Meeting Andrew

1208 Words
Maya Pov... Tulog pa ang aking alaga pero kailangan ko pa ding gumising ng maaga lalo pat andito na si sir Andrew. Malay ko kung anu ang pagbabago na gagawin niya higit sa lahat sa pag - aalaga ko kay Miggy. Sabi nila mahilig din siya magpabago ng ayos na hindi gusto ng kanyang paningin. Hinahayaan naman daw siya ng kanyang magulang dahil ito lang daw ang paraan para maibsan ang stress at pinagdadaanan niya sa kanyang buhay. Kung anuman yun, I have my sympathy on him. Lahat naman tayo may mga problema na pinagdadaanan, magkakaiba nga lang kung anuman yun. I just finished struggling to send my younger sister sa kolehiyo. Ngayon isa na siyang nurse at kapwa na kami may sariling income kaya ang plano namin ay makabili ng bahay dito sa Maynila dahil pareho kaming nasa Maynila. Sinilip ko muna si Miggy sakanyang kwarto bago ako pumunta sa kusina at tumulong. Hindi na ako sinisita ni Nanay Nora kapag nakikialam ako sakanya. Pinayagan kasi ako ni Madam Almira dahil dinahilan ko na ako'y wala naman ginagawa. Basta pinasigurado ni Madam Almira na mababantayan ko ng mabuti si Miggy. Swerte pa rin si Miggy dahil kahit wala sa tabi niya ang kanyang magulang ay full support naman ang kanyang grandparents sakanya. Miggy is a lovely child. Hindi mo siya kakikitaan ng kakulanagn sa kanyang buhay. He always smile a lot at mabait na bata. Hindi ako nahihirapan na alagaan din siya. Napakamasunurin niyang bata. "Tama na yan Maya. Mag ala - sais na ng umaga puntahan mo na si Miggy baka gising na yun. " Sita sa akin ni Nany Nora. "Sige po nay." Umakyat ako para puntahan si Miggy. Mahimbing pa ang tulog niya pero inihanda ko na ang kanyang bihisan at paliguan. Ayaw kong magmukhang gusgusin ang aking alaga kapag makaharap niya ang kanyang ama after 5 years. Pagkatapos kong malinisan at mabihisan si Miggy ay sabay kaming bumaba para sa umagahan ng alasiyete. Binuhat ko si Miggy dahil natatakot daw siya. Napaisip tuloy ako kung nakakatakot ba si sir Andrew. Hindi naman siguro. Tanging bulong ko sa aking sarili. Wala pa si Sir Andrew pagdating namin sa hapag kainan. Tanging si sir Thomas at Madam Almira ang nakaupo. Inayos ko si Miggy sa kanyang upuan bago umupo sakanyang tabi. Hindi naman kasi katulong trato sakin ng aking amo kaya nakikisabay ako sakanilang pagkain basta kasama si Miggy. "Morning Miggy! How was your night?" Magiliw na bati ni Madam Almira kay Miggy. Humikab muna si Miggy bago sumagot na tinawanan namin. "Perfect po lola!" Sagot ni Miggy bago tumingin sa akin. Ngumiti ako sakanya. Muli pa kaming nagtawanan na siyang nadatnan ni sir Andrew. Halos malaglag ang aking panga sa gulat kung sino si sir Andrew. Ang lupit naman maglaro ang tadhana! Sa dinami - dami ng magiging Andrew bakit siya pa! "You!" Gulat niyang sambit pagkakita sa akin. Nataranta akong hindi makasagot. Lagot na paano nalang kung sasabihin niya ang mga nagawa ko. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Uhmn! Eehh!" Nagkandautal - utal kong sambit na hindi makapagsalita. Gusto ko ng magunaw ngayon din sa hiya. "Oh! You meet each other already? They left before you come out!" Sabad ni Madam Almira. Lalong namula ang aking mukha sa sobrang hiya. Lupa utang na loob bumuka kana at lamunin mo ako. Hindi ko na kaya! "Uhm!" Hindi pa rin ako makapagsalita na nauutal. Pinagpapawisan na rin ang aking kamay. "Yeah! It was fantastic meeting her last night!" Kanyang sagot pero para sa akin ay sarkastik ang kanyang sagot. Napakagat labi nalang ako sa hiya na lumululukob sa akin. Kasi naman Maya nagpakampante ka. Dapat inalam mo lahat ang tungkol sakanya! Katos ko sa aking sarili na nanatiling nakayuko. "Oh! That's wonderful. I hope you will get along with Maya." Sagot naman ni Madam Almira. Kung alam mo lang madam kung anu ang pinupunto ni sir Andrew baka hindi niyo po yan masasabi sa akin. Pakiramdam ko ako ay sinindihan na kandila na umaapoy sa sobrang hiya na napapaso ang aking balat at gusto ko ng mabilis na matunaw para makapaglaho na ako sakanyang mainit na paningin. "Yaya, gutom na po ako!" Turan ni Miggy. Nagkandataranta akong nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. "Sorry Miggy." "Yaya can I have beacon and hotdog only, please!" Kanyang paglalambing na pakiusap ganito siya kapag ayaw niyang kumain ng gulay. "Miggy, anu ang laging sinasabi sa'yo ni yaya?" Nakangiti at malumanay kong turan. "Eat vegetables to become strong and healthy." Malungkot niyang sagot. "Kaya kumain ka ng carrots at lettuce." "Opo yaya!" Tinulungan ko siyang matapos kumain. "Wow! Very good si Miggy may premyo ka ngayon kay yaya!" Masaya kong sagot na hindi ko napansin ang mariing pagtitig sa amin ni sir Andrew. Kung nakakamatay ang kanyang titig ay kanina pa kami nasa ilalim na ng lupa ni Miggy. "Really yaya!" Natutuwa niyang palatak. "Opo. You can do whatever you want to do today." Sa sobrang tuwa ni Miggy ay ininom niya rin lahat ang laman ng kanyang baso na gatas. Madalas kasing wala pang kalahati ang kanyang nauubos. Nagtaas ako ng paningin at nakasalubong ko ang seryosong titig ni sir Andrew. Maraming kalakip na tanong ang laman ng kanyang tingin. Kalakip din ng kanyang titig ang pagdududa? Tumayo ako at dinala sa lababo ang pinagkainan ni Miggy. Nagpaalam ako sakanila na mauuna ng umalis sa hapag kainan ngunit hindi pa kami nakakailang hakbang ay nagsalita si sir Andrew. Paksyet naman oh! Kagat labi kung bulong sa aking sarili. "How about you? Are you not going to eat your breakfast?" Kanyang seryosong tanong. Napakagat labi akong pumikit. "Oh! Yeah. Maya hindi kapa kumakain. Eat your breakfast first." Natarantang saad ni Madam Almira. Napilitan akong bumalik sa mesa at naghain ng aking kakainin. Hinayaan ko si Miggy na tahimik na naglalaro sakanyang ipad. Nahihirapan akong lunukin ang aking pagkain. Pakiramdam ko para siyang butil ng santol na mahirap malunok at nagbabara sa aking lalamunan. Hindi pa ba siya tapos kumain para makakaalis naman na sana siya. Masyadong mahirap gumalaw. Nag - angat ako ng aking paningin at muli kung nasalubong ang seryoso niyang tingin. Nasamid akong dinampot ang aking tubig sa tabi para lumagok ngunit para itong buhangin na dumadaan sa aking lalamunan. Bakit pakiramdam ko ay ito na ang aking katapusan. Bigla akong nakaramdam ng takot sa uri ng kanyang titig sa akin. Maraming katanungan ang kalakip ng kanyang titig na hindi ko alam kung anu ang mga kasagutan. Unang araw ko palang siyang nakita pero heto nanginginig na ako sa takot at kinakabahan na baka mali lahat ang ginagawa ko. Maluwag sa akin ang kanyang magulang pero siya mukhang hindi ako papasa sakanyang panlasa. Masyadong limitado ang kanyang salita at mapanuri ang kanyang mga tingin. Malapit kong maubos ang aking pagkain nung muli siyang umimik. "Glad to meet you Maya. I hope we can get along like how you well get along with my family." Muli kung iniangat ang aking ulo at tumingin sa kanya ngunit hindi ko na maipaliwanag ang awra ng kanyang mukha na parang sinusuri ang kaibuturan ng aking pagkatao. Anu ang kanyang ibig sabihin? Am I really doomed! Ngitngit kung daing sa aking sarili habang sinusundan siya ng tingin na papaalis ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD