Dion's POV
I tapped my fingers against my table as I kept on staring at the phone in my hand. I've been trying to focus on the article that I am currently reading but I just f*cking can't.
Hinilot ko ang aking sentido atsaka isinara ang aking mga mata na sana ay hindi ko na lang ginawa.
A memory of that specific night immediately occupied my mind in an instant.
"Goddamit." Singhal ko sa aking sarili bago napatingin sa suot kong pants. I rolled my eyes in annoyance when I saw a bulge on my pants.
Salubong ang dalawang kilay kong pinataya ng aking phone atsaka sumandal sa aking kinauupuan dito sa loob ng aking opisina.
Dion, umagang-umaga, nalil*bogan ka?
Sa pagbukas ko ng aking mata, bigla kong nasilayan ang isang babaeng dumaan sa opisina ko. My office glass is clear, and my blinds are rolled up, so I can clearly see someone passing by my office.
I almost forgot to blink when I saw that specific woman passed by.
When I remember what I did last night, I wanted to turn back the time and wished I never said those words to her.
I just hope Camilla won't think of me as a weirdo piece of jerk.
At itong problema ko na 'to...
Isa pa 'tong sagabal sa buhay ko ngayon.
The truth is I can't stop fantasizing her after that night. Hindi ko alam kung bakit, parang bigla na lang akong kinulam o ano.
I sometimes feel disgusted with myself, simply because I'm not only fantasizing a specific woman-- she's a married woman, okay? A woman with a spouse! With a husband.
What if she's also a mother?
Natigilan ako sa huli kong naisip.
No, she's not, she's still a v*rgin when we both did it which made put me into a great shock.
"Ah f*ck yourself, Dion." Bulong ko sa aking sarili bago napahilamos sa aking mukha.
Nang mapalingon ulit ako sa direksyon ni Camilla, nakita kong nakatayo ito sa isang estasyon na ilang metro ang layo mula rito. When I saw her throw her glances at my direction, I immediately stood up like nothing happened.
Saktong tumunog din ang telepono ko kaya kaagad ko itong sinagot habang nakatalikod sa direksyon ni Camilla na sa tingin ko ay nakatingin parin sa akin.
I am trying to hide my bulge from the eyes of everyone, especially from her.
Camilla's POV
Panibagong araw kaya may panibagong tatrabahoin na naman ako rito sa kompanya.
Habang naglalakad ako papalapit sa aking estasyon, nakita ko ang isa kong kasamahan sa trabaho na ngayon ay nakaupo sa aking upuan.
Kunot-noo ko itong tinignan hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanyang direksyon.
"Maganda umaga sa'yo." Unang pagbati ko sa kanya dahilan upang kaagad niya akong nilingon.
"Magandang umaga rin sa'yo, Camilla! Maaga ka ngayon ah." Nakangiti nitong saad sa akin habang ako naman ay pasimpleng nilingon ang estasyon ko na ngayon ay mukhang kakaiba.
"Uhm, estasyon ko 'to hindi ba? Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya na ikinakurap nito.
"Hindi ka ba nasabihan ng department head natin?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa bago mong estasyon."
Teka lang, huwag niyong sabihn sa akin na--
"Your station have been reassigned, Camilla." At ayun na nga, tama ang hinala ko.
"Saan?" tanong ko sa kanya atsaka sinundan ang direksyon kung saan nakaturo ang kanyang daliri.
Nang makita kong nasa mismong tapat ito ng engineering department, halos manigas ang leeg ko sa gulat.
"A-Ayoko!" Wala sa huwisyo kong saad dahilan upang mapakurap ang kasama ko.
"Uhm, pasensya ka na Camilla pero si Architect Pelaez kasi mismo ang nagre-assign sa akin dito eh." Napalunok ako bago humingi ng pasensya sa kanya sa biglaang pagtaas ng aking boses.
Wala na akong nagawa kundi ang matamlay na maglakad papunta sa bago kong estasyon.
Umupo ako sa aking silya bago pasimpleng sinulyapan ang isang lalake na nasa loob ng kanyang opisina. Nakita ko si Dion na nakatayo habang nakaharap sa floor-to-ceiling niyang bintana.
He's holding a phone and is obviously talking to someone.
Nagulat ako nang bigla itong lumingon sa aking direksyon at dahil ang tagal kong makareact, nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
I saw how he froze a little before ending his phonecall.
Mabilis naman akong nagtago sa pamamagitan nang pagbukas ng aking laptop para hindi niya makita ang mukha ko.
"Lintek naman, oo, sa dinami-raming pwestong pwede kong malipatan, bakit sa mismong tapat pa talaga ng opisina ni Dion?!" Buong diin kong bulong sa aking sarili.
Tsaka nahuli niya akong nakatingin sa kanya!
"Camilla!" Napaigtad ako nang may biglang yumukap sa akin mula sa likuran.
"B-Berna--"
"Gaga, bakit ka biglang nalipat ng estasyon? Ang layo-layo mo na sa'kin, tsaka halos mga engineers ang mga kasama mo rito." Aniya bago napaderetso ng tayo sabay lingon sa opisinang nasa aming harapan.
"Pero ang swerte mo, Mila, may maganda kang view rito oh." Kaagad nitong dagdag habang kagat-labing nakatingin sa nag-iisang lalakeng nakaupo na ngayon sa silya niya.
Biglang inilapit ng kaibigan ko ang mukha niya sa aking pisngi na ikinagulat ko.
"Palit tayo." Nakangisi niyang saad habang nanlalaki ang mga mata.
"Bernadette! Huy, tinatawag ka ni Architect Pelaez, tantanan mo nga si Camilla diyan."
Kung gaano kabilis biglang dumating si Bernadette sa estasyon ko, ganon din ito kabilis umalis nang hilahin siya pabalik ng isa pa naming kasamahan sa trabaho.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi maiwasang mapailing habang nakangiti habang sinusundan ng tingin sila Bernadatte paalis.
Nang muli kong hinarap ang aking laptop, wala sa huwisyo akong napatingin uli sa opisina ni Dion na sana ay hindi ko na lang ginawa.
He's now looking straight at me while wearing his eyeglasses and pressing his knuckles against his left temple.
Napalunok ako nang makita ko itong titig na titig sa akin kaya bigla akong nataranta at wala sa huwisyong biglang nagtype sa aking laptop para lang masabing may ginagawa.
I saw in the peripheral view of my eye that someone entered his office.
But after a few minutes, he eventually left.
"Architect Camilla." Kaagad akong napalingon sa lalakeng kakalabas lang ng opisina ni Dion.
"Yes?"
"Engr. Dela Peña is requesting your presence in his office."
Walangya!
"B-Bakit daw?" Napakibit-balikat ito bago muling nagsalita.
"Hindi ko alam eh, puntahan mo na lang." He smiled at me before proceeding to his station.
Napalunok ako bago tumayo atsaka nagtungo sa opisina ni Dion. Kung papasok ako ngayon, ito na ang pangalawang beses na makakapasok ako sa loob ng opisina niya.
At tulad nong una, hindi parin ako kumportable sa tuwing magkaharap kami o di kaya ay alam kong nasa paligid lang siya.
Maybe because of what happened to us on that one specific sinful night.
"G-Good morning, Engr. Dela Peña, p-pinatawag niyo raw po ako?" Salubong ko sa kanya sa oras na pumasok ako sa loob.
Nanatili akong nakatayo rito sa gilid lang ng pinto habang siya ay nasa pwesto niya parin kanina.
Palihim kong naikagat ang aking ibabang labi habang nakatingin sa suot nitong salamin sa mata.
I have a weird fetish for men who wear eyeglasses.
Kaya hindi ko maiwasang mapahawak ng mahigpit sa laylayan ng aking suot na palda.
Why would he look so good in glasses?!
Nang makita niya akong napakagat sa aking labi, nahuli kong naningkit ng bahagya ang kanyang mga mata bago nag-iwas ng tingin atsaka tumikhim.
"Yes, I want you to do something for me today."
"Ano po yun?" Kaagad kong tanong sa kanya.
"Since you're the closest person to my office, I would like you to make me a coffee every 10am in the morning."
Kape? Kape na naman?
"Sir, hindi ko trabaho ang magtimpla ng--"
"I know, but this is a personal request." Natigilan ako sa kanyang sunod na sinabi at hindi maiwasang mapatitig sa mukha nito.
A personal request...
It doesn't mean something else right? Choosing me above anyone here to personally make him coffee is just nothing... right?
Mulia kong nawala sa pokus nang mas lalo akong napatitig sa mukha niyang may suot na salamin.
Tang*nang mukha 'yan, ang pogi.
Natigilan ako sa aking iniisip at sa isang idlap ay biglang namula ang aking tainga na kaagad kong tinakpan.
"S-Sige po. I'll make you a coffee every 10am." Wala sa huwisyo ko na namang sagot sa kanya.
"Thanks, Camilla." He said while looking intently into my eyes.
Wala na akong ibang ginawa kundi ang tumango na lang atsaka mabilis na umalis sa opisina niya. Pero bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto, muli itong nagsalita sa aking likuran.
"Last night, I mean what I said last night, Camilla."
Hindi ko na ito sinagot pa at mabilis na lang umalis.
Pero habang naglalakad ako pabalik sa aking estasyon, ramdam na ramdam ko parin ang malagkit at mainit na tingin niya sa akin na tila hinahatid pa ako sa kung saan ako pupunta.
And his stolen glances towards me continued since that day, pero pinagsawalang bahala ko lang 'yon.
NAGHAHANDA ako para sa pagdating ni Andrea sa bahay namin ni Gael. Nakontak ko na siya at laking tuwa nito nang malaman niyang dito siya tutuloy sa amin.
Hindi ko rin maiwasang matuwa sa kanyang naging reaksyon. Masaya ako at ganon parin ang pakikitungo ni Andrea sa akin, na tila walang nagbago kahit na ilang taon kaming hindi nakikita at nakasama ang isa't-isa.
Linggo ulit ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho and luckily, my husband decided to help me prepare a room for my cousin Andrea as well-- ah hindi, kapatid ko siya.
I see Andrea as my sister, not just as a cousin.
"Hon, what do you think about this? Maganda ba siya para sa kwarto ni Andrea?"
Sobrang plain kasi ng iba naming mga kwarto sa bahay, kaya napagpasya akong bumili ng ilang mga muwebles para magkaron naman ng buhay kahit papano ang magiging kwarto ng kapatid ko.
Tsaka naisip ko rin na baka sa paraang ito, masasabi ni Andrea na iniisip-isip ko parin siya. Na kailanman hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
"That's fine, anything will do." Komento nito bago napatingin sa isang salamin sa may di kalayuan atsaka ito tinuro.
"You might as well buy a mirror for her room. Walang salamin ang kwartong pinili mo para sa kanya." Napangiti ako sa kanyang naging suwestiyon atsaka kaagad na napatango.
I am in the middle of buying furniture for her when my eyes caught a baby store just a few meters away from us.
Nasa mismong tapat talaga ito ng furniture store kung nasaan kami ngayon kaya hindi ko maiwasang mapatitig doon.
At nang makita kong may mag-asawang lumabas doon habang may bitbit na bagong stroller ang lalake, hindi ko maiwasang mapait na mapangiti habang nakatingin sa kanila.
Buntis ang babaeng kasama niya, kaya alam ko 'yon dahil kapansin-pansin naman ang malaki nitong tiyan.
"Hon?" Pagtawag ko sa asawa ko na ngayon ay tahimik na tumitingin ng mga muwebles sa aking tabi.
"What is it?"
"Tignan mo, ang ganda nilang pagmasdan noh?" Sabi ko sabay turo sa mag-asawang nakangiting naglakad paalis sa baby store.
"I can picture ourselves buying baby stroller, crib, and clothes together soon." Nakangiti kong wika sa kanya atsaka ito tinignan sa mukha.
Nang makita kong wala itong ekspresyon nakatingin sa akin at tila nababagot, unti-unting nawawala ang ngiti sa aking labi.
"How many times do I have to say this? Don't start a fight with me, okay?" Napakurap ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko ito inaasahan.
"Gael, hindi ako naghahamon ng away. Sinasabi ko lang na--"
"Shut up, please, Camilla? Pumili ka na lang ng gusto mong bilhin para sa kapatid mo nang makauwi na tayong dalawa. I should be resting now you know?" Aniya atsaka ako tinalikuran matapos ibigay ng kasama naming kasambahay ang card niya atsaka ito kinausap.
Pagkatapos don ay kaagad din itong umalis atsaka ako iniwang nakatayo rito sa aking kinatatayuan.
"M-Ma'am Camilla, maghihintay daw po si Sir Gael sa sasakyan. Pagkatapos po nating m-mamili rito dumiretso na lang po daw tayo sa basement." Sabi ng kasama kong kasambahay na ikinatango ko na lang.
"Sige," tanging naging sagot ko na lang atsaka ito nilagpasan para maitago ang luhang nangangambang tumulo sa aking mga pisngi.
At bago pa may ibang makakita sa kahinaan ko ngayon, mabilis kong pinunasan ang aking mga mata at piniling ilibang ang aking sarili sa pamimili para sa kapatid ko.