Camilla's POV
“Ano?! Kilala mo na si Engr. Dela Peña?” Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Bernadette dahilan ipang mapasandal ito sa kanyang kinauupuan dito sa paborito naming tamabayan.
“Hinaan mo boses mo, andito ang iba nating katrabaho.” May diing kong bulong sa kanya habang pinanlakihan ito ng mata.
Kaagad naman akong napatingin sa aking buong paligid atsaka ningitian ang ilang mga kasamahan namin na napatingin sa aming direksyon.
Nang marinig nila ang apelyido ng bago naming head engineer, kaagad kong nakuha ang interes nila lalo na ang mga kababaihan.
Matagal ko na talaga ‘to pinag-iisipan mula nang maalala ko ang mukha niya.
Nong lasing ako, halos hindi ko masyadong namemorya ang mukha niya. Pero nang makita ko ito ngayon at nang malaman ko ang buo niyang pangalan, alam ko na kung bakit pamilyar na pamilyar siya.
“Ano?! Kaklase mo siya noon?!” Gulat na saad ni Bernadette kaya nakuha ulit namin ang atensyon ng iba.
“Ay sorry, sorry po, pasensya na.” Nakangiti niyang paghingi ng paumanhin sa iba bago biglang hinila ang braso ko.
“Walangya ka, nakakagulat namang rebelasyon ‘to. Bakit hindi mo naikwento sa’kin na may ubod ng gwapo ka palang kaklase noon?” Buong diin nitong bulong sa akin.
Naikwento ko na kasi sa kanya kung saan ko unang nakita at nakilala ang lalakeng ‘yon.
“H-Hindi ka naman nagtanong! Tsaka noon kasi…”
Noon kasi ibang-iba siya.
Yes, he’s a good-looking man pero hindi ganito kagrabe, average lang ganon. Hindi ko naman inaakala na mas may itatangkad pa ito tsaka ilalaki ng katawan.
And because of his sudden change of physical appearance, mas lalo tuloy lumilitaw ang pagiging magandang lalake nito.
Not to mention, he’s very intelligent.
Isa siya sa mga outstanding engineering student sa isang unibersidad sa Netherlands kung saan ako nagkolehiyo noon.
May nakuha kasi akong scholarship doon at sa unibersidad na iyon ko rin unang nakilala ang asawa kong si Gael.
At sobrang liit talaga ng mundo dahil hindi ko inaakala noon na magkakakilala na pala ang tiyuhin ko na kumupkop sa akin at ama ni Gael. Kaya mas tumindi ang koneksyon naming dalawa.
“Noon kasi, ano?”
“Hindi naman siya ganyan ka pogi, sakto lang.” Inirapan ako ni Bernadette nang sabihin ko ‘yon sa kanya.
“Taas ng standard mo ha? Eh kung ikukumpara ko si Engr. Dion Dela Peña at yang asawa mo, mas may s*x appeal pa si engineer. Mas may dating, tsaka maginoo ngunit parang bastos kung tignan. Tipong-tipo ko.” Kinikilig na wika nito, halatang iniisip na naman si Dion, ang bagong head engineer namin.
“Pero sayang noh? Hindi mo siya nakamayan man lang kanina, kainis naman! Biglang dumating yung head architect natin eh.” Dagdag niya pa bago pinagkrus ang kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib.
Tungkol sa bagay na ‘yan…
Hindi ko nga nakaharap mismo ang head engineer namin dahil sa biglaang pagdating ng head architect namin.
Pero gayunpaman, nabunutan ako ng pagkalaki-laking tinik sa aking dibdib dahil hindi pa ako handa na makaharap siya.
I know, I know, kahit anong gawing pag-iwas ko, dadating din ang pagkakataon na magkakaharap kaming dalawa dahil nasa iisang kompanya lang kami.
Pero hindi pa talaga ako handa para sa bagay na ‘yan. I even wished we will never meet again! Yet look how fate is toying with me right now.
Kung magkukrus man talaga ang landas namin, sana hindi niya ako matandaan. It would be easy for me. It would be easy for me to forget the sin I did behind my husband.
Bigla akong nanlumo nang maalala ko na naman ang kasalanang nagawa ko.
“Camilla, pinapatawag ka ni Architect Pelaez, kailangan ka raw sa office niya ngayon.” Napatingin ako sa isa naming kasamahan sa department nang tawagin niya ako.
Kaagad naman akong napatingin sa aking relong pambisig bago nanlaki ang aking mga mata nang makita kong kanina pa pala natapos ang break time ko.
“Sige, pupunta kaagad ako ngayon.” Ningitian niya ako bilang pagtugon bago umalis.
Hinarap ko naman si Bernadette para magpaalam pero kaagad niya akong tinaboy.
“Alam ko, umalis ka na kaagad, maliit pa naman ang pasensya nong panot na ‘yon.” Mahinang wika niya tungkol sa head architect namin.
Mahina na lang akong napatawa dahil ayaw na ayaw niya talaga sa head architect namin.
“Kita na lang tayo mamaya ha?”
“Oo, mambubulabog ulit ako sa station mo, wag kang mag-alala.” Nakangisi nitong saad kaya kaagad ba akong umalis upang puntahan ang head architect namin.
TANGO lang ako ng tango sa harapan ng head architect namin kasama ang iba pang architect na pinatawag niya. He's discussing about our next project with the engineering team.
At dahil may bago na nga kaming head engineer, balik full operation na ulit ang buong kompanya.
Ilang projects na rin ang nagawa ko kasama ang buong team. Resorts, hotels, subdivisions, at kahit ospital ay nagawa na rin namin.
May mga pribadong kliyente na rin kami, iilang mga milyonaryo at bilyonaryo na nagpapagawa ng mga kanya-kanyang malalaking property.
"Will someone pass this document plan to Engr. Dela Peña, right awa---"
"Ako po sir!"
"Hindi, ako na po sir!"
"Tabi, kaya ko na 'yan sir Pelaez."
Napailing na lang ako habang nagsusulat ng aking 'to-do' list sa aking iPad. Ganito kasi ako, sa tuwing may gagawin ako, kailangan ko itong ilagay as a reminder para hindi ko ito makalimutan.
"Mrs. Roscent." Napaderetso ako ng upo nang tawagin ako bigla ni Architect Pelaez.
"P-Po, architect?"
"Can you hand this to Engr. Dela Peña?"
"A-Ako po?" Pag-uulit ko sabay turo sa aking sarili.
"May ibang Mrs. Roscent pa ba rito, architect Camilla?"
Tang*na, ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko!
Napalunok ako sabay tingin sa dokumentong nakalahad na sa aking harapan.
Ilayo niyo sa'kin 'yan! Ayokong ako mismo ang mag-abot niyan sa inhinyerong 'yon!
"Architect."
"Y-Yes po! Masusunod, Sir Pelaez." Kaagad akong napatayo sa aking kinatatayuan rito sa loob ng malaki niyang opisina habang dala-dala ang aking iPad.
Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap ang dokumento kaya buti na lang at hindi 'yon napansin ni Sir Pelaez.
"Meeting's adjourned. Pwede na kayong bumalik sa mga estasyon ninyo. I won't be holding another meeting within this day." Rinig naming wika ng aming head architect bago kami isa-isang lumabas sa kanyang opisina.
"Swerte ni Camilla! Masisilayan ang bago nating head engineer!" Wika ng isa kong kasama sa aking tabi.
"Oo nga, sana makasabay nating kumain si Engr. Dela Peña noh?"
"Sana nga talaga, nanggigigil ako sa poging 'yon."
"Pano yung gigil?"
Nagsitawana ang mga kasama kong babae at isang bakla habang naglalakad na sila pabalik sa kanilang estasyon.
Our architectural department consists of more women compared to men, while the engineering department consists of more men compared to women.
Kaya balance na balance lang din ito.
Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa aking estasyon at sa malaking opisina na nasa harapan lang nito.
It was Dion's office.
Napalunok ulit ako habang nakatingin sa translucent glass ng opisina niya. The glass of his office is a transitional glass where he can make it clear and blurry depending on him.
Palakasan na lang ng loob ito, Camilla.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Come in." Muntikan na akong mapasinghap nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa loob.
Nang buksan ko ang pinto ng kanyang opisina, kaagad akong yumuko para hini niya makita ang mukha ko. Pero nang pasimple ko itong sulyapan, halos mapahinto ako sa aking paglalakad papalapit sa kanya nang makita ko itong seryosong nagbabasa ng dokumento na hawak-hawak nito.
Ito ang unang beses na nakita ko itong nakasalamin kaya hindi ko maiwasang mapatulala.
His long sleeves are rolled up to his elbows while perfectly sitting against his swivel chair.
Ang matangos nitong ilong, maugat na mga kamay, mamula-mulang labi, makapal na kilay at ang maitim nitong buhok...
Lahat ng 'yon ay tila perpektong-perpekto sa aking pani--
A-ANO 'TONG NAIISIP KO?!
"G-Good afternoon, Engr. Dela Peña. May pinapabigay po si Architect Pe--"
"Just put it there." Kaagad nitong sabi, ni hindi man lang ako pinapatapos.
Medyo may pagkabastos ha? Tsaka suplado.
Tumikhim ako bago dahan-dahan na inilagay sa ibabaw ng kanyang mesa ang mga dokumento at palihim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil hindi niya ako nilingon.
Nang aabutin ko na sana ang doorknob ng kanyang pinto, bigla akong napahinto nang tawagin niya ako.
"Miss whoever you are, will you bring me some coffee? I need it right away."
Biglang may pumitik sa aking sentido nang marinig ko 'yon sa kanya.
Miss whoever you are?! Tang*na nito ah.
Tsaka hindi ako sinuwelduhan dito para magtimpla ng kape!
"Uhm, sir hindi po kasi ako tiga timpla ng kape rito," sabi ko habang nanatiling nakatalikod dito.
Pagkatapos kong sabihin 'yon, bigla na lang ako nakaramdam ng kilabot mula sa aking likuran dahilan upang matigilan ako.
N-Nakatingin na siya sa akin! Sigurado ako don!
Kahit hindi ko ito nakikita, alam kong tinitignan na niya ako mula ulo hanggang paa!
"Well then, do you know how to at least make one?"
"O-Opo sir."
"Then make me one, miss." Naikagat ko ang aking ibabang labi sabay pikit ng madiin.
Apaka bastos ng lalakeng 'to! Wala man lang bang 'please' diyan?
"Are you saying something?" Nanlaki ang aking mga mata nang magsalita ulit ito sa aking likuran.
N-Nasabi ko ba 'yon ng malakas?
"Wala po sir. I'll be making YOUR coffee right away." Buong diing kong saan bago napairap sa kawalan sabay pihit ng pinto sa kanyang opisina.
Ngunit bago ko pa ito tuluyang mabuksan muli na naman itong nagsalita.
"You're leaving my office without even looking at me? How rude." Muntikan na akong mapasinghap sa naging komento nito.
At sa isang idlap lang, biglang nanginig ang aking mga daliri sa kamay bago dahan-dahan na tinanggal ito mula sa pagkakahawal ko sa doorknob.
Napalunok ako bago dahan-dahan itong hinarap.
Kasalanan mo 'to Camilla! Kung edi sana tumango ka na lang kanina, hindi na ito mangyayari pa!
Nang tuluyang ko na itong nilingon, halos hindi ko ito magawang tignan ng deretso sa mukha pero ramdam na ramdam ko ang tingin nito sa akin.
"Ah... no wonder your voice seems familiar." Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng aking suot na pencil skirt.
"Ikaw 'yon hindi ba?" Panimula nito habang ako naman ay naghihintay sa posibleng mga salitang sasabihin nito sa akin.
Pero ang hindi ko inaasahan ang kasunod nitong sinabi dahilan upang gulat ko itong tinignan ng deretso sa mata.
"Ang babaeng kumagat ng mansanas ko." Salubong ang dalawang kilay nitong saad.
A-ANO?!
This man remembers me as the girl who took a bite of his apple and not the woman he spends the night with?!
Ang lakas ng amats nito ah!