4. Reach on Me Again

2662 Words
Camilla's POV "Camilla!" Kaagad akong nagmamadaling magspray ng pabango atsaka sinuot ang aking heels. "Camilla!" "A-Andiyan na!" Napamura ako nang muntikan pa akong matapilok sa kakamadaling abutin ang bag ko sa ibabaw ng kama atsaka mabilis na lumabas sa silid namin ng asawa ko. Pagkababa at pagkababa ko ay kaagad na sumalubong sa aking ang nakakunot na noo ng aking asawa. "What the hell took you so long?" "P-Pasensya ka na, Gae--" "Let's go. We're both running late in our family dinner." Pagpuputol niya sa gusto kong sabihin atsaka ako mabilis na tinalikuran. Ni hindi man lang ako inalalayang maglakad palabas ng bahay namin. Napabuga na lang ako ng hanging bago ko nilingon ang mga maid namin sa tabi na sing tuwid pa ng ruler kung makatayo dahila sa takot nila sa asawa ko. "Wag niyo na kaming hintayin pa ni Gael mamaya, matulog na kayo ng maaga pagkatapos ninyong kumain," sabi ko sa kanila. "Opo, ma'am Camilla, salamat po." Ningitian ko sila na kaagad naman nilang isinukli sa akin. Ngunit nang mapatingin ako sa isa naming bagong kasambahay sa pinakagilid ay mukhang ang lalim ng iniisip nito kaya mas lalo ko akong napatitig sa kanya. Mukha siyang problemado. May nangyari ba rito sa bahay nang hindi ko alam? Should I ask Gael about it, or I should ask her directly? Ang alam ko kasi ay sobrang aga nitong umuwi kanina. Baka may nangyari dito sa bahay nong wala ako. "Camilla! Ano ba?!" Kaagad akong umalis at sinalubong ang nagbabagang mga mata ng asawa ko halatang naiinip na sa katagalan ko. May driver kami ngayon kaya magkatabi kami ni Gael sa backseat ng sasakyan. I fixed his tie and his buttons. Kahit na una itong natapos ngayon, hindi parin ito ganon kaayos ang suot niya kaya bilang asawa, inayos ko ito ng maige. "Your ring, good thing you remember wearing it now." Napatingin kaagad ako sa aking daliri nang makita ko ang gintong singsing doon bago siya ningitian. "Ah, oo, nilinis ko na rin." "Good." Tahimik akong umupo ng maayos sa aking pwesto habang si Gael naman ay abala sa cellphone niya. Hindi ko naman maiwasang mapahawak sa singsing na kakadating lang kanina sa opisina ko. Buti na lang at tumawag yung nagdeliver sa akin kanina bago ito nagtungo sa bahay namin, dahil kung hindi, baka si Gael pa mismo ang nagreceive non. Napakiusapan ko naman ang delivery boy na magpalit ng address kaya don ko na tinanggap sa office bago ako umuwi. "Uhm, Gael?" "Yes." He said while still looking at his phone. "May nangyari ba sa bahay kanina habang wala ako?" Kaagad niya akong nilingon nang sabihin ko 'yon. Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay na tila ba hindi niya inaasahang magtanong ako ng ganon. "What? What are you talking about, Camilla?" Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Noon naman ay kaagad niyang nakukuha ang pinupunto ko pero ngayon halatang wala na itong paki at ang atensyon niya ay palagi na lang nasa cellphone niya. "Kanina kasi, bago ako umalis, napansin kong wala sa sarili si Rena. Pinagalitan mo na naman ba siya?" He blinked after hearing what I've said before exhaling an air and shakes his head while grinning. "That slow woman? No. Of course, not." "Gael, wag mo siyang tawaging ganyan." "Ipagpatuloy mo pa yang pagtatanggol mo sa Rena na 'yan, Camilla. Kaya hindi 'yan natututo dahil kinakaawaan mo." Napabuga na lang ako ng hangin bago nag-iwas ng tingin para hindi na lumaki pa. Hindi pwedeng mawala sa mood si Gael ngayong kikitain namin ang magulang niya. Nang pasimple ko itong tignan gamit ang aking mga mata, nakita ko na naman itong nakaharap sa phone niya. And I even caught him suppressing his smile which made me uncomfortable. "Baka nabaliw na 'yang asawa mo sa ibang tahong kaya ayaw na niyang tumikhim ng iba." Hindi. Hindi mangangaliwa ang asawa ko. "MOM, dad, we're very sorry we're late." Pagbati ni Gael sa mga magulang niya matapos niya akong alalayan papalapit sa kanila. "Oh please, it's fine, Gael. Ah, Camilla!" Kaagad akong nilapitan ng ina ni Gael atsaka ako niyakap nang makita niya ako. Ngumiti ako sa kanya bago mabilis itong niyakap pabalik at binati na rin. Kaagad na kaming umupo atsaka nag-order ng pagkain mula sa mahahaling restaurant na ito. "I heard Andrea will be here in the Philippines next week. Saan mo balak na patirahin si Andrea, Camilla?" Tanong sa akin ni Mr. Roscent, ama ni Gael. Si Andrea ang nakababatang pinsan kong babae, siya ang nag-iisang anak ng tiyuhing kumupkop sa akin. At simula nong kinupkop ako ng tiyuhin ko, naging malapit na rin kami ni Andrea sa isa't-isa. Pero nong nagpunta ako sa Netherlands para mag-aral ng kolehiyo, naiwan ko siya rito sa Pilipinas. At pagkatapos ng kasal ko, siya na naman ang nagpunta sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pangarap niya bilang isang fashion designer. Nakipagsapalaran siya sa bansang France. But since her dream is not yet that successful for her, she decided to come back here in the Philippines and asked for my help. "I've been thinking of letting her stay in my apartment, Mr. Rosce--" "You can let Andrea stay with us, hon." Pagputol sa'kin ni Gael dahilan upang sabay kaming tatlo na mapatingin sa kanya. Teka, tama ba ang dinig ko? Ito ang unang beses na makialam siya sa magiging desisyon ko tungkol sa pamilya ko. "Para may kasama ka rin sa bahay kapag sobrang busy ko sa trabaho. In that case, I won't be too worried in getting home late because of work." Paliwanag nito bago pasimpleng sinubo ang kanyang pagkain. "Gael is right, you can let Andrea stay with you at home." Pagsang-ayon naman ni ama niya. "I think that would be a great idea too, don't you think Camilla?" Nakangiting saad ni tita kaya sinuklian ko na lang din ito ng isang ngiti. "T-Thank you, Gael, I will immediately tell Andrea about this," sabi ko sa kanya atsaka hinawakan ang isang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa bago ito pinisil. Gael smiled at me like an angel before squeezing my hand back. Hinawakan niya pa ito atsaka pasimpleng hinalikan ang aking kamay habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. "Anything for my wife." He said before flashing his smile at me once again. "You guys are so in love... kailan niyo ba kami mabibigyan ng apo, Camilla? Gael?" Ang kaninang malawak kong ngiting nakatingin kay Gael ay biglang nawala sa biglaang sinabi ng kanyang ina. I was too stunned to even speak. "Mom, stop pressuring us." Natatawang saad ni Gael bago binitawan ang aking kamay na ikinalungkot ko bigla. "Pressuring? After 5 years napepressure parin ba kayong dalawa? Wasn't it too long already?" Kunot-noong tanong ni Mrs. Roscent sa kanyang nag-iisang anak. "Tama ang ina mo, Gael, limang taon na ang nakakalipas mula nong ikinasal kayo ni Camilla. Have you guys even tried it?" Nanigas ako sa aking kinauupuan at hindi maiwasang mapahawak ng mahigpit sa kutsara nang ibato ni Mr. Roscent ang tanong na iyon. No, not even once did your son, Gael, even tried it with me Mr. Rosc-- "Of course, dad, we tried, but it seems like having a baby is not 'yet' for us. Right, hon?" Gusto kong tumayo ngayon at umalis sa mga naging sagot ni Gael sa harap ng magulang niya. How could he lie about it? How could he?! Inabot muli ni Gael ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kubyertos atsaka ito hinawakan nang mapansin niya ang reaksyon ko. "You see, mom, dad, Camilla is busy pursuing her dream as one of the best architects in the industry while your son is busy maintaining our family's empire. The baby can wait, right Camilla? Kung ibibigay man sa amin 'yon, then tatanggapin naman namin." Mahabang paliwanag pa nito bago pinisil ang aking kamay. And when Gael didn't hear anything from me, he squeezed my hand even more which made me flinch a little. "Right, hon?" He asked once again. At wala na akong ibang magawa kundi ang dahan-dahan na tumango sa harap ng mga magulang niya. Gusto kong mapaiyak sa inis nang dahil sa pinagsasabi niya. Kung alam lang ng mga magulang mo ang totoo, Gael, kung alam lang nila ang bawat pagtanggi mo sa akin. Nakakadurog para sa'kin marinig ang pagsisinungaling niya tungkol sa pagkakaron naming dalawa ng anak. How could he smile and say those words with warmth in his voice in front of his parents? If he really wanted to make a family with me, sana matagal na niyang ginawa. Ginagamit niya pang rason ang trabaho ko at kompanya niya tungkol don. Where in fact, I am willing to stop being an architect if it means I can have my own family with him, if it means I'm going to be a mother. Dahil ang totoo niyan, ang maging isang ina ang pinakapinapangarap ko. "Pero." Biglang napatingin sa akin ang tatlong pares ng mga nang bigla akong magsalita. "Pero kaya ko namang huminto sa pagtatrabaho kung gusto mo na talagang magka-anak tayong dalawa, hon. It would be a wonderful gift for our whole family." Dagdag ko habang nakatingin kay Gael. Kaagad na bumigat ang presensiya niya nang marinig niya ito mula sa aking bibig. Hindi niya ito inaasahan mula sa akin kaya halos manlisik na naman ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Really, Camilla?! See, Gael? Your wife is now ready! Tama ka nga, hija, isang magandang regalo para sa ating lahat ang magiging anak ninyo ng anak ko." Nakangiting saad ni Mrs. Roscent at halatang nasisiyahan sa naging sagot ko. "Pano ba 'yan, Gael? Camilla is willing to be a mom now and your mother and I are ready to be grandparents." Hirit pa ni Mr. Roscent habang nakatingin sa aming dalawa. Desperada na kung desperada, baka pagkatapos nito ay dudugo rin si Gael. Maybe, just maybe, he can do this with me. "R-Right..." Tanging sagot na lang nito bago niya binigyan ng isang pilit na ngiti ang kanyang mga magulang atsaka napainom ng wine. "WHAT THE F*CK WAS THAT?!" Napasinghap ako nang inis na bitawan ni Gael ang aking braso matapos niya akong iginiya rito sa labas ng restaurant. Pagkalabas at pagkalabas ko ng ladies restroom kanina, nagulat na lang ako nang bigla kong makita si Gael sa labas atsaka ako sapilitang dinala rito sa labas. "Nag-iisip ka pa ba ng matino, Camilla?! Anong klaseng kabaliwan yun?" May diin nitong wika sa akin at konti na lang ay iduro ako sa mukha. "Ako dapat ang nagtanong niyan sa'yo, Gael. Anong klaseng kabaliwan ang ginawa mo matapos mong magsinungaling sa harap mismo nila?! I am busy?! I will never be busy for you, Gael, dahil asawa kita at alam kong may tungkulin ako sa'yo!" Hindi ko na rin maiwasang mainis sa kanya ngayon habang nag-aaway kami rito sa labas kung saad walang ibang taong makakarinig sa amin. "Ikaw! Ikaw ang masyadong abala kaya huwag na huwag mo akong idamay sa mga palusot mo! Kaya kong gampanan ang papel ko bilang asawa mo, eh ikaw? Kaya mo ba?!" Paghahamon ko sa kanya. Parang may pumitik bigla sa sentido ni Gael dahilan upang mabilis niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi gamit ang isa niyang kamay na tila pinipiga ito bago ako tuluyang dinuro sa mukha. "Gael." "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Camilla, kung ayaw mong iwan kita." Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi maiwasang matigilan sa aking pwesto. He never threatens me like this. Never. "Tignan na lang natin kung may pamilya ka pang babalikan kapag nangyari 'yon. Alam nating dalawa na hindi ka na tatanggapin ng tiyuhin mo, Camilla. Alam nating pareho 'yon." May diin niyang bulong sa akin bago ako inis na binitawan dahilan upang mapahawak ako sa pundasyon sa gilid bilang supporta para hindi ako tuluyang matumba. Nang makita ako ni Gael na natigilan sa aking pwesto, muli itong nagsalita ngunit gamit na ang kalmado niyang boses. "Come back inside if you already refreshens your mind." Kaswal nitong sabi atsaka ako tinalikuran. Naiwan akong tulala sa aking kinatatayuan at hindi napansin ang luhang pumatak mula sa aking mata. Wala sa huwisyo kong binuksan ang aking bag at kinuha ang nakatago kong sigarilyo at lighter sa loob. I hate smoking, in fact, I don't really smoke. Pero sa mga pagkakataong katulad nito, hindi ko maiwasang gawin ang bagay na ayaw na ayaw kong gawin noon kesa ang umiyak ng umiyak. Ayokong bumalik na mugto ang aking mga mata. It will only cause me more trouble from my husband. Humithit ako sa aking sigarilyo habang nakatalikod sa restaurant. Gael doesn't know I smoke, not even my friend Bernadette. Ito ang bagay na wala ni kahit isang tao ang nakakaalam na magagawa ko pala. I puffed another smoke from my cigarette as I felt myself starting to relax. "Hmm, that's new, I never thought you smoke." Natigilan ako nang gusto ko sanang humithit muli mula sa aking sigarilyo nang mabosesan ko 'yon. Awtomatiko akong napatingin sa lalakeng nakatayo ng ilang metro mula sa aking kinatatayuan at hindi maiwasang manlaki ang aking mga mata. "Ano ang ginagawa mo rito?" Kunot-noo kong tanong sa kanya matapos kong apakan ang sigarilyo sa lupa atsaka mabilis na nag-iwas ng tingin bago kumuha ng mint candy sa loob ng aking bag atsaka ito kinain. "No need to feel ashamed, Camilla, you can finish your cigar." "Too late for that, I already stepped on it." "Then was it my fault for making you step on it?" "Obviously." Mahina itong napatawa sa aking naging sagot kaya awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay. Ang buong akala kong aalis na ito ay hindi nangyari kaya kaagad akong tumalikod para pumasok na lang sa loob. "Wait." Napatigil ako nang bigla niyang hawakan ang aking siko. At nang bigyan ko ito ng masamang tingin, kaagad niyang binawi ang kanyang kamay. "Are you still pissed on me?" Hindi ko ito sinagot. "Fine. I'm sorry if ever I insulted you earlier in the office, that wasn't really a good impression from me as your newest head engineer am I right?" Tanong sa akin ni Dion habang seryosong nakatingin sa akin. Teka nga lang, bakit ba andito na ang lalakeng 'to? Napabuga na lang ako ng hangin dahil ayoko ng magkaron pa ng panibagong iniisip. Sapat na ang pag-aaway namin ng asawa ko para gulohin ang utak ko at hindi ako makatulog mamaya. "I don't really care, Dion." Deretsahan kong wika sa kanya bago ito iniwan sa kanyang pwesto. "Camilla Klarisse." Napahinto ako nang bigla niyang tawagin ang una't pangalawang pangalan ko. Hindi ko ito magawang lingunin kaya nanatili lang akong nakatayo ng ilang hakbang mula sa kanya. "I think this is yours." Sa pagkakataong ito, kaagad ko itong nilingon at sa paglingon ko ay nakita ko ang isang maliit na singsing na hawak-hawak niya. It immediately caught my attention and swiftly took the ring from his grip. My ring. It was actually with him this whole time. "San mo nakuha 'to?" "Gusto mo ba talagang maalala kung saan ko nakuha 'yan?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong sa akin. Biglang uminit ang aking pisngi bago madiin na napapikit atsaka nag-iwas ng tingin habang salubong ang dalawang kilay. Lintek ka, Camilla. Dion laughed as if he's enjoying seeing me getting embarrassed. "Can I at least get a simple 'thank you'?" He said when I became silent once again. "Why would I?" Tanong ko habang deretsong nakatingala sa mukha nito. "Coz I kept it for you." What's with the sudden conversation with him tonight? Hindi naman ito ganito kanina, kaya bakit nagkikipag-usap ito sa akin ngayon? "Thank you." Kaagad kong wika atsaka ito tinalikuran at tuluyan ng iniwan sa kanyang pwesto. Pero nang papasok na talaga ako sa loob, narinig ko itong magsalita sa aking likuran dahilan upang muntikan pa akong hindi matuloy sa loob. "In case you need some help, you can reach on me again, Camilla, just like what you did the last time. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD