Camilla's POV
Tulad ng aking inaasahan, hindi naman naging maganda ang araw na 'to.
Dapat nagpapahinga ako ngayon pero heto at nasa isang maingay na lugar ako kung saan naaamoy ko na ang ilang alak. This is the place I wanted to go if I needed to be alone, pero parang gusto kong magpakalasing na lang ngayon kesa ang itulog ang problema ko.
Gael is probably sleeping soundly in our room right now, not even minding if his wife is with him or not. Wala talaga itong pakialam at nakuha pang matulog ng mahimbing.
Kung ako pa ang nasa posisyon niya ngayon, halos hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata sa kakaisip kung papauwi na ba ang asawa ko o hindi pa.
I lied Gael about this, sinabi ko sa kanya na pupuntahan ko si Bernadette sa kanila at baka magtagal ako. Ang tanging sinabi lang niya ay isang simpleng 'okay'.
Yun lang, wala ng iba.
"Nakakapotang*na!" Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Mas lalong nagiging mahirap para sa akin kapag nagtagal. Ang buong akala ko ay baka lalambot din si Gael sa akin, baka kailangan ko lang siyang intindihin hanggang sa tuluyang na itong lalambot sa akin kaya mas pinili kong magtiis.
But it's been 5 goddamn years, Camilla. 5 good for nothing years.
"Isa pa." Tugon ko sa bartender na nasa aking harapan.
"Kaya niyo pa po ba ma'am?"
"Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo. Bigyan mo pa ako, kaya kong magbayad." Supladang wika ko nang dahil na rin sa kalasingan.
Wala nang nagawa ang bartender kundi bigyan pa ako matapos ko siyang bigyan ng pera.
Mabilis ko yung tinungga na parang tubig lang, at sa paglapag ko ito sa ibabaw ng countertop, halos mabasag ito sa lakas.
Tumalikod ako atsaka tinignan ang mga taong nagsasayaw sa aking harapan hanggang sa mapatingin ako sa isang lalakeng nakatayo sa gilid.
I saw him looking at me back with something burning deep within his eyes. Sa tingin pa lang niya ay parang sumiklab ang init sa aking sistema kaya walang pagdadalawang-isip ko itong nilapitan.
The man drank his drink and swiftly put this against his table before meeting me halfway.
"Tayo ang tukso nila, Camilla."
Tayong mga babae ang tukso ng mga lalakeng katulad ng nasa harapan ko ngayon.
Total nakagawa na rin naman ako ng kasalanan kay Gael, bakit hindi ko na lang lubosin hindi ba?
And don't get me wrong, Gael pushed me to do this. He made me do this, so basically, this is his fault.
"Hey... wanna dance with me?" Kaagad akong ngumiti sa kanya sabay tango kaya walang pagdadalawang-isip niya akong hinila sa gitna atsaka nakipagsayaw sa akin.
I let this handsome man roam his hands around my body which made me feel hotter.
Ito ang gusto kong gawin mo sa'kin Gael, gusto kong hawakan mo 'ko ng ganito, sambahin ang katawan ko ng ganito, bakit sobrang hirap non para sa'yo?
Napahawak ako sa kanyang batok atsaka nilaro ang kanyang buhok kasaby nang paghila niya ng katawan ko papalapit sa kanya.
Biglang sumiklab ang init ng aking katawan nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran kaya wala sa huwisyo kong inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga.
"I need help..." I whispered against his ear which made him wrapped his entire arms around me.
"What is it that I can do for you?"
"Paligayahin mo 'ko." I said boldly which made him smile.
"Is that all?" Tumango ako sa kanyang ibinulong sa akin.
At ngayon sobrang lawak na ng ngiti ng lalakeng kaharap ko habang hinahawi niya ang ilang hibla ng aking buhok sa aking mukha habang nakatingin ng deretso sa aking mukha.
"I never met someone so beautiful and blunt like you. You're interesting." Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng tugtog.
I closed my eyes when I saw him slowly leaning his face towards me. Hinintay ko itong lumapat ang kanyang labi sa akin ngunit nagulat na lang ako ng isang malakas na paghila sa aking braso ang naramdaman ko.
"Hey!" Inis na wika ng lalakeng kaharap ko kanina.
Biglang umikot ang mundo at muntikan na akong matumba dahil sa malakas na pagkakahila niya sa akin.
"Give me back my woman!"
"Your woman?" Nanigas bigla ang mga tuhod ko nang mabosesan ko 'yon.
Nanlaki ang aking mga mata at sa isang idlap parang nahimasmasan ako nang makita ko si Dion sa aking tabi.
Siya ang humila sa'kin!
"This woman is not yours. She's married." Bigla niyang itinaas ang isa kong kamay na may gintong singsing at kulang na lang ay isampal niya ito sa mukha ng lalakeng kaharap ko kanina.
"W-What?" Gulat na saad ng lalake nang makumpirmang isa akong kasadong babae. Inis kong tinignan si Dion sa katangahang ginawa niya.
"Get lost." Matigas na wika ni Dion sa kanya na kaagad naman umalis.
Kaagad kong binawi sa kanya ang kamay ko dahilan upang mapatingin ito sa akin. Hindi ko na nilihim pa ang masamang tingin na binibigay ko sa kanya ngayon.
"Ano ba?! Bakit ka ba nanghihimasok ng buhay ng iba?!" Inis kong sigaw sa kanya pero hindi ako nabahala sa lakas ng boses ko dahil alam kong mas malakas ang tugtog dito sa loob ng bar.
Tsaka bakit ba andito ang lalakeng 'to? May lahi ba 'tong kabute? Nong huli rin ay bigla lang itong sumulpot sa isang restaurant kung saan ko kasama ang buong pamilya ni ng asawa ko.
"I did nothing wrong."
Nothing wrong?
"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa'kin matapos mong putolin ang kaligayahan ko." Salubong ang dalawang kilay kong saad sa kanya atsaka ito tinalikuran.
Pwede bang umalis na 'to? Kung ayaw niyang umalis, pwes ako ang aalis dito.
"What's the matter with you? I just saved you from committing a sin again."
"Pwede ba?! Wag mo akong sundan!" But Dion still kept on following me until he took my arm once again and forcibly made me look at him.
Nagulat ako sa ginawa nito matapos niya akong hilahin sa gilid sabay sandal sa'kin sa pader.
"F*ck, why am I doing this?" May binulong ito sa kanyang sarili ngunit hindi ko ito masyadong narinig dahil sa lakas ng tugtog.
"Anong klaseng babae ka ba? You have a husband, Camilla, are you really going to plead for someone else's d*ck like that?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.
It caught me off guard pero wala siyang karapatang sabihin sa'kin ang mga salitan 'yan dahilan upang isang lumagalpak na sampal ang kaagad na dumapo sa kanyang pisngi na ikinagulat nito.
"Hindi mo alam ang kwento ko." Buong diin kong sambit sa kanya sabay duro sa kanyang mukha.
Dion clenched his jaw before locking his gaze against mine. Hindi ko dapat sabihin ang tungkol sa problema ko ngayon pero hindi ko makontrol ang aking sarili ngayon.
"Hindi mo alam ang pagpipigil na ginawa ko ng ilang taon upang hindi magkasala sa asawa ko. Wala kang ideya kung anong dinanas ko sa mga kamay niya. You don't know how pathetic I am pleading for him to do his role as my husband!"
He blinked a few times when I totally got out of control, losing my poise and even manners.
"Palibhasa kasi, you're a free man, Dion. You can do whatever you want. You can f*ck any woman you want." Nanatili parin itong tahimik.
"Tulad niyo, kailangan din namin 'to. Women need pleasures as well. Now could you please stop sticking your nose in someone else's business and just mind your own?!" I said boldly, not minding how those words would affect me as a woman and him as a man.
Pero wala na talaga akong pakialam ngayon. Magkasala na kung magkasala, hindi niyo rin ako masisisi kung bakit ko 'to ginagawa.
It's been 5 years, and all those years I did all my best to stay faithful as I can.
But not today...
Inis ko itong tinulak atsaka muling naglakad pabalik sa pwesto ko kanina. Idadaan ko na lang 'to sa pag-inom, baka sakaling malimutan ko rin ang inis ang nararamdaman ko ngayon.
Nanlaki ang aking mga mata nang may biglang bumuhat sa akin na parang isang sako atsaka ako dinala palabas ng bar.
"A-Ano ba!" Singhal ko sabay palo ng kanyang malapad na likuran ngunit hindi man lang ito natinag.
"Dion, ibaba mo ako!" Nakakuha na kami ng atensyon ngayong nasa labas na kami ng bar atsaka ako iginiya papunta sa isang pamilyar na sasakyan.
"You're coming with me." Rinig kong wika niya na ikinabilis ng t*bok ng aking puso nang dahil sa kaba.
S-Saan niya ako dadalhin?!
Bigla niya akong ibinaba at muntikan na akong mawalan ng balanse dahil bigla akong nahilo, pero mabilis niya rin akong hinawakan sa braso bilang supporta.
"Ano ba ang problema mo ha?!" Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kanyang kotse habang nakatingin sa akin.
"Get in."
"Ayoko!"
"Get inside the f*cking car, now!" Napapitlag ako sa medyo pagtaas ng kanyang boses. Dion noticed it so he immediately tried to calm down his nerves.
"Look... I get what you want, and I want you to listen to me." Sinara niyo uli ang pinto ng sasakyan atsaka niya inilagay ang dalawa niyang palad sa magkabilang gilid ko dahil upang tuluyan akong mapasandal sa kanyang kotse.
He's too close. Too close!
"Let's make things clear, Camilla, you want someone who can satisfy your needs, am I right?" Biglang tumaas ang balahibo ko sa batok nang walag pagdadalawang-isip niya 'yon tinanong sa akin.
Tanging pagtango na lang ang nagawa ko dahil ang kaninang inis na nararamdaman ko sa kanya ay unti-unting napapalitan ng kaba dahil sa posisyon naming dalawa ngayon.
"What if..." Panimula nito habang taimtim na nakatingin sa akin. "What if I'm willing to volunteer as tribute?"
Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang sabihin niya 'yon sa aking harapan. I can feel his breathe slightly touching my skin.
Kaagad akong umiwas ng tingin sabay tulak sa kanyang dibdib palayo.
"N-Nahihibang ka na ba? Anong klaseng biro ba 'ya--"
"I'm serious." Awtomatiko niyang hinuli ang magkabila kong kamay na nakalapat sa kanyang dibdib na ikinatigil ko ng bahagya. "I'm deadly serious, Camilla."
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa hawak niya atsaka ito tinignan gamit ang hindi makapaniwala kong tingin.
"Ayoko, magkatrabaho tayong dala--"
"Who cares? No one will ever know."
A-Ano daw?! How could this man be this frank?!
"I'm trying to help you here. If you agree, it would be beneficial for the both of us." Awtomatikong nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
Nakita kong napaayos na ito ng tayo sa aking harapan at hindi na masyadong malapit ang kanyang mukha sa akin. Dion slides both of his hand in his pockets before speaking once again.
"Dahil umabot na rin naman tayo sa putong 'to, I might as well be honest with you." Panimula niya habang ako naman ay naghahanda na sa kasunod nitong sasabihin.
"Camilla Klarisse, I've been fantasizing you since we f*cked. I can't focus and I can't do my job well because of you." My eyes twitched when he said that.
S-Sinisisi niya ba ako?!
"And if I won't do anything to solve this problem of mine, I'm afraid I'll go insane." Seryoso at payak nitong sabi sa akin nang wala man lang kaemo-emosyon ang mukha.
Sanay na akong makita itong ganito mula nong nasa iisang kompanya na kaming dalawa. Pero hindi ko inaakalang pati ngayon ay mas nagmumukha itong walang gana kahit na kasalungat naman ang pinapahayag nito sa aking harapan.
"Don't worry, there will be no strings attached. You can call me if you need someone to satisfy your needs and vice versa. Since you're married, of course, we can't use your place, so we'll be using mine all the time."
T-Teka...
"We'll just see each other to f*ck, that's it. I won't be calling you if it's not about that matter."
T-Teka lang...
"Rest assured I'm good at it, and it'll get better and better every time. We can even start tonig--"
"TEKA LANG! SANDALE!" Pagpipigil ko sa kanya sabay takip ng kanyang bibig habang namumula na ang magkabila kong pisngi.
Wala akong ibang ginawa pero bakit ako hiningal?
"N-Napapatingin na ang iba sa direksyon natin nang dahil sa sinasabi mo," wika ko. Nakita ko namang iginalaw ni Dion ang kanyang mga mata na tila ba pinagmamasdan ang buong kapaligiran.
He then took my hands and put it down away from his mouth.
"Napapatingin sila sa atin dahil bigla kang sumigaw." Natigilan ako sa kanyang sinabi bago palihim na napalunok sa kahihiyan.
Muli akong napasandal sa kanyang kotse atsaka napatingin sa aking dalawang paa. I remained silent for a few seconds, trying to absorb every detail on what Dion just said.
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa bago muling nag-iwas ng tingin.
H-Hindi narin naman siya masama.
May nangyari na sa aming dalawa at siya pa ang lalakeng nakauna sa akin. And to be honest, he's really good at s*x. No doubt about that.
"I'm a married woman, Dion." Muli kong pagpapaalala sa kanya.
"I know."
"At gusto mo paring makipags*ping sa akin?"
"Yes."
"Alam mo bang sa gagawin mo ngayon ay wala ka na ring katulad sa mga kabit? Do you really want to put yourself in that situation?"
"Absolutely. I don't really mind as long as my problem will be solved. Besides, this won't last forever, hindi magtatagal at pagsasawaan din natin ang isa't-isa."
Okay, that was kinda harsh, but I fully accepted the thought.
Dion is a well-established man. Bilang isa sa mga successful engineers sa larangan namin, siya talaga yung tipo ng lalakeng handang gawin ang kahit anong klaseng bagay, masolusyonan lang ang problemang kinakaharap nito.
And he will do it, without any queestions asked.
At ako... alam niyo na kung ano ang sitwasyon ko.
"N-No strings attached?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata.
"No strings attached." Pag-uulit nito bago niya ako muling kinorner nang ilapat niya ang kanyang dalawang palad sa magkabilang gilid ko.
"No love, just pure l*st." Dagdag pa niya habang taimtim na nakatingin sa medyo nakaawang kong labi.
Ito na. Ito na ang bagay na matagal ko ng gustong mangyari.
Ang magkaroon ng lalakeng handa akong paligayahin sa paraang gusto ko.
But unfortunately, it will be the one and only Engr. Dion Dela Peña.
Nahigit ko ang aking hininga nang tumama ang tungki ng kanyang ilong sa akin.
"Answer."
"H-Ha?" Hindi ako makapagfocus dahil sobrang lapit niya!
"Your answer, Camilla, I need it. Now." Napalunok ako bago dahan-dahan na napatango.
"T-Tinatanggap ko na." I gasped when he suddenly slides one of his hand against my nape before saying something that took my breathe away.
"Let's close this deal with a kiss, shall we?" He said before claiming my lips and pushing me inside his car.