CHAPTER 1: Marry

3583 Words
We're beautiful inside and out, but what will happened if the society judge you in your physical appearance. It was exhausted, and you will asked yourself if you are worth it? Would you still want to wake up every morning just to face the reality? Would you wake up in each morning using your smiling positive face even though, you had so much pain. We smile, yes, but our eyes can't lie, what is our real emotions. Lahat tayo may pinagdaanan sa buhay na hindi natin kayang kalimutan dahil nakabaon na ito sa puso't isipan natin. May mga desisyon tayong hindi sang-ayon sa panahon. Pero dahil alam mong lilipas lang 'yan, makakaya mo pa ring labanan ang pait na karanasan. Everyday we battled our souls into the devil, nasa sa'yo na lang kung saan ka papanig at kung saan ka magpapahila. Sa kasamaan ba, o doon ka sa mabuti. That's all I wanted to say after facing the people in front of me, who praised me, chanted in excitement, and show me their support with their jolly face on. Nakangiti lamang ako sa buong event na pinagdadaluhan nina Mommy at Daddy. Lahat sila panay ang sulyap sa akin, nginingitian ako nang palihim. So I waved back and smiled too. They are all friendly, and very enjoyable to be with. May kausap si Mommy na matanda at nasa tabi niya lang ako, pinapagitnaan nila ako ni Daddy. Kanina pa ako nahihilo sa mga taong lumalapit sa lamesa namin para purihin ang buong lugar, pati sina Mommy at Daddy. Lalo na ako, na hindi nila kayang balewalain. Puno ako ng puri, puno ako ng pagmamahal ng bawat tao. And it makes me happy. Kanina pa ako naiihi, pinigilan ko lang ito kasi natatakot ako na baka pagpumunta ako ng cubicle ay mawawala sina Mommy at Daddy sa lamesa. Sa bata kong edad, takot akong maiwang mag-isa. Puwede namang magpasama ako kay Mommy sa comfort room, but she's too busy, talking with their business man friend. Same with dad, he's also busy laughing together with his men. "Mom..." I called silently Napalingon si Mommy sa akin. May malaking ngiti na naka plaster sa kanyang labi nang mabalingan niya ako. Halatang galing pa sa masayang usapan ng babaeng business woman na kaharapan niya ngayon. "Yes, honey? Do you need anything?" I shook my head "We waited here for too long, Mom. But the event haven't started yet. I'm so bored. I want to see her, when we will see my----" Natigil ako sa sasabihin nang sumabat ang kausap ni Mommy. Maganda siya at napaka-sophisticated sa suot niyang pink gown, katulad ng theme sa event na ito. "Your daughter is very beautiful, Regina. Nagmana ang pilik-mata at kilay mo sa kanya, makapal at sakto lang sa hulma ng kanyang mukha. Para siyang barbie doll kung titignan, she's very perfect. I bet, maraming paiiyaking lalaki sa paglaki itong anak mo.” "We're look like twin, right? Maraming nagsabi na parang kapatid ko lang ang anak kong ito," tawa ni Mommy sabay pangigil sa pisngi ko k. “And I guess, you’re right, marami nga siyang papaiyaking lalaki.” Napanguso na lang ako na ika-puri ulit ng ginang at ng ibang kasamahan pa ni Mommy sa lamesa. Pati ang kausap ni Daddy na isa sa mga mayayaman sa bansa ay nakuha ang kanilang atensiyon sa akin. Puno nila ako ng puri at tanging pagngiti ang ginawad ko sa kanila. I'm speechless and overwhelmed. "What is your name, iha?" tanong ng isa pang ginang na nagpapa-agaw ng atensiyon ko dahil sa ganda ng mata niya. Kulay asul, halatang half american yata. Dahil sa maputlang balat rin nito ay masasabi mo talagang may bahid na ibang dugo ang nanalatay sa kanya. "I am Joyce Devon Montevillia," plain kong sagot. "Just call me, Joy." "But I prefer, Devon. It's really good to hear those," sabi pa ng ginang. "But I prefer, Joy, Madam. It sounds happiness and clear to see that I'm pure and innocent. Just call me, Joy please.” I used my puppy eyes. "If that's what you like, then I will call you Joy Devon then.” Natawa siya sabay pisil ng ilong ko. Hindi na lang ako umangal pa dahil may second name ko pa rin ang itinawag niya sa akin. Umalis din siya kalaunan dahil tinawag siya ng asawa niya sa may 'di kalayuang lamesa. Hindi ko na maaninag ang mukha ng husband niya dahil medyo malayo ito. May kumausap pa sa aking mga ginang din na kakaiba kong iyong titingnan dahil sa kanilang mga damit na napaka-elegante. Halatang sa mahal na designer pa talaga iyon binili para lang sa event na ito. "She's still seven years old pero ang galing kong sumagot. When she become a young woman, maraming magkakandarapang lalaki rito sa anak mo, Regina. She's sweet and smart, she’s also have a good humor." anang matanda kay Mommy. Mukhang ilang agwat lang ang edad ng dalawa ng ilang taon. Panay hawak siya sa buhok kong natural ang pagka-kulot. Ilang beses niya ring pinisil ang pisngi ko. Nang makita ni Mommy na hindi na maganda ang aura ko sa mga kakilala niya dahil panay pisil na sila sa pisngi ko at walang katapusang pagpuri sa akin, dahilan para mas lalo akong na bored sa event, nilayo na lang ako ni Mommy sa lamesa at dinala sa mga nakahilerang handaan. Sa haba ng lamesang pinaglalagyan ng mga pagkain, sa isang chocolate fountain lang na agaw ang atensiyon ko. Kahit may sinasabi si Mommy sa akin, ay malabo na iyon sa akin dahil naaliw ako kanonood sa cake na umaagos ang purong chocolate. Madaming dessert akong nakikita. Kumuha ako ng isang ube cupcake at kinain. "Dito ka lang, habang hindi pa lumalabas ang hinihintay natin. Enjoy eating, behave sweety, okay?" "Yes, mom," wala sa sariling sagot ko. "Good. Don't worry binabantayan kita. Makikita mo lang naman ako, kami ng Daddy mo sa paligid. " Pina-upo niya ako sa upuan na katabi lang ng chocolate fountain. Hindi ko 'yon maabot kasi nasa gitna siya ng lamesa, at maliit lang ang kamay ko para abutin iyon. Kaya wala akong ginawa kundi panoorin na lang ang cake na may tumutulong chocolate. Pagka-alis ni mommy sa tabi ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Biglang sumaya ang pakiramdam ko nang makita kong medyo malayo na ako sa mga tao. Ako lang ang mag-isa rito sa kina-uupuan ko ngayon. Mabuti na lang talaga, at ramdam ni Mommy kanina na nagsisimula na akong mainis roon sa mga taong puri nang puri sa akin. There's nothing wrong with compliments pero kasi, nakakasawa nang makarinig nang paulit-ulit, tapos tanging pagngiti ang ginagawa ko for the whole time. Nawala tuloy sa isip ko ang umihi. Kaya nga ayaw kong sumama kina Mommy ‘pag may event kasi alam kong ganito lang din ang mangyayari. Pinatid-patid ko ang paa habang magiliw na kumakain ng cup cake, nang bigla akong makarinig ng click ng camera at ang pag flash nito sa bandang gilid ko. Napatingin ako roon sa isang camera man na kinukuhanan ako ng picture. Isa iyong meztisong lalaki, matangkad at may mapuputing ngipin. Kumuway siya sa akin habang panay click sa kanyang camera, kinukuhanan ako kahit hindi ako naka-ngiti. Nagtatanong ko lang siyang tiningnan. "Ngumiti ka. Ang ganda-ganda mo naman. Anong pangalan mo?” "Po?" Inikot ko ang paningin, hinahanap sina Mommy at Daddy. Nakita ko sila sa dagat ng mga tao, may katawanan sila. "Smile. I'm taking the pictures in this event. ‘Di ba, ikaw iyong---" "Will you please, get out in my way, Mister?" Sabay kaming napatingin n’ung camera man doon sa batang magkasing edad ko lang. Naka pamulsa ito sa likuran ng lalaking kumausap sa akin. Biglang tumibok ang puso ko nang magtitigan kaming dalawa nang humawi ang lalaking kumukuha sa akin ng picture dahilan para mas makita ko ang guwapong batang lalaki. Walang emosyon ang kanyang mga mata, habang naka-direkta ang tingin sa akin. Nakataas ang kilay at mukhang badtrip. Nakanguso rin, at tila nairita nang makita ako. Hindi ko ipagkakailang, bagay sa kanya ang puting polo na suot, mas matangkad rin siya sa akin. Mapula ang labi niya at magulo ang buhok. Sa mura kong edad, hindi ko mapalagay ang puso ko, nang hindi ito tumigil sa pagtibok. What happened in my chest? Why it's beating so fast? "Ikaw pala 'yan, iho. Saan ang mga magulang mo?" Hindi niya pinansin ang camera man na nagtanong sa kanya. Bagkos, nilagpasan niya ito at naglakad papunta sa kina-uupuan ko. Napahigpit ang kapit ko sa cupcake habang pinagmasdan siyang papalapit. For the first time, feeling ko matatanggal na ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung para saan itong pagkaba ng dibdib ko, tanging masasabi ko, ay humanga ako sa batang kaharap ko ngayon dahil sa taglay niyang tindig. At nakakasilaw ang kanyang ka-guwapohan kahit sobrang bata niya pa, nahagip pa nga ng mga mata ko ang mga bata ring nandito na tinitingnan siya, pati matatanda ay naagaw ang atensiyon nito. Tinuro-turo siya at nag-uusap tungkol sa kanya. "Where did you get that?" Para akong sinayaw ng mga langit pagkadinig ko sa boses niya. Hindi ko nga namalayan na nakatunganga na lang ako tapos biglaang nabingi pagkarinig ko sa mahinahon niyang boses. "I said, where did you get that?" ulit niya nang pagalit na sa ngayon. "H-Huh!?" I asked confused. "Nevermind. You're a deaf, aren't you?" "H-Ha?!" "You're beautiful, but your hearing is not enough to heard what I've said. Eat some cotton buds, instead of cupcake," sarcastic niyang saad. I'd even saw his eye balls rolled in annoyance. Naglakad siya sa gilid ko, para makita ang cupcake na kinakain kong natatabunan ng likuran ko, dahilan para hindi niya nakita kanina. Sinundan ko lang siya ng tingin habang kumukuha ng cupcake. It's ridiculous, but, I was jaw dropping in the whole time while seeing him, eating the same cupcakes with me. "Can I take both of you a pictures?Ang cute niyong tingnan habang magkatabi." Bumalik ang mga mata ko sa camera man, na nakalimutan ko nang panandalian dahil sa batang walang emosyong naka-upo sa katabi kong upuan. He treat me, like, I was a ghost beside him. Hindi na rin ako nag-atubling kausapin siya dahil biglang nag-freeze ang utak ko. "Smile," saad ng camera man, habang itinatapat sa mata niya ang camera. Hindi ko alam kung anong gagawin sa panahong iyon, but all I know, I've got too excited because the little boy was beside me. So I smiled sweetly on the camera, more extremely smile than as usual. "Why don't you smile, little boy?” Isang click lang ang ginawa nung camera man at napatigil siya dahil sa batang katabi ko. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya dahil pailing-iling ang kanyang ulo. Na abutan kong nakatingin sa kawalan ang batang lalaki habang kumakain ng cup cake. Walang emosyon ang kanyang mukha. Para lang siyang bored na naka-upo sa tabing upuan. Naging madungis na rin ang ang gilid ng labi niya dahil sa paraan nang pagkain nito. He is really handsome, gosh! "Why would I smile? Did I allow you to take a picture with me?" masungit nitong saad. "Ang suplado mong bata ka, hindi ka ba nahihiya sa katabi mo?" napupuwersiyong sabi ng camera man. "Isang ngiti lang, iho? " "No! And who is she? " Tinuro ako ng bata "Do I need to know her first before I give my respect?" "Jusko! Ewan ko sa'yo. Saan ba ang mga magulang mo? Sina Mr and Mrs.Morgan? Where are they? Bakit gumala-gala ka rito?" "I leave them talking with some old man. I was bored, this event bring me some boredom. I told my mom, that I don't want to come here, but still she bring me here. ” yamot niyang kwento. "O' siya, kuhanin na kita ng picture katabi ng-----" "No! Will you leave us alone, Mr.Miller. I don't need your photography skills. All I want is to eat my cup cake peacefully without you,” pagsusungit niya pa rin. Kahit sa paraan nang pagsasalita niya, ay bigla akong nahumaling. Mukha siyang matured na bata sa paningin ko. And he knows this man in front of us? Mr. Miller? "Oh, boy! You're too rude. " "I know. So, will you back off!" iritadong saad ng katabi ko. "Ikaw ang pumunta rito, bata. Baka puwedeng, ikaw ang umali----" "I want cup cakes, that's why, I was here, but you annoyed me, with your camera. Now, leave, old creature! You're disturbing me." Napa-iling na lamang ang lalaki dahil sa asta ng batang katabi ko. He is rude, I wonder why he is like that, to the young man who's in front of us. Ganyan kaya siya ka bastos sa mga nakakatandang nakakausap niya? "Fine. Sungit mong bata ka. Kahit isang picture lang? Ayaw mo? Maganda pa naman 'yang katabi mo? Siguro na turn-off na 'yan sa ugali mo. Hindi naman ganyan ang ugali ng mga magulang mo, ijo, pero bakit ikaw----" "You're too noisy. Don't you dare compare me to my parents because they raise me well. You! You are the only problem here. You're fighting against kid? That's not good old gay.” Nanalaki ang mata ko. Did he say gay? Bakla and kaharap namin ngayong camera man? Bakit sa porma niya? Lalaking-lalaki talaga. “Old gay ka riyan. Sana mabilaukan ka sa cup cake mo at hindi ka pansinin ng batang katabi mo. Bastos na bata ka,” napipikong saad nito. Natigil sa pagkain ng cup cake ang batang lalaki para tingnan ako sandali. Nang makita niyang nakanganga lang ako sa kanya from the whole time na kinakausap niya ang baklang camera man, tinaasan niya ako ng kilay. "May araw ka rin sa'king bata ka. I will tell this to your parents." Wala na ngang magawa ang baklang inaaway niya, kung ‘di ang umalis na lamang palayo sa amin, mukhang nagtitimpi pa yata sa galit. Halata kasi ang iratadong pagmumukha niya dahil sa mga binabatong salita nitong batang sobrang sungit. Sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin nang mataimtim. Sinusuyod ang kabuuan ko. Hindi ko mawari kung bakit sa mga oras na ‘yon, nagmumukha akong robot. Nakatingin ako sa kawalan, habang binalik-balikan sa utak ko ang mga pinagsasabi niya. He’s still a kid, but he is acting like a boss, the way he spoke earlier, he looks very strict and untamed beast. Para siyang halimaw roon sa pinapanood kong beauty and the beast. That's my favorite fairy tale ever. "What's your name?" Napatuwid ako sa pagkaka-upo sa silya nang magsalita siya sa tabi ko. Madumi pa rin ang labi niya dahil sa pagkain niya ng cup cake, ngunit hindi iyon nakakawala nang pagiging tisoy niya sa murang edad. "M-Me? You're asking my name?" gulat kong bulalas. He simply nodded, then take his eyes off from me. He innocently eat his second cup cake. So he really likes cup cake, huh? "May I know your name?" walang ka buhay-buhay niyang wika. "Uh. I am Jo---Why would I tell you my name? You're rude to the camera man. I hate kids who don’t have a respect to the older one." Nag cross arm ako. Natauhan sa pagiging marupok kanina. Kamuntikan ko ng masabi sa kanya ang pangalan ko. Mabuti na lang natauhan ako sa kabastosan niya. And why he is interested my name? Do we need to know each other? "So you don't like me?" "Wait---what!?" Is he saying that he likes me? That's why he is asking right now If I don't like him? Is that it? "Don't be so shocked. I was being friendly with you. You are?" Mabilis siyang bumaba sa kanyang upuan para lapitan ako. Naglahad siya ng kamay sa harapan ko na ika-tigil ko ng husto. Akala ko tumigil na sa pagtibok ang puso ko sa mga oras na 'yon ngunit nang masilayan ko ang malaking ngisi niya sa labi habang kaharap ako ngayon, ay hindi ko mapigilan ang matulala. Sa bata kong puso, sa edad kong seven years old, hindi familiar sa akin ang makaramdam nang ganoong feeling. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa kaba, tumitibok ang puso ko nang malakas. Tila may nagkarerehan sa puso ko sa mga panahong iyon. Mas lalo siyang guma-guwapo ‘pag ngumingiti. "I-I am... I am Joy..." "Nice meeting you, Joy… Call me, Ram." Hindi ko alam kung anong meron sa batang iyon pero naramdaman kong tumigil ang mundo ko nang mahawakan ko ang maliit niyang kamay. Sobrang lambot, sobrang sarap hawakan. "You're beautifully stunning," Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Hindi na ako makapagsalita, dahil natameme na ako. Ang tagal naming nag shake-hands, para bang nakaramdam kami ng magnet dahil mahigpit namin itong hawak. Nabitawan lang namin ang isa't isa nang may tumawag sa pangalan ko. "Hey, sweety? Sino itong kausap mo?" Sabay kaming napatingin sa papalapit. Si Mommy at Daddy iyon na halatang nagtataka sa batang kaharap ko. "He is a strange---" "Hello, tita Regina and tito Marco. I am Ramcess Morgan. I didn't know, you had a beautiful daughter." Nalaglag ang panga ko dahil sa paraan nang pagka-usap niya kina Mommy at Daddy, na para bang malaking tao na siya, para gano'n niya kausapin ang mga ito. Hindi ko inaasahang, kilala niya ang magulang ko. "Oh, anak pala ito ni Rumulo at Katherina. Saan ang mga magulang mo, iho?" tanong ni Mommy, nagagalak ang kanyang mga mata. "They are around tita." Magalang siyang nagmano kay Mommy at saka kay Dad. Halatang nirerespeto niya ito, hindi katulad doon sa camera man kanina, na binabara niya ng salita. I didn't know, but I was amazed in his transition of mood. I thought he is rude to all of the young people, but here it is. He is smiling widely in front of my parents. And he's smiling at me earlier. He is really attractive in my eyes. I can't help it, but to adore him. "Ang laki mo na iho. Ilang taon ka na?" tanong naman ni Daddy. Halatang tuwang-tuwa kay Ramcess. Hmm, Ramcess Morgan, right? Ang ganda ng pangalan niya. I will never forget his name. "I'm ten years old, tito." Ten years old na siya? And I am seven years old? Hindi na masama ang agwat ng edad namin. "There you are, son!" Natigil sila sa pag-uusap nang dumating ang isang makisig na lalaki. Magkasing edad lang sila ni Daddy. May kasama siyang babae, hindi ako makapiwala nang makita ang kanyang magandang ngiti sa akin. Lalo na nung kumislap ang kanyang mga mata. Siya 'yong babaeng nagandahan ako kanina dahil sa kulay ng mata niya. Don't tell me... "Magkasama pala ang anak ko at ang anak mo, Regina," sabi pa ng ginang, halata ang tuwa sa kanyang mga tingin sa akin. "Yes, they are together and it looks like they we're both in good terms, " halakhak naman 'yon ni Mommy. Bigla akong nailang sa pag-uusap nila. Hindi ako makasingit lalo pa at nilapitan ako ni Ram, para kuhanin ang kamay ko na ika-tigil naming lahat. "Come here," bulong niya. "My hand." Tiningnan ko ang kamay kong hawak niya nang mahigpit. Bigla akong namula sa 'di ko malamang dahilan. "It's okay, Joy. Come, here. " Para akong hinihele ng boses niya, dahil napa-tayo ako sa upuan ko at nagpati-anod sa paghila niya. "Why you're holding her hand, honey?" malumanay na tanong ng ?ommy niya. "Do you need, something, iho?" tanong naman 'yon ni Daddy. Napagakagat labi ako. Hindi ko alam kung anong gagawin niya at sasabihin sa kanila. Pero tanging alam ko, tahip-tahip ang kaba ko ngayon. Bigla akong kinabahan sa sasabihin niya, and at the same time, na-excite rin. "Let go my hand, please," I pleaded using my soft voice, but he didn't listen. He gripped my hand so tight while facing our parents. "Mom, dad, tita and tito. Can I have your permission?" Umangat ang tingin ko sa batang humahawak sa kamay ko ngayon. Bigla akong pinagpawisan, sa bata kong isipan, wala kong kamuwang-muwang sa mga nangyayari. What permission did he mean by that? "Yeah, sure. What is it?" seryosong tanong ni Mommy. Parang naririnig ko ang kakaibang tunog ng paligid kahit pa, may low music naman ng violane. Hindi ko talaga makuha kong bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako makapagsalita kanina pa, simula nang makaharap ko ang batang lalaking ito. "What is it, iho? May problema ba?" tanong ni Daddy. "No, Tito. I just want a permission… Can I marry your daughter?" Halos gumuho ang mundo naming lahat pagka-rinig ko sa kanya n’un. Ilang minutong tumahimik ang matatanda sa aming harapan, mukhang pinoproseso pa ang sinabi ni Ramcess. Kahit ako, mas lalong na tameme, kulang na lang, tahiin ko ang bibig ko dahil hindi na maka-imik sa sobrang gulat. Is he serious? Hinihingi niya ang kamay ko sa mga magulang ko? "What are you saying?" binawi ko ang kamay ko nang pagalit. Tumingin siya sa akin at kinuha ulit ang kamay ko para hawakan pa nang mas mahigpit. "I like your daughter, tita Regina and tito Marco. I will marry her when she turn eighteen. Can I?." Muling nalaglag ang panga ko. Hindi makapaniwala sa seryso niyang saad. Is he crazy? Ang bata pa namin para magpa-kasal? He is ten years old and I was seven years old? Is that possible that he thinks this way? I can't believe this. I wasn’t ready to take marriage proposal. This is ridiculous!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD