Chapter 5: Strict

1735 Words
Naalala ko pa ang mga panahong hindi ako magkamuwang-muwang ang puso ko nang muli ko siyang nakita noong panahong nag-aaral pa kaming dalawa. And we had the same school. Ramcess was so hot, and many girls would praised him. "Mr. Morgan told me, that all of you are fighting in the hallway? That is not appropriate. Since you are inside in the school," pagsesermon ng assistant principal. "Do you know all of you, what's the consequences of your fight?" Nakayuko lang kaming pito habang senesermonan ng isang hindi katandaang babae. Gaya ng sabi ni Ramcess. We need to bring our parents in the principal's office. But when we came... Hindi mommy niya ang nadatnan namin sa loob. At higit sa lahat, wala rin siya. I wonder where is he right now? Akala ko pa naman na makikita ko siya ulit. Narinig ko pang excited na pumunta ng office ang limang babaeng nakaaway ni Lauren dahil nandoon siya. But when we came, he was not inside. Maski ang Mommy niya na gusto ko sanang makita. The last time I saw her mother. Noong panahon na una ko siyang nakilala noong mga bata pa kami. My parents and his parents were closed back then. Hindi ko alam kung masisiyahan ako o ma-disspoint. Pagkarating namin sa principals office. Napag-alaman naming may meeting pa ang principal kaya hindi siya ang makakaharap namin. Tanging assistant lang muna ang makakausap namin sa ngayon regarding of our fights. "What's their consequences, Ma'am?" imik ni Mommy. Katabi niya kami ni Lauren sa upuan. Samantalang sa harapan namin ang parents ng nakakaaway naming mga studyanteng nakaaway. "As I've heard. Nilalait ng mga batang ito ang anak ko. Sila ang unang gumagawa ng gulo. I know my children... Pinagtatanggol lang nila ang sarili nila. They must be paid by the consequences for bullying my daughter!" Pinapunta namin sina Mommy at Daddy sa school kahit pa may trabaho pa sila. Wala naman silang panenermon nang makarating pero nakita ko ang pag-iling nila ng ulo. I saw disappointment on their eyes. Palagi na lang kasi silang napupunta sa office of the principal mula pa noong elemantarya ako. Hanggang ngayon. Pinapatawag pa rin sila dahil sa mga nambubully sa akin. "For now...I can't decide what's their consequences. Only the high officers can suggest what is their best punishments. Since the son of the principal's are not here. We need to wait---" Natigil sa pagsasalita ang assistant principal nang bumukas ang pinto at pumasok si Ramcess. Dala ang kanyang long sleeve uniform na hawak niya pa ang kwelyuhan habang sabit sa kanyang balikat. He is chewing a gum. Agad siyang umupo sa mahabang sofa na nasa sulok. Lahat kami napatingin sa presko niyang pagdating. "Where's mommy? I thought she's here to handle these brat students?" walang gana niyang tanong sa assistant principal ng kanyang ina. Narinig ko ang impit na tili ng mga babae sa aming harapan. Wala namang emosyon si Lauren nang matingnan ko. She is silent, and he's not looking to the guy who just came. "May meeting ang Mommy mo. Ikaw na muna ang encharge sa gagawing punishments sa pitong estudyante na nandito. I'll already talk to their parents about the consequences and they will agree." "That's good then... I'll be meeting them tomorrow morning at exactly 7AM so that I can announce their punishments. I'll dismissed my part... Tell, Mom, I came." Nakapamulsa siyang tumayo. Hindi na niya kami tiningnan isa-isa. Mabilis na siyang umalis sa office. Nagtinginan na lang kami ni Lauren. Hindi ko alam kung mahahambugan ako sa kanya o hahanga dahil sa walang preno niyang bibig. But on the other hand. Naiisip kong ang layo niya sa batang Ramcess na nakilala ko noon. Sobrang layo... Kung hindi lang sa pangalan niya. Baka iiisipin kong hindi siya iyon. Wala namang nangyari sa loob ng principal's office. Umalis na sina Mommy at Daddy. Bago sila umalis. Binalaan kami ni Lauren na umiiwas na sa gulo. We just nodded and then they left. May meeting pa raw silang kailangan puntahan. Palagi naman silang busy e. Hindi na bago sa amin na minsan lang namin sila makakausap. Nang uwian. Kasama ko pa rin si Lauren sa pag-uwi. Habang nasa labas ng gate, naghihintay sa sundo namin. Biglang may dumaang sports car na malakas pa ang pagpapatakbo sa gilid namin. Agad kaming napagilid ni Lauren upang hindi matamaan ng kotse. Sabay pa kaming napahiyaw sa gulat. Dahil natalsikan pa kami ng putik. Maulan pa naman kanina. "Sino iyon?" tanong ko habang sinusundan ang sasakyang matulin na tumatakbo. Hindi pa ako makapaniwala dahil kamuntikan na kaming masagasaan. "Si Ramcess... Ganyan talaga iyan magpatakbo. Nasanay yata sa States na walang preno kung magpatakbo ng kotse," iling-iling nito. Napahawak na lamang ako sa dibdib para pakalmahin ang sarili. Isang araw ko pa lang siyang nakita pero pakiramdam ko. Masiyado na siyang hambog. Mas mabuti nang hindi ako magpapakilala sa kanya kung sino ako... And as if naman kung magkukuwento ako sa pangako niya sa akin noong mga bata pa kami. Maniniwala siyang ako iyon. Ang daming nagbago sa anyo ko. Mas nagustuhan niya ako noong bata ako kasi maganda pa ako. Pero ngayon... Base sa ugali niya. Mukhang malabong pagtuonan niya ako ng pansin. Masiyado siyang mayabang sa paningin ko! Kinabukasan, gaya ng sinabi ni Ramcess kailangan eksaktong alas syete ng umaga nasa faculty room na kami. Kasama ko pa rin si Lauren doon. Hindi ako mapalagay habang papasok kami. Mas nauna kaming dumating sa faculty. Tahimik ang loob nang makarating. Hindi namin magawang mag-usap ni Lauren. Sa pagkat pinagpawisan na ako sa punishments na mangyayari sa amin. Hindi pa naman inaanunsiyo pero labis na ang kaba ko. Ilang sandali pa. Dumating nang sabay-sabay ang limang babae. Napag-alaman kong si Marina, Hilda, Angelina, Katherine at si Aryana ang kanilang pangalan. Wala pa si Ram, kaya nagkaroon si Lauren at ang limang babae ng panandaliang bangayan. "Sana palinisin kayo sa mga comfort room. Bagay kayo roon. Madumi... Kasing dumi ng pagmumukha ng ate mo." Tumawa silang lima dahil sa sinabi ni Angelina. Senenyasan ko si Lauren na huwag ng pansinin. Ngunit sadyang hindi talaga siya magpapatalo. "Sa inyo na babagay ang paglilinis ng comfort room. Mababaho na nga ang bunganga niyo. Kasing baho ng inidoro. Bagay kayo roon!" "Lau... Let them be. Huwag mo na lang pansinin," bulong ko saka pinigilan siya sa kanyang pagbabangayan sa limang babae. Ayaw kong magkakagulo na naman. Mabuti na lang dumating na si Ramcess bago pa man lumalalim ang bangayan. Nakapamulsa siyang pumasok sa loob. Dala niya ang kanyang bag na hawak niya sa kanyang balikat. Agad niya itong nilapag. Hindi pa siya nakasuot ng uniform at tanging black T-shirt lang ang kanyang suot at isang itim na maong pants. He is like more intimidating right now. He lick his lips before facing us. Pinalibutan namin ang rectangular na lamesa. Nasa dulo siya at nasa likod niya ang isang white board. He look at us one by one. Nagtagal ang titig niya kay Lauren... Bago ito dumiretso sa akin. Agad akong hindi mapakali lalo na't hinawakan niya ang magkabilang lamesa. He lean forward before talking like a great leader on us. "Siguro alam niyo na kung bakit kayo nandirito? Hindi ko kayo ipapatawag kung wala kayong parusang kahaharapin," buong tagalog niyang pagkasabi. Tahimik kaming lahat dahil sa presensiya niya. Ang tanging naririnig ko sa mga oras na iyon ang singhapan ng mga babaeng kaaway ni Lauren. Sabay tango na tila naintindihan nila ang susunod nitong sasabihin. "Ang magkakapatid na iyan ang dapat niyong pahirapan, Ramcess. They belong to a----" "Silence... Let me talk first." Tinaas niya ang kamay saka siya kumuha ng pentelpen. Upang magsulat sa white board. "I'll write your punishments here. May kanya-kanya kayong gawain. The five of you... You need to clean up the gym every friday. And for the whole week. You need to clean the girls and boys comfort room. Araw-araw niyong linisan ito. Good for one month." "What?! Bakit kami ang maglilinis! Why you don't give that task to them! Mas bagay silang magkuskus ng inidoro?" turo ni Hilda. Napatayo pa ang limang babae dahil sa ibinigay na tasked ni Ramcess. Mukhang hindi makapaniwala na sila lang pala ang natamaan sa punishments na pinaka-ayaw nila. I heard Lauren laughed in silence. Agad tumingin si Ramcess sa kanya. Kumunot ang noo bago nagpatuloy sa pagsusulat sa white board. "Do your tasked or you'll be expelled in this school," walang ganang saad ni Ram. Nagpapadyak na lamang sa inis ang limang babae. Tumingin si Ramcess sa gawi ko. Napalunok ako nang bigla niya akong tinuro. "You!... You'll be cleaning the Business Management class room after the class. And also you'll be incharge to clean the faculty room every day. Good for two months!" Nakita ko ang ngisi ng limang babae sa harapan. Para bang mas mahirap ang gawain ko. "Tsk... Okay na pa lang maglinis kami sa gym at sa comfort room. Kay sa naman maging janitor sa buong skwelahan," pagtawa ni Marina na sinabayan pa ng apat. Napayuko na lang ako. Hindi ako marunong maglinis dahil may kaya naman sina Mommy at Daddy. May katulong rin kami sa bahay. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang trabaho. Mukhang gabi na ako makakauwi nito. "Can I help my ate, Ramcess?" singit ni Lauren. "No... You have your own tasked... I will tell you later. Come back here when the class hour end... For now... That's all I can say. You can attend your class now." Nagsitayuan na ang limang babae habang hindi naman ako makatayo sa kinauupuan. Tiningnan ko si Lauren... Bigla akong nakuryuso sa gustong ipagawa ni Ramcess sa kanya. "Let's go, Joy. May klase pa." Tumayo na siya habang tinitingnan si Ramcess na naka-upo ngayon sa silya. Kaharap nito ang loptop. Tumango ako saka sumunod na. Bago kami makalabas may sinabi pa si Ramcess sa aming lahat. "You'll be doing your task started today. So prepare everything. Because I will be monitoring if you will be doing your work load every week. Kung hindi niyo magawa ang pinapagawa ko sa inyo. Expect you'll be expelled... And you can't transfer any school that you want. That's your consequences!" Napasinghap na lamang ako. I don't know... But he is really dangerous. Wala pa na man siyang ginagawa pero parang napaka-delikado niya na talaga. He's very strict. Hindi ko akalain na isang mayabang at striktong Ramcess Morgan ang makikilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD