siya. Medyo bumaba na rin ng konti ang BP niya, kapag nagising siya at bumalik na sa norma