Andrew Pov...
Wala pa akong balak bumalik ng Pilipinas pero nagmakaawa si daddy na ako na ang mamalakad sa aming mga negosyo. Dad is already 60 years old kaya gusto naman niyang magpahinga sa bahay. I have no choice, but to come home kahit hindi pa handa ang aking puso. Meeting Miggy again will remind me everything, the pain of yesterday that I kept 5 years ago. The deep wound na matagal kung tinatakasan pero tama naman si Titus. Hanggang kailan ako magtatago. Hanggang kailan ko rin babalewalain si Miggy? It is time to face my fears!
I am aware sa welcome party sa bahay pero hindi ako handang makipagtawanan sakanila kaya dumaan ako sa back door ng bahay pero hindi ko inaasahan ang klase ng welcome na matatanggap ko. Imbes na umakyat ako papasok sa bahay ay hindi kundi pinagulong ako pabalik sa baba! I cursed wanting to kick the person who is responsible pero hindi ko inaasahan na isnag magandang babae ang mabubungaran ko na nakahiga sa paanan din ng hagdanan.
She is beautiful and cute. The simple dress suits her, illuminating the night. I extended my hand to help her back on her feet, but I didn't expect the tingling spark shooting at my body. Gladly, she pulled her hand immediately. Nakita ko rin ang pagkagulat sakanyang mata. Did she feel it too?
Pinanood ko siyang nagmamadaling umalis sa aking harapan na akala mo ay sinisilihan ang pwet. Bigla akong napangiti makita ang kanyang reaksiyon at ang panginginig ng kanyang kamay. Damn! At my age may napapakilig pa pala ako. Natatawa akong pumasok sa bahay. I told dad that I'll be out by 10 to meet them kaya uminom muna ako sa aking kwarto.
My room is still the same 5 years ago na hindi ko ikinatuwa. Pumunta ako sa aking extension storage room at kumuha ng bagong comforter at beddings including curtains. Pinalitan ko ng grey curtain ganun din s aking kama. Tinanggal ko rin ang mga bulaklak at inilipat ang aking kama facing my door whilst the window is beside my bed. Tiningnan ko ang bagong ayos ng aking kwarto. This is better and relaxing.
Pagkatapos kung ligpitin ang mga tinanggal kong kurtina at beddings ay kinuha ko ang aking tuwalya at nagmadaling pumunta sa banyo para maligo. I have to face dad's business partners. Soon they will be reporting on me.
Patapos na akong maligo at kakapatay ko lang ng shower nung biglang magbukas ang shower room at iluwa ang isang babae na naka two piece lang ang suot. Sa gulat ko ay hindi ko nagawang matakpan agad ang aking katawan dahil nasa katabi lang niya ang aking tuwalya. Walang nagsabi sa akin na may gumagamit dito sa aking banyo. This is my personal place. My own comfort room and bedroom. Who the f**k let her use my bathroom! Ngitngit kong inis!
But then my laughter burst nung pinagbintangan akong bastos! The f**k! Siya ang pumasok na halos hubo't hubad tapos pagbibintangan ako na bastos. Buti nalang hindi maliit ang aking kaibigan sa baba at baka nakakahiya pa sakanya. Napangisi ako sa mga ganap sa araw na ito. Umiwas ako sa welcome party pero tumanggap pa rin naman ako ng welcome party na hindi ko inaasahan buong buhay. Una gumulong lang naman ako sa hagdanan pabalik sa baba tapos ito nabusuhan pa ako ng wagas. Baka may reserba pa mamaya! Napapailing ko nalang na maktol habang namimili ng susuutin kong damit.
Iginala ko ang aking paningin sa mga taong dumating ngayon bago ako tuluyang bumaba. Our garden is really packed of people. Palakpakan naman silang lahat pagkakita sa akin. I can see my parents proudly looking at me. I am also proud and grateful to have them as my parents. Konting kwentuhan at ilan pang introduction ni daddy. Some of his business partners ay nakasalamuha ko na dati noong ginawa akong trainee ni daddy sa kompanya. Katulad nga ng kasabihan ni dad. You don't know the value of effort if you will not experience it. Katulad lang daw ng isang matayog at magandang bahay na tinatangala ng karamihan. Hindi siya maitatayo ng ganyan kaganda at katibay kung walang solid na plano at tapat na mga materyales. Ganun din daw sa negosyo. Dapat may plano, your connections or investors were the structure of the business. The board members were the people making the perfect plan and your staff were the crew to layout the plan. That's why dad treasures his people. Gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan ni daddy.
I've been in London for 5 years and I learned a lot. Iyon ang gagamitin ko sa pagpapalakad ng aming negosyo. Global Group will continue to soar high.
Pinagpatuloy kong nilapitan ang iba pang mga tao na nasa loob ng aming bakuran nung mahagip ng aking mata ang bulto ng isang tao na hindi ko kailan man gustong makita sa buong buhay ko. What the hell is he doing here? Tiningnan ko siya ng matalim habang kumuyom ang aking kamao sa galit. Halos namuti ang aking kamao sa tindi ng aking pagkuyom. Pakiramdam ko mababasag ko rin ang kopitang hawak ko sa tindi ng poot na nanalaytay sa aking ugat. Why do I have to see you now? Ngitngit kung inis!
Relax Andrew hindi ito ang araw para sirain mo ang magandang simula na inilaan ng magulang mo para sa'yo. Don't ruin the beautiful night dahil lang sa isang tao na hindi karapat dapat pagtuunan ng pansin. Pampakalma kung bulong sa aking sarili. Bumuntong hininga ako ng malalim. Bago ako pumikit ay nagkasalubong ang aming mata. Puno ng poot ang ipinukol kung tingin sakanya. Ang kapal naman ng mukha niya para pumunta pa rito! F**k! Gigil kong pagmura bago nilagok ang laman ng aking kopita at bumalik sa grupo ni daddy dahil baka hindi ko makontrol ang aking sarili at mabubura ko siya sa mundo. My fist needs to vent right now! Magpasalamat siya mahalaga ang welcome party na ito dahil kung hindi my fist landed on his damn f*****g face!
I guess I didn't have the good day of my life coming home today. Yung gumulong palang ako sa hagdanan pabalik sa paanan nito ay isang pangitaing hindi maganda. It's all nightmare!