NATIGILAN si Yumi nang mapansin na titig na titig sa kanya ang daddy at Kuya Aya niya. Naroon ang dalawa sa kuwarto niya para kumustahin siya, kaya sinabi na rin niya ang tungkol sa paglabas kasama si Carlo.
“Why are you staring at me like that?” hindi nakatiis na tanong niya.
“Nagtataka lang kasi ako, bakit hindi ko yata alam na nagkakamabutihan na kayo ng doctor na ‘yon?” tanong ni Aya.
She rolled her eyes and laughed. “Kuya, magkalapit ang restaurant at ang ospital kung siya nagtatrabaho. Madalas kaming nagkikita, we got closer. Ganoon.”
Marahas itong bumuntong-hininga. “Ayan ka na naman eh, pagkatapos ng ginawa sa’yo ng ungas na Mikee na ‘yon.”
“Kuya, magkaiba sila ni Mikee. Besides, ayoko naman magmukmok dito at umiyak na lang at mabait naman si Carlo. Siya palagi ang nakakausap ko kapag inaatake ako ng lungkot dahil sa ginawa sa akin ni Mikee. He’s good man. Isa pa, ang layo agad ng naiisip mo, eh lalabas lang naman kaming dalawa,” depensa niya.
“Teka, speaking of Doctor De Luna, siya ba eh nanliligaw sa iyo?” biglang pag-uusisa ng kanyang ama.
Gulat na napatingin siya dito saka natawa.
“Dad, kailan ka pa naging chismoso?” pabirong tanong niya.
“Curious lang anak, aba, lagi mo siyang bukambibig, tapos noong isang gabi hinatid ka pa niya dito sa bahay.”
Muli siyang natawa. “Dad, he’s just trying to be nice. I mean, we found a new friend with each other. And just in case it will lead into something else, siguro naman walang masama.”
“Ayaw lang namin na masaktan ka ulit,” sagot ni Aya.
“Dad, Kuya, it’s okay.”
“What do you mean?” tanong ni Aya.
“I mean, it’s okay for me to get hurt again. Hayaan n’yo na mabuhay ako ng normal, maramdaman ko ‘yong mga dapat ko maramdaman, masaya man o hindi. I want to be normal like you. Palagi ko sinasabi sa inyo, huwag n’yo akong i-baby, I don’t like to be look and treated as someone with illness. Ayokong umikot ang mundo ko sa mga bagay na limitado kong gawin. I want to stay. That’s why I’m trying to live the best I can.”
Huminga ng malalim ang kanyang ama na si Armando.
“Come here anak,” sabi pa nito.
Nang lumapit sa ama ay niyakap siya nito.
“Sorry if we made you feel that way. But you have to understand that we’re just worried about you.”
“I know that, Dad. And I’m grateful for that, what I ask is for you to trust me,” sabi pa niya.
“Well, I guess, wala na kaming magagawa. You made up your mind.”
Ngumisi siya at humalik sa pisngi ng kanyang Daddy at Kuya.
“Thank you, I love you guys!” paglalambing pa niya.
“Oh, wait, speaking of Carlo. Kailangan ko nang maligo, he’ll be here in an hour,” sabi pa niya matapos mapatingin sa oras.
“Ngayon na ‘yong date n’yo? Akala ko next year pa?” kunwari ay nagulat pero pabirong tanong ni Aya.
Ngumiti lang siya at hinila palabas ng kuwarto niya ang dalawa.
“Yup, so, now, go!” pagtataboy niya dito sabay sarado ng pinto.
Napangiti si Yumi nang sumandal sa pinto. Papasok na siya sa banyo nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Pagkuha niyon ay agad siyang natigilan nang makita kung sino ang tumatawag. Si Mikee. Tila may biglang sumipa ng malakas sa kanyang dibdib. Bahagya siyang nakaramdam ng bigat doon, pero agad siyang huminga ng malalim na ilang ulit at kinalma ang sarili. Tinitigan lang niya ang screen ng phone. Kung hindi lang niya alam ang panloloko nito, malamang ay makakaramdam siya ng saya o excitement man lang. But she felt nothing but anger while staring at his name. Nang matapos iyon mag-ring, ilang sandali lang ang lumipas ay nakatanggap siya ng chat message.
“I miss you. Let’s talk please, eight pm, pupuntahan kita sa condo mo. Hayaan mo akong magpaliwanag.”
Sinadya niyang i-seen ang message nito. Pagkatapos ay nilapag muli sa ibabaw ng drawer ang phone niya.
“Hindi na ako tanga, Mikee,” sabi pa niya na para bang nasa kanyang harapan ang lalaki.
A PLAIN white V-neck shirt, a floral printed navy-blue skirt and a pair of black flats on her feet. Iyon ang naisip isuot ni Yumi para sa gabing iyon. She just put a simple make-up on her face, curl the tip of her long brunette hair and put her sling bag across her body. It’s only passed two in the afternoon, sinadya ni Carlo na agahan ang alis nila dahil medyo malayo daw ang kanilang pupuntahan. Ilang sandali pa, habang sinisipat niyang mabuti ang sariling repleksiyon sa salamin, isang katok mula sa labas ng kuwarto ang narinig niya.
“Ma’am, may bisita po kayo,” sabi ng isa sa kasambahay nila.
Agad niyang binuksan ang pinto. “Guwapo ba?” bungad niya dito.
Natawa ang babae. “Opo Ma’am, ang guwapo! Mas pogi pa doon sa ex n’yo.”
Kinikilig na tumawa siya habang naglalakad sa hallway papunta sa hagdan.
“Nasaan na sila?” tanong niya nang pagsilip ay wala ang kanyang bisita sa sala o sa dining room.
“Nasa garden po, doon pinatuloy ni Don Armando at Kuya n’yo.”
“Sige, salamat ah.”
Pagbaba ay agad siyang dumiretso sa garden. Naabutan ni Yumi ang Kuya at Daddy niya na nakikipagkuwentuhan at tawanan kay Carlo.
“Don’t tell me they interrogate you?” tanong niya habang palapit sa mga ito.
Sabay lumingon ang tatlo sa kanya. Yumi’s heart skipped a hundred times when Carlo greets her with his gorgeous smile. Napakaguwapo lalo nito sa suot. He’s wearing a dark blue long-sleeved polo and black pair of jeans, and a pair of rubber shoes on his feet.
“Hindi naman,” sagot nito.
Nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Aya nang tumayo siya sa tabi ni Carlo.
“Doc, ikaw na ang bahala sa kapatid ko, ha?” bilin pa nito.
“Don’t worry, she’s safe with me.”
Bumuntong-hininga si Armando at ngumiti sa kanila.
“Hindi ko alam kung dahil doctor ka at alam mo ang lagay at makakabuti sa kanya pero mas panatag ako ngayon na ikaw ang kasama ng anak ko.”
“Salamat po.”
“Dad, Kuya, that’s enough. We have to go,” awat niya sa dalawa.
“Sige po, mauna na kami,” paalam ni Carlo.
“Bye, guys!” sabi pa niya saka kumaway sa mga ito.
Pinagbuksan pa siya ni Carlo ng pinto ng kotse, bago ito sumakay. Habang nagmamaneho ay inusisa niya ito.
“Anong sinabi nila sa’yo?” tanong niya.
He chuckled a bit. “Wala naman. Tinanong lang nila kung saan daw tayo pupunta, sinabi ko ang totoo, sa bahay dahil may usapan tayo tungkol sa mga ceramic dolls ng mommy ko na gusto ko ipakita sa’yo.”
“Eh ano sagot nila?”
Natawa ito. “Baka daw ibang doll ang ipakita ko sabi ng Kuya mo.”
Maging si Yumi ay napahagalpak ng tawa dahil sa sinabi ng kapatid. Sa halip na mainis ay napailing na lang siya.
“Naku pagpasensyahan mo na si Kuya, ganyan talaga kahigpit yan pagdating sa akin.”
“Nah, it’s okay. I understand. Hindi mo rin naman sila masisisi.”
Habang nagmamaneho ay walang patid ang kuwentuhan at tawanan nila. Hindi maalala ni Yumi kung kailan ang huling beses na tumawa siya ng ganoon. Kung kailan niya huling naramdaman na ganoon siya kasaya.
She’s still mending her broken heart. Hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng paghilom sa kanyang sugatan puso at pagkalimot kay Mikee. Kailangan niyang aminin na hindi dahil tumatawa siya ay okay na siya. Dumarating pa rin siya sa mga sandaling nakakaramdam siya ng lungkot. Pero sa tuwing magkasama sila ni Carlo, tinutulungan ng presensiya nito na kalimutan ang masakit niyang nakaraan. He makes her realize that a heart break is not the end of her happiness. Instead, it’s just an entrance ticket to welcome another chapter of her life. To give chance to meet someone new, someone better.