Jayden
I stopped running nang makarating ako sa tapat ng building namin. Iginala ko muna ang mata ko sa paligid at nang matiyak na walang Akira na nagmamatyag sa mga kilos ko ay saka lang ako pumasok sa loob.
Nang mawala sina Mama at Zion sa paningin namin kahapon, binalak ko syang takasan dahil natitiyak kong marami syang magiging katanungan. At hindi nga ako nagkamali dahil pagtalikod na pagtalikod ko ay kaagad nyang hinablot ang isang braso ko at hinila ako kung saan walang katao-tao.
Tinitigan nya ako ng mariin. Alam kong nagpipigil lang sya ng galit base sa paniningkit pang lalo ng kanyang mga mata at ng kanyang pagtitimbaang.
"Explain why he doesn't remember me." Matigas ang boses na sabi nya sa akin. Nag-uutos. Hindi pwedeng balewalain.
Ano ang isasagot ko? Sasabihin ko bang inutusan kami ng mga parents namin na wag babanggitin kay Zion ang pangalan nya? They told us that we'll lose Zion kapag hindi namin sila sinunod. It wasn't hard for Azyra dahil dati pa man ay hindi na sila masyadong magkasundo ni Akira. But on my part, it was hard lalo at napalapit na rin ito sa akin noon. Pero ginawa ko pa rin ang sinabi nila dahil ayokong magkatotoo ang ipinapanakot nila sa amin. I don't wanna lose my baby brother. May mga time na aksidente ko syang nababanggit pero agad na naiiwas sa kanya ang topic ni Azyra o ni Mama.
Lalo pa silang naging mahigpit nang magisimulang dumating ang mga sulat mula kay Akira. At first, I don't understand them. Bata pa lang si Akira. Ano ang magagawa nya para kunin sa amin si Zion? But when dad explained how powerful Marteneis are, how obsessed they can become, natakot ako para sa kapatid ko especially nang ipabasa sa amin ni Daddy ang isa sa mga sulat ni Akira para kay Zion. At hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga katagang nabasa ko doon.
Someday, we'll be together. Someday, we will be like Daddy and Papa.
I love you, Zion. Someday, I will be your husband. I'll take you away. We'll live together forever.
For me, what Akira said was a threat. Kukunin nya si Zion sa amin. But as I grew older, I realized that there was nothing wrong with that dahil tanggap naman na ang samesex marriage. But my dad doesn't want that to happen to Zion. So nagtaka ako. Kung sila nga ni Mama, nagpakasal at nagkaanak pa so pwede rin iyong mangyari kay Zion. But what what he said after that brought a scorching fear in my heart. And that made me promise him that I'll protect my youngest brother especially from Akira Martenei. Ako ang panganay sa aming tatlo kaya it is a part of my responsibility.
At tumupad ako. Hanggang ngayon ay tumutupad ako sa ipinangako ko sa mga magulang ko kahit na isinasakripisyo ko na ang kalayaan ko at ang aking personal na buhay.
Nang magkolehiyo si Akira, hindi ko na sya hiniwalayan. Kinaibigan ko sya. Nakipaglapit ako sa kanya. Nagtagumpay naman ako. We became best of friends. Pero nag-iba ang takbo ng pangyayari nang sabihan ako ni Mama na nagsisimula nang mangulit si Zion na makapag-aral. At alam kong isa lang ang pupuntahan nya para matupad iyon. Dito sa Martenei. So I said to my self, kailangang gumawa ako ng paraan para maiiwas si Zion kay Akira kapag dumating na sya dito sa Pilipinas. Nakakababa man ng pagkatao, nagsimula akong magparamdam kay Akira ngunit balewala lang sa kanya ang mga efforts ko. Hanggang sa dumating ang birthday nya last year.
Lasing na lasing sya noon. Laging ibinubulong ang pangalan ni Zion. Hindi man nya direktang inaamin sa akin, hanggang ngayon ay malalim pa rin ang nararamdaman nya para sa kapatid ko. During the party when he was totally intoxicated, he became so sweet to me. He even challenged me to be his. Iniimagine nya siguro na ako si Zion. Sinamantala ko ang pagkakataon. Isinama ko sya sa suite ko at inakit. He was my first kiss. Nangyari iyon nang gabing iyon. Ngunit hanggang doon lang ang lahat dahil nakatulog na sya sa sobrang kalasingan nang simulan nyang hubarin ang suot nya. I set him up. The next morning he woke up, pinalabas kong may nangyari sa amin and we are officially in a relationship. He was confused. Alam ko rin na gusto nyang tumanggi. Pero bilang isang gentleman, hinayaan na lang nya ang lahat.
Ikinasiya ko ang pagiging protective nya sa akin and I'll admit, there was a time that I thought I fell for him. But I want the one who would fool my self into believing that he's falling in love with me too. I know he wasn't and he would never ever fall in love with me for how can he if he was and is deeply in love with my brother. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata tuwing pinagmamasdan nya ang picture ni Zion sa suite namin. Nagtatanong din sya tungkol sa bunso kong kapatid ngunit tipid ang mga sagot ko. Ipinaramdam ko sa kanya na balewala lang sya sa kapatid ko. Isang beses, nahuli ko rin syang nakatitig sa picture ni Zion sa album ng f*******: ko. And his locker room security code? Pangalan din ni Zion.
Kaya naman pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko na mababalewala lang ang lahat ng feelings ko sa kanya. Galing na rin mismo sa bibig ni Daddy na once a Martenei fall in love, it's for a lifetime.
And the way he was hurting while asking me why my brother doesn't remember him is an obvious evidence of it. That just a little rejection from Zion can already break him apart.
Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya. Because no matter how much he loves Zion, no matter how much he'll fight for him, they will never be together. Gagawin namin ng pamilya ko ang lahat para hindi sila magkatuluyan. I don't wanna lose my brother. And him loving and giving Akira his everything would cause him his life. We don't wanna risk that.
"Zion had an amnesia nang mahulog sya sa hagdan. Remember when you went to see him at the hospital the day of your flight here? Nagising sya at isa ka sa mga hindi nya maalala. Sinubukan kitang ikuwento sa kanya but he didn't believe me. He doesn't believe na nagkaroon sya ng ibang kaibigan bukod sa amin ni Azyra." I bit the inside of my mouth for the lies I've said.
"How about my letters?" Garalgal ang boses na tanong nya. My heart clenched from the pain of his voice and the unshed tears from his eyes.
"What letters?" Another lie. And my eyes were a witness when his face showed total devastation.
"You're lying to me." He accused me pero umiling ako sa kanya.
"Wala akong alam sa sinasabi mong mga sulat, Akira." Nagulat ako nang kuwelyuhan nya ako.
"You're lying to me!" Bulyaw nya sa akin. Hindi ako agad nakasagot. Alam kong matinding magalit si Akira. Matinding-matindi. Ilang beses na ba akong nakasaksi ng kalupitan nya sa tuwing nagpaparusa sya? Wala syang pinipili. Babae man o lalaki. Maging sa lugar ng pagpaparusa. Ginagawa nya ang gusto nya kahit saan. Kahit anong oras. He's a sadist. Hindi sya titigil hanggang hindi bumabaha ang dugo ng kanyang pinaparusahan. Hanggang hindi sila nag-aagaw buhay. Tingin pa lang nya ay nakakawala na ng malay sa takot na lulukob sayo. Napakalupit nya. At hindi ko inaasahan na maging sa akin ay magagawa na nya ang bagay na iyon sa tindi ng emosyong bumabalot sa kanya.
I can't blame him. Masyadong mabilis ang pangyayari. Masyadong masakit.
"Akira, please calm down. Believe me, wala akong alam sa sinasabi mo." Pakiusap ko sa kanya. "Magagalit si Zion sayo kapag nalaman nyang sinasaktan mo ako." Pananakot ko sa kanya.
Nang marinig nya iyon ay saka nya lang ako binitawan. Puno ng kabiguan ang kanyang mukha.
"Akira..."
"We're through." Napanganga ako sa sinabi nya. He is breaking up with me?! Hindi ito maaari!
"No, Akira. You're not breaking up with me dahil kay Zion!" Natataranta kong sabi sa kanya. Sinubukan ko syang hawakan ngunit pinaalis nya ang kamay ko sa braso nya na tila diring-diri sya sa akin.
"You knew. Since day one, you knew that I don't love you. Alam mo kung sino ang totoong mahal ko, Jayden. You knew all along what I feel for your brother. And now that he's here, I'm gonna do everything to make him mine!" Natatakot man sa tindi ng galit at emosyong bumabalot sa kanya ay nagpakatatag ako.
"No, Akira. I will not accept that break up. You're mine. Ako lang ang babaeng para sayo. Leave my brother alone!"
"Make me hate you more, Jayden. Go on. Dare me to fight you all. Do you think hahayaan ko na mabalewala ang tagal ng panahong hinintay ko ang pagdating nya? Do you think papayag ako na mapunta lang sa wala ang pagmamahal ko sa kanya? Go on, Jayden. Fight me! Dahil hindi ako mangingiming saktan ang kahit na sino na pipigilan akong kunin ang akin." Paghahamon nya sa akin.
"He is not yours, Akira! And he would never be."
"Pigilan nyo ako kung kaya nyo." Pagkasabi ng mga salitang iyon ay tinalikuran nya na ako.
"Akira!" Pasigaw kong tawag sa kanya ngunit hindi nya ako liningon. Nauupos akong napasandal sa pader. Natatakot ako sa maariig gawin ni Akira at sa maaaring maganap. Gusto kong tawagan si Mama at ikuwento sa kanya ang maganap but I don't wanna break Zion's heart kapag iniuwi sya pabalik ni Mama sa America.
I saw how happy my brother was na finally natupad na ang pangarap nyang makapag-aral. Kitang-kita ko ang kakaibang buhay sa kanyang mga mata. Ang kanyang kakaibang sigla.
Ano ang gagawin ko? Nalilito ako. Sumasakit na ang ulo ko.
I attended the rest of my classes na wala ako sa sarili ko. During my last class, nagulat ako nang maabutan ko si Akira na naghihintay sa labas ng classroom ko. Amoy alak sya at yukung-yuko. Nasulyapan ko rin si Reno, isang malapit na kaibigan nya, na nanunuod sa isang sulok. Hinintay ko munang makaalis ang lahat bago ko linapitan si Akira.
"Don't tell Zion that I've already broken up with you. Don't make him hate me. I can't take another rejection from him, Jayden. I love your brother so much." Hindi nakaligtas sa akin ang pagluha nya. Ang pagyugyog ng mga balikat nya ang indikasyon na lubos ang sakit na nararamdaman nya ngayon. Hindi agad ako nakasagot. Binalot ng awa ang puso ko para kay Akira. Nawala ang galit na nararamdaman ko para sa kanya kanina. This is my first time to see him cry and so broken. Nawala ang lahat ng tapang nya. Nawala ang pagiging sadista nya. Nawala ang isang nagpakatatag na Akira Martenei.
Ang nakikita kong Akira ngayon ay puno ng kabiguan. Nagmamakawa. Humihingi ng awa, ng pagkakataon. Sino ako para husgahan sya sa nararamdaman nyang sakit ngayon? Sino ako para maliitin ang pagmamahal nya para sa kapatid ko?
Hindi man nya ako minahal bilang girlfriend nya ngunit ipinaramdam naman nya sa akin ang halaga ko. Prinotektahan nya ako at inalagaan sa abot ng makakaya nya kahit alam ko na ginagawa nya iyon para kay Zion. People really do crazy things for love. At isa na si Akira sa mga iyon.
Napailing ako at nakita nya iyon.
"Please, Jayden. Please. Do you want me to beg? Do you want to get even with me for breaking up with you? Go ahead. Punish me. Kahit anong parusa. Tara sa Torture Room. Pero ipangako mo, ipangako mo na hindi mo ako pipigilang makipaglapit kay Zion. You will not make him hate me. And I promise you, kung pakikipagkaibigan lang ang kayang ibigay sa akin ni Zion, tatanggapin ko iyon. Basta makasama ko lang sya araw-araw hanggang sa nag-aaral sya dito sa Martenei. Hindi ko sya pupuwersahing mahalin ako kung hindi nya kaya. Ipinapangako ko yan, Jayden." Pakiusap nya sa akin. Awang-awa ako sa kanya. Dalang-dala ako sa pagmamakaawa nya.
"Sige." Mahina kong sagot. Nagulat ako nang yakapin nya ako ng mahigpit. Kahit paano ay nasiyahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na nagkusa syang yumakap sa akin.
Nagkahiwalay kami ng gabing iyon na may pagkakaintindihan. Nang umuwi ako sa suite ay tulog na si Zion. Kinausap ako ni Mama at sinabi ko sa kanyang tinupad ko ang pangako kong prinotektahan ko si Zion sa pakikipagrelasyon ko kay Akira. He was thankful but muli nya akong pinaalalahanan na mas pag-igtingin ko daw ang pagprotekta sa kapatid ko mula kay Akira. I felt guilty dahil nakipagsabwatan ako kay Akira kani-kanina lang. Pinanghahawakan ko na lang na sana ay hindi mainlove si Zion sa kanya. My brother is not gay. At sa condition nya, malabo ring mainlove sya kay Akira.
Bago matulog ay pinag-aralan ko ang lahat ng sitwasyong kinasusuungan ko. Nakapangako ako kay Akira. Ngunit nang magkausap kami ni Mama ay mas tumimo sa akin ang ipinangako ko sa aking mga magulang. Napatunayan ko that blood is thicker than water. Nagpadala ako sa awa kay Akira kanina. Naging mahina ako. But seeing my Mama become desperate in protecting my brother renewed my protectiveness towards my brother. Sige, I will let Akira believe na tutulungan ko sya kay Zion. But gagawin ko rin ang lahat para hindi mapalapit si Zion sa kanya. I know na panloloko kay Akira ang gagawin ko at mapaparusahan ako ni Akira kapag nalaman nya ang lahat. But it's the risk I have to take for my brother.
Kaya kaninang ihinatid ko sya ay binilinan ko na sya na hanggang kaya nya ay layuan nya si Akira. Alam kong naguguluhan sya pero para sa kanya din ang lahat ng ginawa ko.
Nakarating ako ng matiwasay hanggang sa classroom ko. I'm just happy na kaya ko pa ring paikutin si Akira sa mga palad ko.
But little did I know na may sarili rin palang mga plano si Akira na kung alam ko lang ay pipilitin ko nang bumalik si Zion sa America.
....
7 hours ago.
7 Demon's Building, Penthouse.
Akira
"How was it?" Seryoso kong tanong kay Reno.
"Damn, man. Still can't believe you can pull that kind of drama. May paiyak-iyak ka pa kanina." Natatawa nyang sagot sa akin.
"Man, I could pull more shits for Zion." Ngisi ko sa kanya. Napailing sya sa akin.
"Pwede ka nang pumasang best actor kanina ah. Paniwalang-paniwala si Jayden."
"I have to do it, dude. Nararamdaman ko na nagsisinungaling sya sa akin. My instinct was telling me na sinadya nilang hindi ako ipaalala kay Zion. At naramdaman ko rin kanina na hindi sya nagsasabi ng totoo tungkol sa mga sulat na pinadala ko noon para kay Zion. Two years, Reno. Napakaimposible na kahit isang sulat walang nakarating kay Zion. Halos every week ko syang sinusulatan for two fvcking years. Palagi syang wala kapag tumatawag kami. Ain't that too fishy?" Masyado akong minamaliit ng mga Salvador. Pwes, kung tuso sila, mas tuso ako. Kung nagawa nila akong dayain at paikutin sa mga palad nila noon, hindi ko na papayagang mangyari iyon ngayon. Ngayon pa na abot-kamay ko na si Zion? Magkakamatayan muna kami bago nila muling makuha si Zion mula sa akin.
"Alam mo, Akira, tama ka eh. Itinago nila si Zion sayo. Pero, dude. Until now hindi pa rin ako makapaniwalang nainlove ka na sa edad na 7 at ang mas nakakagulat pa, sa lalaki ka pa na in love." Napapantastikuhan nyang bulaslas.
"Wala namang pinipili ang puso. Sa kanya nagmahal ang puso ko kaya kahit lalaki pa sya, mamahalin ko pa rin sya. My parents are happy. 19 years na silang kasal. And look at my grandparents. Sila ang nagpatunay na may future ang samesex relationship. I want that kind of relationship, dude. At si Zion ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko."
"Kaya pala kahit kailan ay hindi mo nagawang mahalin si Jayden kahit napakaperfect na nya." Pailing-iling na sabi nya sa akin.
"I only intend to love Zion. Sya lang. Tanging sya lang. At gagawin ko ang lahat, Reno. Gagawin ko ang lahat para mahalin nya rin ako hanggang sa ako ang piliin nya kesa sa pamilya nya. At walang makakapigil sa akin na tuluyan syang gawing akin. Not Jayden nor their family. Kung magkakasira ang mga pamilya namin, then so be it. I don't care. As long as kasama ko si Zion, wala na akong pakialam sa iba pa." Seryoso kong saad.
"Good luck, Master." Itinaas nya ang lata ng beer na hawak. Itinaas ko rin yung sa akin.
"Thanks. I need all the luck I could have." Nagpingkian sa ere ang mga lata ng beer namin.
You'll be mine, Zion. Tutuparin ko ang lahat ng ipinangako ko sayo noon. You'll be mine soon.