Chapter 24 (SPG)

2450 Words

ALAS-ONSE na ng gabi, nakaupo at nakasandal na sa kama si Carlo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Yumi. Nauna itong naligo sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na bababa lang sa kusina para kumuha ng tubig at kumain ng tinapay dahil nagugutom daw ito. Nang mainip ay bumaba siya muli sa kama at bumaba sa sala. Natigilan siya at napabuntong-hininga nang maabutan ang nobya kung anong ginagawa. Nakaupo ito doon sa sofa at nanonood ng TV. Hawak pa nito sa kamay ang tinapay at nakasalpak sa bibig nito iyon habang tutok na tutok ang mata sa pinapanood at halos hindi kumukurap. Napailing at natawa na lang siya saka patuloy na pinanood ito. Nariyan biglang magbabago ang ekspresyon nito at tila maiiyak o kaya naman ay tatawa ito minsan naman sisimangot at magagalit sa kontrabida saka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD