Two

1054 Words
◾◾◾◾ Chapter 2: the break in "Never tell a game with a royal, she might play along. " "Hey!" Iniangat ko ang aking tingin mula sa likuran ni Shin. May apat na lalaki ang nakaharang sa harapan namin ngayon. Sa hitsura nila, di malayong mahilig ang apat sa mga away at gulo, pero hindi dapat kami ang klase ng tao na binubunggo nila. "What do you want?" Malamig na tanong ng aking kasama, ako naman ay kusang napaatras at mas nagtago sa likod niya nang maglabas ng patalim ang isa sa humarang sa amin. "Maangas ka rin talaga ah!" Asik naman ng isa. "Joseph, tuluyan na natin to. At yung manikang binibini atin na lang!" Ngayon ay napahawak na ako sa damit ni Shin. 'You're pretty you almost look like a doll' Hindi ko ring akalaing na ihahalintulad nila ang isang tulad ko sa manika. Like my mother she always compliment me with a doll. So perfect it doesn't look real; so fragile like it's gonna break. "Close your eyes. " Napatingin naman ako sa likod ni Shin nang magsalita siya, bahagyang kumunot pa ang aking noo. "Nag g-goodbye ka na ba sa girlfriend mo? KWAHAHAHA!" Pang aasar ng isa, pero nanatiling diretso ang tingin ng kasama ko na tila ba wala siyang narinig. "Close your eyes. Sora." This time bumitaw na ako sa pagkakakapit sa kaniya at mariin na ipinikit ang aking mata. Maingay. Maraming nagsisigawan at kung ano ano pang kalabog ang aking naririnig. I wanted to peek. I am curious. Pero natatakot ako sa maaari kong makita. Another scream. Nakarinig pa ako ng pag c***k ng buto, kaya binuksan ko na ang aking mga mata dahil sa biglaang pagtahimik ng paligid. Shin. He's fixing his necktie while walking towards my direction. Hindi man lang siya pinagpawisan o nagusot ang uniporme samantalang ang apat na lalaking nakahandusay na ay halos nakakaawa na kung tignan. Everyone around us who watched the commotion was now quiet and distancing their selves. Sino nga ba ang hindi matatakot sa isang katulad niya na napatumba ang apat na lalaki at wala man lang natamong galos. I really find it amusing but curiosity weighted the more. Sino ka ba talaga, Shin? Ang alam ko lang ay parte ka ng isang mafia. "Let's go." Naglakad na siya paalis, ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa likuran niya. Kusa naman ding umiwas at nagsialisan ang mga kumpol ng tao na nadaanan namin. Now, they're afraid. Pagkarating sa room ay wala pa ang professor ngunit may mangilan ngilan ng estudyante ang naroon. Kahit ang misteryosong si Tyler na nakakakilala sa akin ay wala pa rin. Humalumbaba na lang ako sa aking lamesa sa sobrang pagkabored, I am not really into this. Now, I know why a lot hate schools. It's kinda boring. Eto rin ang unang pagkakataon na pumasok ako sa isang tunay na paaralan, Greco, my private teacher, used to tutor me at home back then;however, he died because of me. "What are you thinking?" Agad akong nabalik sa ulirat ng magsalita ang kasama ko, his tone never changed (as cold as ever). "Nothing." Bored kong sagot at isang mahinang "tss." lang ang kaniyang ibinalik. Tumayo na lang ako sa aking kinauupuan at akmang aalis na ng magsalita yung bloke ng yelo. "Where are you going?" Tanong niya sa malamig na boses. "Comfort room." Pagkadating sa bandang dulo ng hallway ay agad akong lumiko at tinahak ang hagdan pataas. My paces are too fast but discreet at the same time. "Alam kong susundan mo ako." Napahinto ako mula sa aking kinatatayuan. "Alam ko ring plinano mo ito." Sagot ko naman kay Tyler. Oo siya ang sinusundan ko. I saw him a while ago peeking at our room, so suspicious I almost believed he is hiding something. "Not bad... For a royal like you." Ngisi niya. Ang kuryosidad ko ay mas lumalim sa mga oras na to, di ko man alam kung papaano ang gagawin ko pero iisa lang ang maaari. Run—hide again and never let those people see you again. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay. Hindi man lang nagsalita si Shin habang pauwi kami, bagkus ay tinitignan niya lang ang wala sa sarili kong mukha. Ngunit hindi ko na yun pinag tuunan pa ng pansin. No one knows that I am a Royal, except if you are part of it. Chief should know about it... "Tell chief, to go here as soon as possible." Utos ko bago lumabas ng kotse. *** Pagkaakyat sa kwarto ay agad akong nagpalit ng itim kong Victorian dress. Mula dito sa aking kwarto ay pinatay ko ang lahat ng ilaw ng buong bahay. Making the darkness surround every corner of the house; making the evil search in the dark. Naghintay ako mula sa connecting door ng kwarto ko na papunta sa kusina. Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig na ako ng ilang mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko. The game starts now. Hide and seek in the dark. Tumakbo na ako pababa ng mabatong hagdan. Mula rito ay rinig ko ang ilang pagkalampag at pagkabasag ng kung ano mang bagay mula sa aking kwarto. They are looking for me. They're invading my house just to get me—to bring me back. "Not bad... For a royal like you" makahulugang sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin sa pintuan ng rooftop. "How did you know my name?" Seryoso kong tanong "I don't know. Just a lucky guess. " He shrugged Humakbang ako ng isa sa hagdan para makalapit sa kaniya. "Nalilito ka na ba, little principessa?" Ngiti niya sa akin "Well, I have a game to tell." Huminto siya sandali,binibitin ang sasabihin na dapat ay kanina niya pa tinapos, pero nanatili akong kalmado habang nakatitig lang sa kaniya. This is my disadvantage, I don't know how to fight kaya delikado kung lalabanan ko siya. "10 past seven... Somebody will break in at your house." Pagtatapos niya bago dumaan sa gilid ko at nilampasan ako. "The I'll play along with that game. " Buong lakas kong sabi bago pa man siya makaalis na ng tuluyan. Kaya eto ako ngayon... Nagtatago-natatakot na matunton. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nanatili muna sa pinagtataguan ko. Nang marinig ang ilang mga putok ng baril ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Chief came... He would never let me get hurt. I knew it, chief will save me because he was like a father to me. I was about to get out of my hiding place when someone grabbed me from behind. "Found ya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD