"Ate oh! Aalis daw kayo!" ngiti sa akin ni Rin, kinuha ko naman yung paperbag na iniaboyt niya bago siya nagpaalam na lumabas. Royal blue long dress with matching silver pumps ang binigay na damit ni Rin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero dahil sa kuryosidad ay hindi na ako umayaw pa para makita ang lugar. Itinali ko na lang ang aking buhok at sinuot ang kwintas ko. I looked at the full size mirror beside me. Same old me.. *tok tok "Ate! Andiyan na si Kuya!" Gulat kung gulat akong napatingin sa pinto habang nakatingin sa nakasilip at nakangangang mukha ni Rin dahil sa pagsigaw "hehe sorry. Baba ka na. Bye!" Kinuha ko na ang aking purse at lumabas ng kwarto. Kahit hirap lumakad sa mataas na heels ay ginawa ko with confidence hanggang sa makarating sa grand staircase. I smiled w