"Master, hinanap na namin sya kung saan-saan pero wala talaga." Humihingal na pagbabalita sa akin ni Aira. Sunud-sunod na pumasok ang iba pa naming kagrupo at gaya ng kay Aira ay bigo din ang ekspresyon ng kanilang mukha. "Damn it!" Hiyaw ko sabay sa marahas na pagpalis sa mga kagamitang nasa ibabaw ng mesa ko. Ni wala akong pakialam kahit tumama na sa pader ang mamahaling laptop na regalo sa akin ni Daddy noong nakaraang birthday ko. Triple ang t***k ng dibdib ko sa galit at pangamba. Galit dahil hindi ko kontrolado ang sitwasyon at pangamba sa kung nasaan na ba si Zion. Nalaman kasi ni Aira na may dalawang estudyanteng babae ang nagsama kay Zion. Pinaghinalaan din namin si Jayden ngunit naghisterikal ito nang malamang nawawala ang kapatid. "Hanapin nyo sya. Walang titigil sa paghahan