Sakay ang mamahaling kotse ni Dennis pauwi sa bahay namin ni Ram. Hindi na ako mapakali sa upuan sa pagkat makikita ko na naman si Ram sa pag-uwi ko. Hindi ko maiwasang kabahan. What would he be his reaction after I came again in our house? Maybe he's angry. Kahit ilang beses kong pinakalma ang sarili hindi ko pa rin maiwasang manghina at matakot sa posibleng mangyari sa pagbalik ko gayong wala ako ni-isang-mensahe kay Ram na aalis ako. Basta-basta na lang akong nagpatangay kay Kia para sumama sa kanya. Sa kabila ng mga negatibong isipan ko. Inaalala ko na lang ang mga araw na nag-enjoy ako sa pag-alis ko ng pansamantala sa bahay namin ni Ram. Kung ano mang masasakit na salita ni Ramcess sa akin ngayon, at least it's all worth it. Marami akong natutunan. "Salamat sa paghatid sa akin