WARNING: SKIP KUNG MAHINA ANG SIKMURA NYO "Tama naaa! Tama na pooo!" Pagmamakaawa ng babaeng binabalatan ko ang hita gamit ang talim ng kutsilyo. Matapang ang amoy ng dugo ng babae ngunit hindi ako nagpatinag. Bagkus ay may kakaibang halimuyak ang kanyang dugo na lalo pang nagbibigay ng gana sa akin para ipagpatuloy ang aking ginagawa. Sinulyapan ko ang isang hita ng babae na tila fresh longanisa na ang kulay. Kitang-kita ko ang lamang basa sa dugo. Ngumisi ako. Muli kong yinuko ang isa nyang hita na pinagkakaabalahan ko. Malapit nang maubos ang balat nya dito. "Master..." Tawag ni Adam sa aking pansin. Napatingin ako sa kanya ngunit nagfocus ang mga mata ko sa lalagyan na kanyang hawak. The yellowish liquid made me smile even wider. "Muriatic acid?" Tila bata na excited kong tanong s