“GOOD morning.” Nakangiti na lumingon siya sa nobyo. “Morning,” she answered in her bedroom voice. Nang mag-inat siya ay yumakap sa kanyang beywang si Carlo mula sa likod at saka siya hinapit palapit. “Wala kang duty ngayon?” tanong niya. “Wala. Bukas pa. Dito lang ako. Dito lang tayo maghapon.” Marahan siyang natawa. “How do you feel?” tanong nito. “Much better,” sagot niya. “You scared the hell out of me yesterday. Nang matanggap ko ang tawag ni Diane, hindi na ako nagbihis, basta ko na lang kinuha ‘yong hoodie jacket ko pati yung susi ng kotse at wallet ko.” “Sorry.” “Look at me,” halos bulong nito. Lumingon siya sa nobyo. “Please take care of yourself, para sa akin, ingatan mo ang sarili mo. Para gumaling ka, hindi lang dahil sa doctor, kung ano pang medica