◾◾◾◾ Chapter three: Transaction "White lies. Black lies. It is just the same. Both are meant to deceive" *** Kahit na napakaraming tanong ay iisang sagot lang ang kanilang nakuha. Na nagkahiwalay kami ni Hiro nang magsampung taon ako at kahit na pilit silang nagtatanong tungkol sa amin dalawa ay siya namang todo iwas namin sa topic, wala dapat makaalam ng tunay naming katauhan lalo na't masyadong kumplikado ang lahat pag nalaman nila.Mananatiling sikreto ang lahat alang alang sa ikabubuti namin at ng Mafia, Si chief lang ang may alam sa nangyayari dahil siya ang dating butler ng pamilya. "Hiro, saan ka pupunta?" Tanong ko sa aking kakambal. Gabi na at dahil sabado ngayon ay wala ako sa tore kundi sa mismong mansion. Naka all black ang aking kambal at pinipilit niya akong sumama sa ka