BINAGSAK ni Yumi ang katawan sa kanyang swivel chair doon sa opisina. Katatapos lang nilang asikasuhin ang twenty people na siyang nagpa-reserve doon sa Sweet Tooth & Co. It’s a lunch reservation from an employer for the employees. Bukod kasi sa mga advance order nitong food, nadagdagan pa iyon, nagkataon na kinulang sila ng tao dahil biglang nagkasakit ang isa sa mga Chef niya kaya wala siyang naging choice kung hindi ang tumulong sa mga Chef sa kusina. Pagkatapos ay sila mismo ni Mylene ang nagbilang ng kinita nila. Nakaramdam ng pagod si Yumi. She felt a bit tightness and heaviness on her chest, pero agad niya iyon binalewala matapos bumuti ng bahagya ang kanyang pakiramdam matapos makapagpahinga ng ilang sandali. “Huy, ano? Musta pakiramdam mo? Okay ka lang?” baling sa kanya nito.