Sakay ang mamahaling kotse ni Ram. Tahimik lang kami sa byahe. Walang nagtangkang magsalita. Hindi na rin ako nagkaroon ng lakas na makipag-usap sa kanya dahil hindi ako sanay na sakay ako ng kotse niya ngayon. Simula noong makasal kami ngayon lang ako nakasakay sa kotse niya na siya mismo ang nagmamaneho. Hindi ako sanay sa pagkat sa tuwing ginagalaw niya ang kambyo biglang tumitigil ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko ipagkakailang bagay sa kanya ang ganito. Bagay sa kanya ang magmaneho. Kahit sa konting galaw niya lang, ang kanyang braso ay nagfe-flex. Inalis ko ang titig sa kanya para tingnan na lang ang tanawin sa bintana. Nang makarating kami sa higanting gate. Binuksan ng mga gwardiya iyon, pagkatapos tinakbo ng sasakyan ang malapad na karsada at sa unahan nito nakikita na na