DAHIL SA'YO

DAHIL SA'YO

book_age16+
3.2K
FOLLOW
17.6K
READ
love-triangle
HE
arrogant
boss
drama
bxg
mystery
highschool
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Si Andrew ay kilala bilang isang masungit at perfectionist na lalaki. Dahil sa panloloko ng dati niyang kasintahan ay kinasuklaman niya ang mga babae. Halos isumpa niya lahat ang mga kababaihan kaya walang sinuman ang basta makakalapit sakanya. Isang linta at nakakadiring insekto lang ang tingin niya sa mga babae at wala ng iba.

Ngunit hindi aakalain ni Andrew na ang matagal na sarado niyang batong puso ay muling mabubuksan dahil sa pilit na pagkatok ni Maya.

Paano lalabanan ni Andrew ang tukso ni Maya na mahirap tanggihan? Pipiliin ba niya na ilalayo ang sarili sakanya o tatanggapin ang pagkatok nito?

chap-preview
Free preview
Welcome Party
Maya Pov... Nagkakagulo ngayon ang mansyon dahil uuwi daw si Sir Andrew. Ang nag - iisnag anak ni Madam Almira at Sir Thomas. Sa tatlong taon kung naging yaya ni Miggy dito sa mansyon ng mga Lastimoso hindi ko pa nakikita si sir Andrew. Tanging ang mga bali - balita lang na siya ay masungit at perfectionist. Ayaw niya ng maingay at makalat, higit sa lahat hindi siya pwedeng istorbohin. Tatawag siya kung may kailangan daw siya. Hindi naman ako naaalarma na makasagupa ko ang kanyang kasungitan dahil ang trabaho ko dito sa mansiyon ay ang alagaan lang si Miggy ang nag - iisnag apo ng mga Lastimoso. Alas - syete na ng gabi pero heto ako nagmamdaling mag - ayos sa aking sarili. Hindi naman kasi ako kasama sa welcome party pero pinilit akong pinagbibihis ni Madam Almira. Haharap din daw kasi ako sa mga guest nila kaya kailangan kong presentable sa kanila. Nahirapan ako makapili ng susuuting damit, medyo malalaswa tignan kasi ang mga dinala ng sekretarya ni sir Thomas na damit. Pinili ko ang floral dress na may maliliit na burda ng mga tulips. Pinili ko rin ang hindi kataasan na takong dahil baka hahabulin ko mamaya si Miggy, mahirap matapilok sa harapan ng maraming tao. "Maya hindi ka pa ba nakakapili ng susuutin mo? I will help you." Tanong ni Madam Almira sa labas ng pintuan ng aking kwarto. "Huwag na po madam. Nakabihis na po ako." Sumigaw kung sagot habang itinatali ang buhok ko pataas. Gusto ko ung pagkawavy ng aking buhok na nag-bounce sa aking likuran. Mukha akong prinsesa ngayon, tama para ngayong gabi mukha naman akong tao hindi atchay. "Tignan mo kami sa garden Maya. Isasama ko na si Miggy." Muling sambit ni Madam Almira. Muli akong umikot sa salamin at sinipat ang aking sarili. Labis akong natutuwa sa aking nakikita. Kinuha ko muna ang aking cellphone at kumuha ng ilang larawan sa aking magandang kaayusan. Minsan lang ito at hindi mauulit kaya kailangan mayroong remembrance. Nilagay ko ang aking cellphne sa malapad na waistband ng aking damit. Nagmamadali akong lumabas ng mansion habang palinga - linga kung nasaan si Madam Almira. Hindi ko napansin ang lalaking paakyat ng hagdanan kayat nabangga ko siya ng hindi sinasadya. Pareho kaming gumulong - gulong pababa sa hagdanan. "Ouch!" Daing kong pagsapo sa aking ulo na tumama sa paanan ng hagdanan. Pinilit kung tumayo ngunit nahihilo na ako. Sino ba naman kasi ang dadaan dito sa back door ngayon. Pinili ko dito para hindi ako pagtitinginan ng mga bisita. Katulong lang naman ako na binihisan ng parang dyosa ngayong gbi. Narinig kung nagmura ang lalaki bago tumayo at inayos ang kanyang sarili. Aalis na sana siya nung mapansing hindi pa ako nakakatayo. "Miss, okay ka lang ba?" Kanyang tanong. Tumango lang ako at pinilit na tumayo. "Let me help you!" Kanyang saad sabay abot sakanyang kamay. Napanganga akong napatingin sakanya. Mukha siyang seryoso at nakakatakot ang awra pero makikita mo kung gaano siya kagwapo. Bagay sakanya ang kanyang maitim at makapal na kilay. Minipis din ang kanyang labi na napapalibutan ng balbas pero hindi pangit sa kanyang mukha. Makinis din ang kanyang balat tanging ang kanyang mata ang hindi ka maakit dahil wala itong kabuhay - buhay at madilim ang tingin. Kumunot ang noo niyang napatingin sa akin. Nagmadali akong inabot ang kanyang kamay baka magalit pa siya kaso hindi ko inaasahan ang spark na dumaloy sa aking katawan kaya't napabitaw ako bigla na kanyang ikinagulat. Sabihin nating isa akong babaeng maria klara dahil hindi ko pa naranasan ang halikan ng isnag lalaki pero alam ko naman kung paano ang kiligin. "Thank you!" Mabilis kung sagot bago sumibad palayo sakanyang umaapoy na tingin. Naku Maya sa susunod lagyan ng mata ang kaliwa't kanan mo pati ang iyong likuran. Katos ko sa aking sarili papunta sa harapan ng mansiyon kung saan idinaos ang party. Kinalma ko ang aking sarili na nayanig ng estrangherong masungit na lalaki ngunit gwapo naman. Makalaglag panty pa rin ang kanyang matigas na tono at madilim na mukha. Maya huwag kiri andito ka para magtrabaho at makaipon hindi lumandi. Hindi ka makakapagbukas ng sarili mong floral shop at convenience store kapag maglalandi ka. Sita ko sa aking sarili. Katulad ng bilin ni Madam Almira makisalamuha ako sa mga tao. Hindi ko naman kailangang ipakilala ang sarili ko sakanila basta batiin ko lang pala sila. Pero kahit nakikipagngitian ako sa mga bisita ay hindi ko inaalis sa paningin ko si Miggy. Tumayo ako sandali sa tabi ng isang mesa na walang nakatayo. Sumimsim ako ng ilang lagok sa aking red wine nung may lumapit sa akin na isa pang anak ni hercules ngunit gwapo. Nagkalat naman ang mga adonis ngayong gabi! "Hi!" Ngumiti siyang pagbati sa akin. "Hi!" Bati ko rin sakanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Muli kong nilingon si Miggy pero andun pa rin sa mesa kasama ang mga batang naglalaro. "I'm Anjo and you are?" Kanyang mabait na lahad. "Maya." Tipid kong sagot. "Beautiful name! Anyway, nice meeting you Maya. If you need someone to kill the night, just find me." Kanyang sagot bago lagukin ang laman ng kanyang kopita ng wine. Kumindat muna siya bago umalis. Napataas - kilay akong sinundan siya ng tingin. Para saan ang kindat niya na yun? Hmn..! I'm sure playboy siya! Alas - diyes na ng gabi ngunit alive pa silang lahat. Hinanap ko si Miggy at nakita kong tulog na sakanyang mesa. Nagmadali ako na lumapit saknaya at binuhat. Nilapitan ko muna si Madam Almira at Don Thomas para magpaalam na papasok na kami ni Miggy sa loob ng bahay. Hindi na ako nagkaron ng pagakaktaon para makita si sir Andrew. Pagkatapos kong linisan si Miggy at maiayos sakanyang higaan ay pumanhik din ako sa aking kwarto para maglinis ng aking katawan. Binitbit ko ang aking tuwalya at tanging ang aking pati at bra lang ang suot na papunta sa banyo habang kumakanta ng levitating ni Dua Lipa. Napasigaw ako sa gulat pagkabukas ko ng shower room. Ang lalaking nakabangga ko kanina sa hagdanan ay hubo't hubad. Tinakpan ko agad ang aking mata. "Y-You!" Nagkandautal - utal kong sambit. "What the f**k! Who are you?" Nagulat niya rin na tanong habang pinupunasan ang kanyang basang mukha. "Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan? Anu nag ginagawa mo rito?" Balik kung sagot sakanya habang sinisilip sa pagitan ng aking daliri kung nagtakip na siya. "What?" Kanyang naiinis na sagot. "Takpan mo nga muna ng tuwalya ang katawan mo, wala kang audience." Sita ko sakanya dahil hindi man lang niya tinatakpan ang malaki niyang anaconda na parang tutuka na sa laki. OMG! My virgin eyes isn't virgin anymore. Naiiyak kong sambit sa aking sarili. Humalakhak siya bago ipulupot ang kanyang tuwalya sa kanyang bewang. "You entered my restroom just wearing with your sexy two piece tapos sisitahin mo ako. What the actual f**k are you emphasizing here woman?" Kanyang nakakaasar na sagot. Napatigil ako at tinignan ang aking sarili. Pulang - pula ang aking mukha na nataranta sa pagtakip din ng hawak kong tuwalya. Tatlong taon kung ginagamit mag - isa ang banyo na ito kaya minsan hubad na akong pumunta dito. Sino ba naman ang mag - aakala na may gagamit ngayong gabi. Dalawang malaking kwarto ang nandito sa floor na ito at ito lang ang banyo sa pagitan niya na may kanya - knayang pintuan. Banyong kasing laki ng isang kwarto o bahay na sa amin sa probinsiya. "Bastos!" Galit kong singhal sakanya ngunit tumawa siyang naglakad papalapit sa akin na parang hari flexing those damn beautiful biceps of his. Paksyet siya! "Miss ikaw ang pumasok dito na nakasuot ng ganyan hindi kita binihisan o hinubaran. Ikaw din ang nanilip sa akin kaya sino sa ating dalawa ang bastos?" Kanyang nakakalokang sagot bago tuluyang lumabas. Naiwan akong nakatulala at nanginginig. Akala ko kakainin na niya akong buhay sa kanyang matalim na tingin at nakakatakot na paghalakhak. Bwisit siya! Nagwawala kong pagsabunot sa aking sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
10.9K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
7.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
300.4K
bc

The Real About My Husband

read
30.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
74.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
102.0K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook