"Are you okay?" tanong ni Kia sa akin. Kasalukuyan kaming nag-ehersisyo ngayon. Nasa treadmill kaming dalawa at mag-hating-oras na kami rito sa gym ng Hotel. May mga kasama rin kami sa loob, at busy rin sa kanya-kanyang pag-exercise. Dito kasi kami dinala ni Dennis sa kanilang malaking Hotel, para mag-stay muna kami nang pansamantala. Habang malayo ako kay Ram. Apat na araw na kami ni Kia rito, and all I could say, it's all worth it that I've stayed here. Pasalamat na lang ako sinasamahan niya akong makahinga-hinga man lang bago ako babalik sa dating buhay ko na magpapaka-martyr na naman. Martyr? Gusto kong matawa sa sarili. Now, I really accepting that I'm a martyr wife of Ramcess Morgan. But this time, I have the guts to fight against him. Ewan ko ba at nagkaroon ako ng lakas na l