Two: continuation

1141 Words
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang may humila sa akin. Napahigpit lang ang aking hawak sa bestida habang nakatingin sa pintuan na dapat ay lalabasan ko sana. "It's me." Kusang nawala ang takot ko nang marinig at mapagtanto ang pamilyar na boses na iyon. "Shin?" "Wala si chief. He's in japan at dahil may kakaiba sayo kanina, I realized something's not right." Paliwanag niya, I wanted to say 'wow' dahil iyon na ata ang pinaka mahabang sinabi niya ngayon. "Salamat." Mahina kong sabi bago bumuga ng hangin. "I am still curious. What do they need from you?" Hindi ako umimik, nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya. "Ano ang kailangan ng royal mafia sa isang babaeng katulad mo? Who really are you? " Mariin kong pinikit ang aking mga mata. You can't know... Lumabas na ako ng pintuan dahil sigurado akong wala na ang mga kalaban at para takasan ang mga tanong ng aking tagapagligtas. Pero ang aking maayos at malinis na bahay ay parang dinaanan ng bagyo. Everything was a mess. The walls, the floors, paintings and even the furnitures are damaged. They made it a shooting ground. "Just great!" Tanging usal ko na lang bago tuluyang mapaupo sa sahig. Sinira nila ang castello! Nanatili lang nakatayo sa aking harapan ang kasama ko habang nililibot ang tingin sa buong bahay, naisipan ko namang umakyat na para mag impake ng mga damit. Tyler Amadeus, seems like he knows more than he should. Pagkatapos mag impake ay bumaba na ako, ni hindi man lang din ako tinulungan ng kasama ko na buhatin ang dala ko. Aish! Sumakay ako sa kaniyang kotse ng hindi man lang umiimik, ginugutom na rin ako... "Just drop me to a nearest hotel." Walang gana kong sabi bago ipinikit muna ang mata para umidlip. Nang maalipungatan ay nagtaka naman ako kung saan nakaparada ang kotse. "You are going to stay with us." Yun lang at bumaba na siya ng kotse dala ang gamit ko, kaya naman bumaba na rin ako para sumunod sa kaniya. Their house is huge. Simple and modern style is the motif. I like how it was made-like a castle in its simplest form. Umakyat kami sa may grand staircase at sa dulo ng hallway ay inihatid ako ni Shin. "Stay here for a while. Bumaba ka na lang mamaya." Sabi niya bago umalis. Pumasok na ako sa kwarto. The room is huge and spacious, meron din queen size bed sa gitna at veranda sa may gilid. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng aking dress ng mag vibrate ito. From: chief Message: how are you? Stay with Shin for a while. In three days, maayos na ang bahay mo. Hindi na ako nagreply pa kay Chief, nagpalit na lang muna ako ng damit bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad sa hallway ay ramdam kong may nakasunod sa akin, kaya mabilis akong lumingon at nakita ang isang babae na nagtago sa malaking vase. I shrugged. Dahan dahan akong pumunta sa tabi ng vase at sinilip ang babae. "Waaaah! Ang ganda mo ate! Para kang doll!" Halos magulantang ang mundo ko sa lakas ng sigaw ng babaeng ito. Seriously? Mukha bang malayo ako? "Ate!! Ganda ng buhok mo ang haba pa! Alam m-" "Rin! Stop that." Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ang isang middle aged woman. Sa tingin ko siya ang mommy nila dahil kahawig ito ni Shin. She looks so young despite that she already has a son, her feature looks so strong ang quick. "Pasensiya ka na kay Rin, siya ang kapatid ni Shin and I'm their mother." Ngiti niya sa akin. Her warm smile makes me wanna hug my mother. I miss her so much. "I'm sora, nice to meet you ma'am." I curtsied. "Just call me tita." "Okay po... Tita" Ngumiti siya nang malawak na animo'y nasatisfied sa sinabi ko. "You must be hungry." Bumaba kami papunta sa dining area, nandoon na ang father nila Shin kaya naupo na rin ang dalawa. Nanatili naman akong nakatayo roon habang nahihiyang nakatingin sa kanila, hanggang sa may marahang tumulak sa aking likuran. "Let's eat." Monotone na sabi ni Shin, kahit sa harap rin pala ng family niya ay hindi nagbabago ang tono ng pananalita. "Maupo ka, iha. Ako nga pala si Leonard Sumiyoshi, their father." Ngiti naman ng dad nila. "I'm Sora, sir, nice to meet you." "No need to be polite. Just call me tito." Pagtatama niya rin kaya tumango na lang ako at naupo sa tapat ni Shin. "Ate sora, if you want you can visit my room today. " masayang paanyaya ni Rin. "She can't. She needs to rest today." Agad namang sumimangot ang mukha ng una dahil sa nakatatandang kapatid pero mabilis din naman iyong bumalik ng sabihin niyang "Tomorrow then, ate Sora." "Tss." Singhal naman ni Shin. "Come on, tigilan niyo yan sa tapat ng hapag. Nakakahiya kay Sora." Suway naman ni tita sa kanila. Si Mr. Sumiyoshi naman o si tito ay tahimik lang kumakain habang nagbabasa ng dyaryo, marahil ay sa kaniya namana ang pagiging matipid na pananalita ni Shin. Habang kami ay kumakain biglang sumulpot yung maid nila at sinabing may importante raw na bisita. Kahit gabi pala ay may bumibisita pa. "Papuntahin mo rito." Utos naman sa kaniya. Umalis naman ang maid upang tawagin ang sinasabing bisita. Marahil ay na curious din ako kung sino ang pumupunta pa ng ganitong oras ay ipinokus ko ang tingin sa bukana ng dining area. Mula roon ay lumantad ang malawak  na ngiti ng isang lalaki. His hair is as black as his pair of orbs, but no doubt that this guys is the one who I grew up with. "Yow! Long time no see Shin!" ——klaaang! Agad na nabaling sa akin ang atensyon  ng lahat matapos kong mabagsak ang hawak na kutsara. Kahit ang bagong dating ay nagulat sa aking presensiya. "H-hiro..." Banggit ko. His smile, his voice... He didn't changed at all. Looking at him I felt so overwhelmed that I immediately rushed to hug him. "Sora." And there it is, nag unahan nang tumulo ang aking mga luha. I miss this guy so terribly! "You know each other?" Si Shin na mismo ang bumasag ng katahimikan, maliban sa aking mga paghikbi. "Yeah. Di ko akalaing dito ko lang makikita si Sora." Sagot naman ni Hiro habang hinahaplos ang aking ulunan. "Waah! Umiiyak si ate Sora! Naiiyak na rin ako! Huhuhu!" Dahil sa pagsigaw ni Rin na bumasag ng atmosphere ay medyo gumaan naman ang aking pakiramdam. "Let's continue eating." Di ko alam kung anong meron, pero bigla na lang nagbago ang mood ni Shin. "Honey, ito yata ang unang beses na nagkaganiyan si Shin?" Rinig ko namang sambit ni tita. "Shut up mom!" Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Hiro, at pinunasan niya naman ang mga luha ko. Kusa akong napangiti sa ginawa niya. Still the same... "Anyway... Uhm.. Long time lovers?" Napakamot na lang sa batok ang katabi ko sa tanong ni tita, lihim naman akong napangiti dahil kahit ang iba ay napatigil para lang maghintay sa aming sagot. "Hiro is my... Childhood best friend." sambit ko... Liar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD