Chapter 2: Tears

2851 Words
You thought, you find your man that you loved the most, but that's not easy. When you talk, and you didn't mean it, it's a useless decision. Kapag nangako ka sa isang tao pero hindi mo iyon natutupad. Guguho ang mundo mo, dahil sa pagiging dissapointed mo sa iyong sarili, dahil hindi nangyari ang gusto mong maranasan. Hindi nagyari ang iyong ipinangako, kaya sa huli, mahirapan kang umasa, sa mga pangakong binitawan ng tao sa'yo. Nang tumungtong sa saktong oras, in-announce ng masters of ceremony ang nagce-celebrate ng kaarawan. Hindi ko na masiyadong pinagtuunan ng pansin ang kaganapan dahil, hinahanap ng mga mata ko ang pigura ng batang lalaki. Ngunit bigo akong mahanap siya. Ramcess Morgan? Is he really serious? Pagkatapos niya kasing sabihin sa harapan ng mga magulang namin, na papakasalan niya ako pagkatungtung ko ng eighteenth birthday. Pinagtatawanan lang siya ng magulang ko. "Masiyado ka pang bata para pag isipan 'yan, iho. I know my daughter is beautiful, but we can't dictate what is her future. Being married is a wise decision, and it's not a toy that you will gonna play with..." 'Yan ang huling sabi ni Daddy sa kanya bago sila nagpaalam na pupunta muna sa ibang lamesa para roon kumausap ng iba pang mga bisita. After that, I can't see him. Ilang beses kong pinatalas ang mga mata ko para hanapin siya, but he is nowhere to be found. I wanted to be with him. I want his presence in this event, but I cannot see him. "Mom, I want to pee," mahinang paalam ko kay Mommy. Katabi niya si Daddy, na busy sa kausap at kanonood sa pagsasalita ng mc. "Can you wait a little bit, Sweety? I wanna see the birthday celebrant, going down the staircase. " Napanguso na lang ako, kahit pa ihing-ihi na ako, at ang sakit na ng pantog ko. I nodded in respond. "Okay, Mom." Hindi ko maalala kung sino ang nagbi-birthday. Malabo na sa isipan ko 'yon. But all, I know, she is the same age as mine. That's it, 'yan ang naririnig ko sa mga tao. Kilalang-kilala rin nila Mommy at batang nagbi-birthday. 'Yan ang bukod tanging na alala ko sa mga panahong iyon. I can't remember anything. I don't know what happened to me. And what will happened next. I don’t know, what's going on. All I know, is that, I had so much pain that night. I had, no idea where I was? Where, are we, that night. What kind of birthday and who is the birthday celebrant. Because all I know, in that place, in that time. I was miserable, I was innocent. I was blinded. And I was hopeless. I was in despair. I was crying in the dark. "Joyce Devon Montevillia! Will you wake up, now! " Nagising ako sa malakas na katok ng pintuan. Pupungas-pungas pa akong bumangon sa aking higaan, gawa nang ingay. Tamad akong naglakad papuntang pinto upang pagbuksan ang walang kakupas-kupas na boses ng tao sa labas, na hanggang ngayon ay panay katok pa rin. "Ang aga pa masiyado. Ang ingay mo na," reklamo ko. Nagkamot ako ng ulo sabay nguso, halatang naiirita sa presensiya niya sa pintuan sa tuwing umaga. "Wake up, big sister." Tinawanan niya lang ako, nang-iinis pa lalo sa bugnot kong pagmumukha sa tuwing ginigising niya. "I'm still sleepy, Lauren," "Oh! God! Pang-limang araw ngayon sa pasukan natin bilang College student. Ganyan pa rin ang attitude mo? Be responsible. Huwag ka nang tatamad-tamad riyan. Maligo ka na't magbihis. It's getting late. Go!" Marahan niya akong hinila papasok sa banyo kahit naka-Pajamas pa lang ako. "Oh! My!" Hindi ako naka-angal nang itinapat niya sa katawan ko ang malamig na shower. Nagtatakbo ako sa sulok habang panay sigaw ng , "Stop it!" Tawa siya nang tawa sa naging reaksiyon ko. Halos murahin ko siya sa sobrang pagka-inis. Nawala ang antok ko tuloy. Hindi kalaunan natawa na rin lang sa kagagahan niya. "All right! All right! Maliligo na!" iling-iling kong bulyaw. "Good job, big sis. Ikaw ang mas nakakatanda sa ating dalawa. Ikaw pa itong walang gana sa pang araw-araw na skwela? Cheer up! I'm here." Ngumisi siya. Tumango ako saka inagaw sa kanya ang shower. Hindi pa rin mawala ang nakaplaster na ngiti sa kanyang labi habang pinakatitigan ang itsura ko ngayong basang-basa ang suot na pajamas. "Thanks for waking me up. You can go now. I can handle myself." "Ayaw mong paliguan kita, Ate?" "What!? No!" natatawa kong sabi dahil umiral nanaman ang pagiging loko-loko niya. Naglakad na siya palabas. Hindi pa rin mawala ang ngisi niya hangga't sumirado na ang pinto. Pagkalabas niya, ay siya ring pagkawala ng ngisi ko. Hindi ko lubos ma-isip kung bakit sa tuwing nag-uumaga, para akong nawawalan ng lakas. Parang hinihigop ang mga kalamnan ko sa tuwing na iisip kung panibagong masasakit at panlalait ang madidinig ko sa mga tao. Panibagong panghuhusgang tingin ang makakasagupa sa araw na ito. Nakita ko ang mukha ko sa salaming naka-dikit sa dingding. Mabilis kong sinirado ang shower kurtain nang makita ko ang panget kong mukha. Dahil sa mukhang ito, ay maraming nagbago. Hindi ko alam kung sinong gumawa sa akin nito. Bakit umabot sa puntong na sunog ang pagmumukha ko. Iyong panaginip ko kanina, bukod tanging nasa alaala ko na parati akong binabangungot gabi-gabi. Hinubad ko ang pajama na suot. Kagat labi kong tiningnan ang tubig na umaagos sa binti. Hindi ko mawari, ngunit habang tinitigan ko ang tubig na dumadaloy sa aking katawan, parang naramdaman ko ang bawat pighati sa puso ko. Nakikita ko ang tubig na nagmumukhang luha. Isang luhang walang katapusang umaagos. Parang simbolo sa akin ang dumadaloy na tubig sa akin, dahil walang tigil ito sa paglandasan. Huminga ako nang malalim kasabay ng pagbabalik sa napanaginipan ko kanina. Ilang ulit iyong bumabalik sa panaginip ko, ngunit wala pa rin akong makukuhang hustisya sa lahat ng nangyari. Pinuno ko ang dibdib ng hangin at pilit inaalala ang nakaraan. That past who can ruin my everything in my life as a normal person. INIWAN ko sina Mommy at Daddy na walang paalam sa lamesa dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagsakit ng puson ko. Pakiramdam ko, lalabas na ang likido sa pantog ko. Ihing-ihi na talaga ako, at ‘di ko na mahintay si Mommy sa pagtingin doon sa birthday celebrant. Hindi namalayan nina Mommy at Daddy na wala na ako sa kanilang tabi dahil busy sila kanonood sa mc na panay salita sa stage. Nag-uusap din sila sa mga kasama nila sa lamesa at nagtatawanan kaya mas lalong hindi nila ako na pansin na umaalis doon. Nang makita ko na ang hinahanap na restroom. Nilibot ko ang paningin sa paligid, tinatandaan ang daanan pabalik sa lamesa. Ngunit nahilo ako sa malalaking taong nakakasagupa ko. Sobrang dami nilang naglalakad. Nakatingala lang ako sa kanila. Kung hindi ko lang nakita ang karatola na may daaraan papuntang rest room, hindi siguro ako titigil kakatitig sa mga tao at kahahanap sa daan pabalik kina-Mommy. Nasa bunga-ngaan pa lamang ako nang biglang dumilim ang paligid. Umingay ang lahat. Maraming nagbulungan. Ilang sandali pa, na kita ko ang isang batang nasa malayo. Kahit hirap sa pagsilip, ginawa ko ang lahat para makita lang ang 'yong magbi-birthday. Hindi ko maiwasang mapahanga sa suot niya. Nakadamit siya ng isang dress na kulay pink. May dala rin siyang magic wand at naka crown princess siya. Nakatutok sa kanya ang spot light. Kaya agaw na agaw pansin siya ng lahat. Hindi ko maaninag ang mukha niya galing sa kintatayuan ko, dahil bukod sa malayo na't naka silip lang din ako. Hindi ko na tiningnan ang buong nangyari sa loob ng hall, dahil pumasok na ako sa rest room para mailabas ko na ang nananakit na pantog. Walang ingay sa paligid nang makapasok ako, wala maski isang tao roon. Pumasok ako sa isang cubicle at doon umihi. Nang matapos agad ko itong flinush. Bubuksan ko na sana ang cubicle nang may narinig akong nagsisigawang mga babae. Papasok sila sa loob. Agaran kong ibinalik sa pagsarado ang pintuan pagkatapos umupo sa inidoro. Sa mura kong edad, hindi ko lubos ma-isip kung bakit bigla akong natakot sa mga panahong iyon. Lalo pa't, papalakas ang sigawan nila. "What the hell are you doing? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Isang matinis na boses ang umaalingawngaw sa loob ng rest room. "Hindi ako nasisiraan ng bait, Claudia!" Isa rin 'yong ginang na mukhang galit na galit. "Babawiin ko ang akin. Babawiin ko kung anong nararapat sa akin." "Ngayon pa talaga? Ngayon ka pa mag-eeskandalo? Sa birthday niya mismo? Are you out of your mind, Isabella?" "Bakit hindi? Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito. At dumating na rin. It is my chance to do this. Kukunin ko ang dapat na sa akin sana. Hindi ko hahayaang makikita ko ang tawa ng babaeng 'yon. She is fake!" Sa pagkakatanda ko sa boses na 'yon, ang nagsabi n’un ay si Isabella, na mukhang hindi mapalagay sa umuusok na galit. "Not now! Kung susugod ka, hindi iyong ganito. Matatalo ka pa rin. Maraming taong um-attend sa birthday na ito. Ngayon ka pa ba mag-eeskandalo? Pigilan mo muna iyang galit mo kay Regina." Napatakip ako sa bibig. Regina? Is that my Mom's name, right? No way! Baka naman ibang Regina---- "That, Regina Montevillia will rot in hell. Mang-aagaw siya. Inagaw niya ang lahat sa akin. Pagbabayaran niya ito." Nanlaki ang mata ko sa gulat. So, I was correct? She was talking to my mother? She's referring to my Mom? Anong kasalanan ng ina ko? Anong inagaw sa kanya ang lahat? What did she mean by that? "Wait? What is that? Oh! Gosh! Hindi mo gagawin sa kan'ya 'yan ‘di ba? Hindi ka gagawa nang karumaldumal na ganyan.” Nahihimigan ko ang pag-alala ng ginang. "I will make that b***h face turns into ugly." "You're crazy, Isabella. Don't you dare!" "Why, not? You can't stop me! " Dahil sa sobrang pagka-curiosity. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, tama lang upang magka-siwang nang ka-onti. Nakatalikod ang ginang sa akin. Samantalang, nakikita ko naman ang mukha ng isang ginang. Magka-edad lang sila ni Mommy. "Give me that, Isabella? Don't use that as your revenge,” utos ni Claudia. Siya itong klaro sa paningin ko ang pagmumukha niya. Nakasuot siya ng kulay maroon na fitted dress at isang takong. Makapal ang kanyang lipstick sa labi. She is very sophisticated in her aura, but because of the woman in front of her. Nawawala ang kanyang pagiging sophisticated. She look problematic. "I told you! You can't stop me!" Tinulak nu'ng Isabella si Claudia para makaraan siya palabas ngunit pinigilan nito ang braso niya para hindi ito magtagumpay sa plano niya. Gusto kong tingnan ang itsura nu'ng Isabella ngunit nakatalikod pa rin siya sa akin. Tanging mataas na takong ang nakikita ko at isang puting bestida ang suot niya. May pula siyang bag na dala sa kanyang braso. May diamond earings din siyang suot sa tenga. Kahit nakatalikod siya, maramdaman mo talaga kung gaano siya ka-intense kausapin. "Magtigil ka sabi! Akin na 'yang hawak mo?" Naglahad ng kamay 'yong si Claudia. Pilit inagaw ang hawak ni Isabella. Napatingin din ako sa hawak nito. Isa iyong maliit na bote. Hindi ko alam kung ano ang bagay na 'yon. Kung hindi lang sinabi nu'ng Claudia ang hawak nito. Hindi ko malalaman kung para saan ang bagay na iyon. "For god sake! Sa pagkakaalam ko, hindi ganito ka despereda ang isang Isabell na nakilala ko. Iyang hawak mo, isa 'yang Acido. Kaya niyang makapag pa sunog ng mukha ng tao. Iyan ba ang paghihiganti mo? Hibang ka na sa pagmamahal mo!” "Ano ngayon? Kung itong pagbuhos sa kanya ng Acido ang gagawin ko para maghiganti sa babaeng 'yon. She ruin me? Then, I will ruin her face. That fake face will turn into a monster!" Hindi na napigilan nu'ng Claudia ang ginang na si Isabella nang makalabas ito ng rest room. Sinundan niya ito palabas habang tinatawag ang pangalan nito. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko sa mga oras na lumipas. Ngunit tanging na alala ko, labis akong kinakabahan. Namawis ang noo ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin, para pigilan 'yong ginang na galit na galit kay Mommy. Mabilis akong lumabas ng cubicle para hanapin ang dalawa. Ngunit hindi ko sila mahagilap sa daming taong nasasagupa ko paglabas. Lumakas na rin ang sound system, hindi ko na rin nakita iyong batang nagbi-birthday kasi pinapalibutan na siya ng mga tao sa stage. Halos mahilo ako kakahanap sa dalawang ginang. Pati sa lamesa nina Mommy at Daddy, hindi ko na rin mahanap. Grabe ang kabog ng puso ko sa mga oras na 'yon, kulang na lang tatakbo ang puso ko sa kaba. Para akong maiiyak, hindi ko mawari kung bakit galit na galit ang nagngangalang Isabella kay Mommy. Bakit gusto niyang buhusan ng acido ang pagmumukha ng ina ko. I didn't know her reason. Natatakot ako sa mangyayari. Nang makita ko na ang familiar na dinaraanan, sinundan ko ito. Nakita ko rin ang malaking fountain cake sa may 'di kalayuan. Mabilis ko itong nilapitan. Nagbabakasakaling doon ko makikita ang ginang, lalo na si Mommy Regina, na nanganib ang buhay. Pagkarating ko sa fountain cake nilibot ko ang tingin sa paligid. Tumungtung ako sa upuan na inuupuan ko noong nandito ako, kumakain ng cup cake kasama ang batang sobrang sungit. Pati nga 'yon nawala na sa isipan ko na hanapin ulit siya. Binalot na ng pag-alala ang isipan ko. Sa ilang beses na palinga-linga sa paligid. Nakita ko rin ang ginang na pilit pinipigilan nu'ng Claudia. Nasa may kalayuan sila. Nakita ko rin sina Mommy na malapit sa kanila. Kausap ni mommy Regina si daddy, mababakas sa kanilang mga mukha ang pag-alala. Base sa kanilang galaw mukhang hinahanap nila ako. Mabilis akong bumaba sa upuan para malapitan ang ginang na gustong buhusan si Mommy ng Acido. Habang papalapit na ako sa dalawa. Klaro sa mga mata ko ang pagtakwil ni Isabella sa kamay ni Claudia pagkatakos mabilis na naglakad papalapit kay Mommy na nakatalikod sa kanya. "Mommy!" sigaw ko. Ngunit dahil sa lakas ng tugtog hindi sapat ang boses ko para marinig niya. Galing sa paglalakad, tumakbo na ako. Parang nag-slow motion sa akin ang lahat habang sinusundan iyong Isabella na papalapit na kay Mommy. Dahil pakiramdam ko, bawat takbo na ginawa ko ay hindi pa rin kayang maabutan ang dalawa. Palakad-lakad si Mommy sa mga tao, pati rin si Daddy kaya hindi nila naramdaman ang presensiya nu'ng Isabella. "Mommy!" I called loudly. Nang makalapit ako sa kay Claudia, tinulak ko siya para mapigilan ko iyong Isabella, pero hindi ko pa rin siya maabot. Sinusundan niya pa rin si Mommy. Nang huminto si Mommy Regina sa isang matanda para kausapin ito. Nakahanap ng pagkataon si Isabella upang mahawakan ang balikat ni Mommy. Sa puntong nahawakan niya si Mommy sa balikat para paharapin ito sa kanya. Natulak ko na si Mommy palayo, tinabig ko rin ang kamay ng ginang saka mariin kong ipinikit ang mata nang makita kong bumuhos ang lamang hawak nito papunta sa mukha ko gawa nang tinabig ko ang kamay niya. Humiyaw ako sa mabilis na pangyayari. "Mommy! Daddy! I can't see,” sigaw ko sa sobrang sakit nang maramdaman ko na ang paghahapdi ng mukha. “ My face!" "S-Sweety! M-My beautiful, Joy! Oh, Godness! " Si Mommy na hindi makanda-buo ang boses. Huli kong namalayan, hindi ko na maibuka ang mga mata ko. Hindi ko na kayang buksan pa ito dahil sa labis na paghahapdi. Sobrang sakit ng mukha ko sa mga panahon na 'yon. Parang na punit ang mukha ko sa sobrang sakit. Nagsisigaw na ako, dahil hindi ko na kaya ang sakit na naidulot ng acido sa pagmumukha ko. Naririnig ko na ang tarantang sigaw ng mga tao, lahat sila nagkagulo. "I'm sorry! I didn't mean it. I didn't do anything! Supposedly it is for..." dinig kong sabi ng Isabella na mukhang nanginginig sa takot. "What have you done! Isabel!" Si Daddy. "What have you done to my daughter!" Sa tanang buhay ko first time kong marinig si Daddy na ganon ka lakas ang boses. He is very angry that time. Tanging pagkagulo ng mga ang naririnig ko at ang iyak ni Mommy habang niyayakap ako. “Oh, god! My poor daughter.” Sa tuwing naalala ko 'yon sa isipan ko, hindi ko maiwasang maiyak. Because of her, my face was ruined. Because of that woman named Isabella, my dream was easily faded. Lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko ay parang gumuho sa isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. Because of her, my life was in hell. Until now, I can't walk confidently. I can't face the people, they are all afraid of me. All of them, pinandidirihan ang itsura ko. Dito na magsisimula ang walang katapusang luhang pighati. My tears is always in sorrowful. It will never be, turn into Joy. Hahanapin ko ang taong gumagawa sa akin nito. Sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang pagsira niya sa buhay ko. That Isabell will suffered my revenge. Lahat ng taong kasabwat sa pagkasira ng mukha ko ay magbabayad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD