Chapter 4: Zion

4055 Words
"Zion, baby, yung mga bilin ko sayo ha. Wag na wag mong kakalimutan. Every day kang tatawag sa amin ni Daddy mo para ikuwento ang lahat ng nangyari sayo sa school. Dapat nakadikit ka rin lagi kay Jayden." Seryosong bilin sa akin ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Yes, Ma." Nakangiti kong sagot. "Kumain ka three times a day. Yung vitamins mo, wag mong kalilimutang inumin. Wag kang sasama mag-isa kahit na kanino. I mean kahit kanino, Zion. Wag kang kakain o iinom ng ano na hindi galing sa ate mo. Si Jayden lang dapat ang lagi mong kasama. Kapag may nambully sayo, isumbong mo agad sa ate mo." "Yes, Ma." Nakangiting sagot ko ulit. Sandaling katahimikan ang pumuno sa loob ng sinasakyan naming taxi hanggang sa marinig ko ang buntong-hininga ni Mama. "I'm sorry, anak kung natataranta na naman si Mama. This is the first time that you'll live away from me and I can't help but be really worried about you." He told me as he hugged me tightly. "Ma, kaya ko na. Malaki na po a-ko." Dahan-dahan kong sabi para hindi masalabid ang dila ko. Nakakahiya sa driver kapag narinig nya akong bulol magsalita sa edad kong ito. "Oo nga, baby. Ambilis ng mga taon. 21 ka na gaya ng mga kapatid mo." Natawa ako sa sinabi ni Mama. "Ma, syempre 21 na rin ako. Triplets kami so we must have the same age. Yun nga lang, sa edad lang at mukha kami magkakapareho." Bigla akong sinalakay ng lungkot. Agad namang naramdaman iyon ni Mama kaya agad nyang hinaplos ang balikat ko. "Anak, alam mo naman ang condition mo, di ba? I'm sorry, Zion. Because of me, nangyari ito sayo." Malungkot ding sabi ni Mama. Nakaramdam ako ng guilt kaya agad akong bumawi sa kanya. "Ma, I'm not blaming you for my condition. Di ba sabi nyo, every--thing happens for a reason? Maybe, this happened to me because it is my f-fate to be like this. Walang dapat iblame. Sad lang ako konti, Ma kasi malapit nang graduate sina Azyra at Jayden. Ako start pa lang." Pinilit ko ang ngumiti sa kanya. "Anak, I know and understand how you feel. Kaya mahirap man sa part namin ng Dad mo, pinayagan ka na naming mag-aral sa malayo. We both agreed na it's time for you to be out of the house and make a life of your own. Maexperience di yung mga naeexperience ng mga kapatid mo. Malakas kang mangonsensya eh." Nagkatawanan kami sa sinabi nya. "Kung hindi ka lang lamigin, dun ka sana kay Azyra sa Russia. Mas maaalagaan at maproprotektahan ka nya doon. Not that hindi ka kayang alagaan ng ate mo. Syempre, iba pa ring magprotekta ang kuya kesa ate." "Ma, kaya kong protektahan ang s-sarili ko po. Di ba bilin mo, ikikick ko lang sa balls yung mang-aaway sa akin kapag hindi ko na kayang m-magpasensya?" Agad na tinakpan ni Mama yung bibig ko at nahihiyang napatingin sa driver na natawa sa sinabi ko. "Isumbong mo na lang kay Jayden, anak. Di ba boyfriend nya yung Master ng 7 Demons? Sila na ang bahalang humarap sa mga bullies doon." "Oo nga, Ma. May magiging kuya na ako doon. Mabait kaya sya gaya ni Kuya Azyra, Ma?" "Mabait naman siguro, anak." Tabingi ang ngiting sabi ni Mama. "Eh, Ma bakit crooked ang smile mo? Di mo pa ba nameet yung boyfriend ni Jayden?" I curiously asked. "Nameet ko na sya when he was 7 years old. Mabait naman yung batang iyon. Lalo na kung tulog." Napahagikgik ako sa sinabi ni Mama. "Anak, kahit sa kanya wag kang sasama mag-isa kung hindi kasama si Jayden ha. It's not that I don't trust him pero..." "Pero?" "Potent kasi ang kamandag ng mga Martenei." "Potent ang kamandag? What does that mean? May lahi silang snake?" Natawa si Mama sa tanong ko. "No! It's just that... Hay, paano ko ba ieexplain ito?!" Pagkausap nya sa kanyang sarili. Naghintay ako sa sasabihin pa nya pero natahimik na sya at tumingin sa malayo. After ten minutes na hindi pa rin sya nagsasalita, nagsimula na akong mangulit. "Ma..." "Sir, andito na po tayo." Pang-aagaw ng driver sa sasabihin ko. Natigilan ako at napatingin sa labas ng taxi. And wow. Ang ganda ng school! I excitedly unlocked the door and went out of the taxi. Namamanghang pinagmasdan ko ang napakalaking silver letterings na pangalan ng school. MARTENEI UNIVERSITY "Wow! Dito rin kayo nagschool noon ni Dad di ba, Ma?" I asked him when I felt him stand beside me. "Yes, anak. Malaki ang part ng school na ito sa buhay namin ng Daddy mo." Humilig ako kay Mama nang akbayan nya ako. Nakakaproud na dito rin ako mag-aaral sa school kung saan nag-aral ang parents ko. I knew na ito rin ang first choice ni Azyra pero nasunod si Papa Winter kaya sa Russia sya nagcollege. I'm happy at least dalawa kami ni Jayden na sumunod sa mga yapak nina Mama at Daddy na dito mag-aaral. Mas lalo pa akong naexcite habang pinagmamasdan ko ang nagtataasang mga buildings sa loob ng university nang naglalakad na kami papasok. Ni hindi ko napapansin na may mga kalalakihang nakasunod sa amin dala ang mga bagahe namin. I was overwhelmed with the feeling of excitement. Finally, mararanasan ko na ang pumasok ulit sa isang classroom, makakilala ng ibang students, makipag-group activities. Matagal na panahon na kasi ang nagdaan nung last na makipag-usap ako sa ibang students na ka-age ko. Simula kasi nang may gawing hindi maganda sa akin yung gang sa school ko dati, pinastop na ako nina Mama at Daddy na mag-attend ng school. Pinapapunta na lang nila sa house namin yung mga teachers ko. Nakakalungkot kasi nakulong na naman ako sa house namin. Nakakalabas naman ako pero laging sina Mama at Daddy ang kasama ko. Not that I'm complaining pero gusto ko ring maranasan yung mga ginagawa ng mga ordinary students na napapanuod ko sa mga movies. Gusto ko ring magkaroon ng best friend. I want to go to places na mga friends ko naman ang kasama ko. I want to do things with them. Kahit bawal yung iba. Napakaprotective kasi sa akin nina Mama at Daddy. Napakaraming bawal. I know it's for me din pero I want to explore too. And I know, hindi ko magagawa iyon hanggang nasa house lang ako kasama sila. Kaya naman halos one year ko rin silang kinulit na payagan na akong mag-aral dito sa Philippines. Noong una, matigas si Dad. Ayaw nya akong malayo talaga. But nagbago ang lahat nung magtantrums talaga ako ng sobra almost two months ago. Napanuod ko kasi yung isang movie na ang sasaya ng mga magkakaibigan habang nag-aaral sila samantalang ako kahit isa walang kaibigan. One week akong umiyak. Nagkukulong sa kuwarto. Ayaw kumain at makipag-usap. Pero nung pinilit nila ako, nagwala ako. Telling them that I don't deserve to have friends kaya siguro ayaw nila akong mag-aral sa school. It even came to a point na sumigaw ako sa kanila na I hate my self at sana hindi na lang ako nabuhay. Naging sarado ang utak ko that time dahil naramdaman ko talaga ang malaking kakulangan sa buhay ko. That time, lumabas yung itinatago kong tampo. Lumabas yung itinatago kong inggit at frustrations. Inggit na inggit ako sa mga kapatid ko lalo na tuwing nagkukwento sila ng adventures nila sa schools nila. Nafrustrate ako sa sarili kong kakulangan. Kung hindi sa condition ko, sana nararanasan ko rin ang nararanasan ng mga kapatid ko. Matagal na iyakan at paliwanagan din ang nangyari. Pumunta pa nga sina Mommy Cles at Mommy Aniq sa house para kausapin ako. Then there was my doctor who helped them explain things to me. It only stopped  when they've decided na pag-aralin na ako sa isang school na dito nga sa Martenei University. They gave me one year. I was so happy. Nag-apologize din ako sa kanila for the bad things I've done and said to them. After a month of preparation: pag-aayos ng papers ko at ini-enrol na rin ako ni Mama online, narito na ako. Dad was supposed to come pero dahil may inasikaso silang magkakapatid sa Russia, si Mama na lang ang kasama ko. Sabi ni Mama, doon daw ako sa suite nina Dad titira kasama si Jayden. Jayden wasn't informed. Sabi ko kasi kay Mama I want to surprise her. Una kaming pumunta sa suite namin. Tuwang-tuwa ako dahil maganda iyon at naroon ang painting nina Papa Winter, Papi Summer and Mommy Cles. Naroon din ang pictures nina Daddy at mga Uncles ko at ni Aunt IO. I even almost screamed when I saw our family picture hanging on the wall. Ipinakita din ni Mama sa akin ang room ko na dating room daw ni Daddy. I was really happy. Lumabas kami ulit ni Mama after mabisita ang suite. Pumunta kami sa Registrar's Office and talked to some people. May mga pinirmahan pa nga akong mga papers para daw maging officially enrolled na ako and maka-attend na ako ng klase ko tomorrow. Nagbigay din sila ng tutors ko para makahabol daw ako kasi three weeks na palang nagsimula ang klase. Dahil medyo malabo ang mga mata ko, mahina ako sa Math, hindi ako pwedeng maexpose sa mga chemicals, Mama decided na ienrol ako sa course na hindi ako mahihirapan at magsasuffer. I'm taking up Teaching specializing in Special Education. Besides, I really like to become a teacher. I'd love to teach children who have special needs like me because who would best understand their situation kung hindi ang tulad din nila. And hey, that's me! After that, we went at the cafeteria and had our snacks.  I love the fresh lumpia we ate.  It was really good.  Then, we've decided to roam around hoping that we'll find Jayden along the way. Pero napuntahan na rin namin ang building kung nasaan ang magiging rooms ko, hindi pa rin namin sya nakakasalubong. Malaki naman kasi talaga ang school at maraming students. Nakakakaba. Sana walang mambully sa akin kapag nalaman ng mga kaklase ko na mas matanda ako kesa sa kanila. 21 na ako tapos yung mga kaklase ko baka mga 16 - 17 lang. Nakakaworry. Pero hindi ko ipinahalata yun kay Mama kasi baka bawiin din nya yung desisyon nilang pag-aralin ako kapag nakita nyang nagsisimula na akong matakot. We went to the building ng mga HRM students. Siguro naman makikita na namin si Jayden. I'm so excited to see her. Last Christmas ko pa sya huling nakita.  We were walking in the hallway when we saw a group of students. They were looking at something on the floor. I almost jumped when I heard someone pleading. "Master! Master, sorry po! Sorry po!" "Ma, w-what is that?" Natatakot kong tanong sabay hawak sa isang braso ni Mama. Humigpit ang pagkakakapit ko sa kanya nang makarinig ako ng malalakas na lagabog. Napasunod ako kay Mama nang humakbang pa sya papalapit. Pinahawi nya ang ibang students na nasa harap namin. At nakita na namin ang pinagkakaguluhan nila Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa gitna. Sa lapag naman ay isang estudyante ang duguan ang mukha at nagmamakawa. Nakita ko ang pagpipilit nitong umatras palayo nang maglakad ang matangkad na lalaki palapit sa kanya. Natakpan ko ng palad ko ang aking bibig para pigilan ang pagsigaw ko nang makita kong itinaas ng lalaki ang paa nya at ubod ng lakas na isinipa iyon sa tagiliran ng lalaking nasa sahig. Halos mamilipit ito sa sakit na dulot sa katawan nya ng sipa ng sapatos ng matangkad na lalaki. Halos kumakagat na ang mga kuko ko sa braso ni Mama habang sinasaksihan ko ang walang awa nyang pagpapaulan ng sipa sa kaawa-awang estudyante. Isa pa. At isa pa. Akma nya ulit na sisipain pa ang lalaki nang magulat ako dahil sumigaw si Mama. "STOP!!!" Lahat ng nasa hallway na iyon ay napahugot ng hininga at lumingon sa amin. "Stop. You've already hurt him too much." Muling sabi ni Mama. I got so scared. Paano kung kay Mama naman magalit ang lalaki? Paano kung si Mama naman ang pagbalingan nito ng galit? Pumapalya na ang t***k ng puso ko nang linguin ng lalaki si Mama. Kahit natatakot ako, lalabanan ko sya kapag sinaktan nya si Mama ko. Pero bakit mukhang nasindak sya nang makita nya si Mama? Napanganga pa nga sya. Napasinghap ako nang ako naman ang tignan nya. Nagulat ako nang pagkagimbal naman ang nakita kong nasa mukha nya habang titig na titig sya sa akin. Nakakatakot ba kami ni Mama? Why does he look so scared in seeing us? "Ma!" Sabay kaming napalingon ni Mama sa sigaw na iyon. I saw Jayden running towards us. She was smiling but I can't smile back. Muli kong liningon yung lalaki. Nakatingin pa rin sya sa akin but this time, papikit-pikit sya na parang masakit yung eyes nya. Napakislot ako nang yumakap sa akin si Jayden. "Zion! Oh my God!" Tuwang-tuwa ang boses nya habang hawak ang mukha ko. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti pagkatapos ay lumingon ako sa lalaki na naglalakad na papalapit sa amin. Humakbang ako paatras sa takot. Natigilan ang lalaki sa ginawa ko and I saw hurt in his face as if someone punched him in the gut. "Zion..." Muli kong liningon si Jayden na tumawag sa aking pangalan. "That's Akira. He's a friend." She told me. Binigyan ko sya ng hindi makapaniwalang tingin. How could she become friends with a bully? "He was defending me that's why he'd hurt that student." She further explained nang makita ang itsura ko. "Hi. Zion..." I looked at the hand in front of me bago  ko tinignan sa mukha ang lalaking nakalapit na pala sa amin ng kapatid ko. He was looking strangely at me. Tipid ang ngiti nya na waring pinakikiramdaman nya ako. "C'mon, Zion. Shake his hand. He's actually the boyfriend I was telling you about." Jayden encouraged me. I looked at her, then at Mama who was seriously watching us and then back at the guy. He was patiently waiting for me to accept his hand. I slowly rise my hand. Natatakot pa rin ako sa lalaki. Nang makita nya ang pag-aalangan ko ay sya na mismo ang gumawa ng paraan para magkalapat ang mga palad naming dalawa. His hand was big. His fingers were long at literal na binalot ng palad nya ang palad ko. His touch was so tender that made me imagine that he was not the guy who was beating the student a while ago. Nakatingin pa rin ako sa mga mata nya habang hawak nya pa rin ang palad ko. His eyes were telling me a lot of stories which I cannot really understand. Maliliit ang mga mata nya telling me na may lahi syang Japanese, Korean or Chinese. I don't know. Basta singkit sya. And he was so tall. Actually, nakatingala nga ako sa kanya eh. Siguro basketplayer sya. "Zion, baby. Apo sya nina Tito Marcus and Tito Francis mo. You remember them, right? Sila yung madalas pumunta sa house natin noon. Anak sya nina Tito Jai and Tito Zeke." Mama said na tinanguan ko. "Yeah." I slowly said kasi nakakatakot if I'll stutter in front of him. Baka magalit sya sa akin dahil doon. When he heard what I've said, for the first time, he fully smiled at me. "Don't you remember me, Zion? We used to be best of friends when we were younger." Umaasang sabi nya sa akin. Napakunot-noo ako sa sinabi nya. We used to be best friends daw but I can't seem to remember him. Though the thought that I had a best friend when I was young brought happiness to me. "Talaga? You were my best friend before?" Masaya kong tanong. "Yeah. We used to go to your house. Kasama ko ang mga parents ko and younger brother. Madalas nga tayong naglalaro noon." Masaya nyang pagkukwento. Napatingin ako kay Mama. If Akira was best friend bakit hindi sya nakukwento noon sa akin nina Dad at Mama? Nina Azyra at Jayden? Nag-iwas ng tingin sa akin si Mama nang makita nya ang pagtatanong sa aking mga mata. Ganun din ang ginawa ni Jayden nang sya naman ang tignan ko. "Zion, Jayden, ang mabuti pa sa suite na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap nyo. Jayden, kung may pasok ka pa, doon ka na lang namin hihintayin ng kapatid mo." Mama said. "But why?" Pagrereklamo ko. I still wanna talk to them eh. "Anak, baka may klase pa sila. Nakakaistorbo tayo. Do you want them to be absent sa classes nila dahil sa atin? Let's just wait for your sister sa suite natin okay?" Pagpapaintindi sa akin ni Mama. "Isa pa, you need to rest na rin para makapasok ka na bukas sa mga classes mo." Hinila na ako ni Mama. Nagulat ako nang marealize ko na nakahawak pa rin pala sa kamay ko si Akira. Humigpit pa nga ang pagkakahawak nya sa kamay ko nang lalo akong hilain ni Mama. But he finally let go nang tumalim ang tingin sa kanya ni Mama. "Bye, Akira. I'll see you again, right?" I asked him habang hinila na ako ni Mama. Sumusunod naman silang dalawa sa amin. "I'll make sure we'll see each other again, Zion." He said. Nang makalabas na kami Mama sa building ay tumigil na sila sa paghabol sa amin. .... "Ma?" Tawag ko kay Mama nang makalabas ako sa kuwarto. Kagabi nang matapos kami sa pag-aayos ng mga damit at gamit ko ay nakatulog ako dala na rin siguro ng pagod ko sa biyahe. Dire-diretso ang tulog ko at nang magising ako, nakita ko sa orasan na quarter to 4 na ng umaga. Pagkatapos kong iligpit ang higaan ko ay lumabas na ako sa room at hinanap si Mama. Alam kong tumabi sya sa akin sa pagtulog dahil amoy ko pa sya sa unan na katabi ko nang magising ako. Naglakad ako sa hallway ng suite. Baka nasa kitchen na si Mama at nagpreprepare ng breakfast. Nakakaexcite. First day ko ngayon sa school. "I don't know, Dad. Pero mukhang mali talaga ang desisyon nating dito pag-aralin si Zion." I heard Mama's voice on my way to the kitchen kaya napatigil ako sa paglalakad. Is he talking to Dad? At ano yung sinasabi nyang mali yung decision nila na dito ako sa Philippines pag-aralin? I've decided to listen further when I heard his voice again. "That's Akira Martenei, Ivory! Martenei! Kilalang-kilala mo sila! And you've read the letters yourself kaya paanong parang di ka kinakabahan dyan?!" Mama raised his voice at halatang galit na sya kay Dad. Pero teka, bakit parang pati kay Akira galit din sya? And what letters is he talking about? "No, Ivory, no! I  don't want a repeat of what had happened to me! Ayokong maranasan ni Zion ang mga naranasan ko noon!" Naging mas desperado ang boses ni Mama and it's really worrying me na. "Ma?" I decided to show myself to him. Nanigas sya sa pagkakatayo nang makita ako. He even almost dropped the phone mabuti na lang at nacompose nya agad ang sarili nya. "K-kanina ka pa dyan, baby?" He tried to smile at me but I can still see the worry in his eyes. "Yes po. Are you and dad fighting?" Naiiyak kong tanong. When I had my tantrums almost two months ago, I saw them fight for the first time nung magdecide si dad na payagan na nya akong mag-aral dito. I realized that all along, it was Mama who doesn't want me to study here. And it made me cry so much because I knew, I was the reason of their fight. Natigil lang ako sa pag-iyak when they promised me na hindi na sila ulit mag-aaway. I hate seeing people arguing and fighting lalo na ang mga parents ko at mga kapatid. "No! Hindi kami nag-aaway ni Daddy, anak. Linalakasan ko lang yung boses ko kasi hindi nya ako masyadong marinig." He almost frantically explained. Lumapit sya sa akin at agad akong yumakap sa kanya. "Here talk to Daddy." Inabot nya sa akin ang phone. "Daddy?" "Zion, anak. Kumusta ang biyahe nyo? Masyado ka bang napagod?" Malambing na tanong nya sa akin. "Just a little, dad. I like it here, dad." Pagpapauna kong sabi sa kanya dahil ayokong bigla na lang nila akong pauwiin pabalik sa America. "Oh, that's great, anak. Wag mo na lang masyadong pansinin ang tantrums ng Mama mo. Nagwoworry lang sya sayo. Just enjoy your studies there. Hindi ba at yan ang gusto mo?" "Yes, daddy. I will." "But promise me na susundin mo ang lahat ng bilin ni Mama at daddy, okay? Wag matigas ang ulo. Wag magpapagutom at wag kakalimutang inumin yung mga gamot mo." "Opo, daddy." "Mahal na mahal ka namin, anak. At kung ayaw mo na dyan, tawagan mo kami agad para masundo ka namin, okay?" "Opo. Love you so much, too Daddy." "And anak, as much as possible, wag kang makikipaglapit kay Akira ha." "Bakit po? Di ba dati ko syang b-best friend. At saka, pinagtanggol nya si Jayden k--k-kanina eh." Napabilis ang pagsasalita ko kaya nagkandabuhol ang dila ko. "Anak, iba na si Akira ngayon sa Akira noon. May chance na masaktan ka dahil sa kanya kapag may nagawa kang hindi maganda. Ayokong masaktan ka nya." "Dad, I don't think sasaktan nya ako kasi g-good boy naman ako eh. Saka, he's Jayden's boyfriend. Parang kuya ko na rin sya." Pagtatanggol ko sa dati kong best friend. "Basta, anak. Ayokong makikipaglapit ka sa kanya. Kung noon ngang 7 pa lang sya ay nahahalikan ka na nya, what more ngayon? Mana ka pa naman sa Mama mo." Mahina yung huling sinabi nya kaya hindi ko masyadong marinig. "Ano yun, dad?" Pagpapaulit ko sa kanya pero iba na ang sinabi nya. "Anak, kapag nalaman naming nakikipaglapit ka kay Akira, pauwiin ka na namin sa US." "But that's unfair." Pagrereklamo ko. "Just do what I've said, Zion. Di ba sabi mo good boy ka? Kaya sundin mo ang bilin namin ni Mama sayo okay?" "Okay." Kunsabagay, marami pa naman siguro akong pwedeng maging kaibigan dito sa Martenei. Susundin ko na lang ang sinabi nila kesa pauwiin ulit nila ako sa States. "Very good, anak. I love you. Bigay mo na kay Mama yung phone." Utos nya sa akin na agad ko namang sinunod. Pagharap ko kay Mama ay nakahanda na sya ng breakfast ko. And while eating, I was just watching him talk to dad. And this time, hindi na sya sumigaw. ... "Jayden, bakit ayaw nila Mama na makipagclose ako kay Akira?" I asked my sister habang naglalakad kami papunta sa building ng course ko. Ihahatid nya kasi ako before sya pumasok sa first class nya. "Baby, sundin mo na lang sila Mama kasi hindi naman nila ipapagawa yun kung hindi makakasama sayo." She replied. "Pero bakit? Akala ko ba best friend ko sya noon at mabait sya?" Pangungulit ko. She sighed. "OK, mabait sya at best friend mo nga sya noon pero Akira is different now. Kaya na nyang manakit ng iba. He might unintentionally hurt you at ayaw lang nina Dad na masaktan ka." She patiently explained pero hindi ko pa rin sila maintindihan. Sabi ni Mama kahapon kapag may nambully sa akin isusumbong ko lang daw kay Jayden at si Akira na ang bahala. Pero bakit ngayon ayaw na nilang makipag-friends ako sa kanya? "Eh, bakit ikaw? Aren't you s-scared that he might h-hurt you too?" "Zion, Akira is my boyfriend and he will not hurt me. Yung pagiging best friend nyo, noon lang yun. Hindi na kayo best friends ngayon kaya pwedeng gawin nya rin sayo yung ginawa nya kahapon dun sa isang estudyante. Gusto mo ba yun?" Umiling ako sa kanya. "Ganito na lang, baby. Isipin mo na lang that dapat mong iwasan si Akira because he's bad for your health." "Pero..." "Just do it, okay? Sige na. Yan na yung room mo oh. Pasok ka na."  Itinuro nya ang pinto sa harap namin. At bago ko pa ulit sya matanong ay patakbo na syang umalis. Wala akong nagawa kundi ang habulin sya ng tingin. Iwasan ko daw si Akira because he is bad for my health? Bakit kaya? May nakakahawa ba syang sakit? Napailing na lang ako bago ako naglakad papunta sa pinto ng classroom ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD