Chapter 7: Numb

2611 Words
Agad namawis ang noo ko habang hinahakbang ang paa nang mabilis. Hindi ko mapigilang humingal habang inaakyat ang hagdanan. Sira kasi ang elevator kaya naghahagdan lang ako. Papunta ako ngayon sa Business Management para simulan na ang paglilinis ng classroom. Ito kasi ang tasked na binigay ni Ram sa akin, ang linisin muna ang classroom ng taga business management bago ako pupunta sa faculty room para doon na naman ako madestino sa paglilinis. Unang araw pa lang pero pakiramdam ko. Hindi ko na magampanan ang pinapapagawa niya. Para sa akin, ang hirap nito subalit hindi naman kami pinapalinis ni Lauren sa bahay dahil may katulong kami at tatlo sila. Isa pa, our parents won't let us clean our house. Sinabihan ko na ang kapatid kong si Lauren na hindi muna kami magkasabay sa pag-uwi araw-araw dahil sa punishments na pinapagawa ni Ramcess sa akin. Mukhang magta-taxi na lang muna ako. Dahil magagabihan ako simula ngayon. Naintindihan naman niya iyon at siya na ang bahalang magpaliwang kina Mommy tungkol sa punishments namin. Hindi ko rin naman alam kung ano ang ipagawang punishments ni Ramcess sa kanya dahil hindi naman nito sinabi sa Faculty. Nang makarating sa first floor ng Business Management. May mga ilang pang studyante naroroon. Ngunit wala ng teacher. Nakita ko si Ramcess na palabas ng classroom nila. Makakasagupa niya ako. Itong puso ko, biglang tumibok sa kaba. Agad na tumalbog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. I started panicking. I didn't know na Business Management pala ang course niya kaya pala dito ako na destino sa paglilinis dahil nandito rin siya. Buong tapang akong tumayo sa hallway habang papalapit ang kanyang pigura sa akin. Tumikhim ako saka napatayo na lamang sa labas ng classroom nila. Magkatinginan kaming dalaw. Habang palapit siya sa akin. Hindi ko naman maigalaw ang mga paa ko. Bigla akong natuod, I don't know what to do. Hindi ko alam kung paano ko siya, e-approach. May apat siyang kasama sa kanyang likuran. May isang babaeng nahalo sa kanila na nakahawak pa sa kanyang buhok upang ayusin. Nasa tabi siya ni Ramcess. "Uhm... M-Maglilinis na pala ako," saad ko nang huminto sila bigla sa harapan ko. Kaharap ko ngayon si Ramcess. May madilim siyang mga mata na ang hirap tingnan. "You're too early. Do your tasked now. Clean only our classroom, after that, you can proceed to the faculty room to clean there too," walang kabuhay-buhay nitong saad sa akin. Hindi ko alam pero para akong hinigop ng mata niya kung makatitig siya sa akin. He is closed to me, pero ang mga kasama niya nagbubulungan sa likuran habang may mapanuri sa mga tingin nila sa akin. They seems laughing because of my face. Sa daming studyanteng nakasagupa ko sa iba't-ibang school. Si Ramcess lang ang may lakas loob na tingnan ang mukha ko ng matagal. "O-okay po, gagawin ko na ang paglilinis." Yumuko ako dahil hindi ko na matagalan ang titig niya sa akin. Mas lalo lang lumakas ang pagtibok ng puso ko. Why I felt this racing heart-beat? Kailan pa ako kinakabahan dahil lang sa titig ng isang lalaki? "Teka... Ikaw pala ang encharge sa paglilinis dito, Miss? Ikaw na ba ang bagong janitor ngayon?" tanong ng lalaking kasama niya na nasa likuran niya nakasunod. "Gagi! Katakot naman maglakad nang ganitong oras kung nandito ka tapos ganyan pa ang itsura mo!" saad ulit ng isa pa. Nagtawanan ang lahat ng kasama ni Ramcess, except sa kanya na tahimik lang. But I heard him, cleard his throat. "Ano'ng nangyari sa mukha mo, Miss? Para kang na sampal ng sampung kamay ng demonyo," the other guy said. Muling tumawa nang malakas ang mga kasama ni Ram dahil sa biro nito sa akin. Gusto kong manliit dahil alam ko nang ito nga ang aabutin kong panlalait dahil sa sunog kong itsura. Napayuko na lang ako lalo. Kamuntikan pang tumulo ang luha ko, biglang nahiya dahil nilalait ako sa pagkat nandito pa iyong lalaking nagbigay sa akin ng punishments. Kung hindi lang nagsalita si Ramcess sa harapan ko. Baka nanghina na ako ngayon sa hiya. "There's no fun about her face. Ano'ng nakakatawa?" biglang pang-iinsulto niya sa mga kasama. Agad namang tumahimik ang nasa kanyang likuran. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Huwag niyong pagtawanan ang itsura niya. Paano kung ganyan din ang mukha niyo? Are you happy with that na tinatawanan kayo?" "Pasensiya na po, Mr.Morgan." "Don't say sorry to me... Say sorry to her," seryosong saad nito na ikagulat ko. "Pasensiya na po, Miss," paghinging paumanhin nilang apat. Hindi ako makapagsalita. Nakayuko pa rin ako pero halata sa akin ang panginginig, hindi dahil sa takot kundi sa saya. "From now on. She's our class cleaners and faculty room cleaners for the whole two months. That's her punishments for fighting the students inside the campus. Kung ayaw niyong magaya sa kanya. You'd better shut your damn mouth and stop bullying her." Agad na tumaas ang ulo ko para tingnan si Ramcess sa harapan ko na sa akin ang mga mata for the whole time na pinapagalitan niya ang mga kasama. Habang sinasabi niya iyon. His eyes fix only me..Hindi ako makapaniwala na nasasabi niya iyon sa mga kasama niya. Hindi ko maibuka ang bibig dahil sa daming studyanteng nakilala ko walang ni-isang nagtanggol sa akin. Kahit pa iyong mga tinuturing kong kaibigan noon. Walang nagtangkang nagtanggol sa akin nang ganito. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o matatakot sa kanya. I thought he is heartless, akala ko puro lang siya yabang sa skwelahan na ito dahil isa siyang officers ng campus pero hindi ko akalain na... "Do you get me? Don't you ever touch her. I don't want to hear some hurting words about her. She's a student, you need to respect her too," pagpatuloy niya saka ito naglakad para lagpasan ako. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa mga oras na iyon. Kundi ang laki nang pasasalamat ko dahil sa kanya. Hindi magiging pabigat ang pag-aaral ko. Nagkaroon ako ng dahilan para pumasok nang hindi mapapagod araw-araw sa pagpasok dahil sa mga bullies na nakapaligid sa akin. Ang huli kong narinig ang pagsang-ayon ng mga kasama niya sa kanya. Sinundan ko sila sa pagkalakad nila palayo. Ang tanging nasabi ko sa mga oras na iyon kundi ang malaki ang pasasalamat ko sa kanya pero hindi ko mabanggit agad. Natameme na ako. I will never forget his good attitude. How come he save me? How come he give me respect despite of my face? I was so happy that time. Bigla kong naisip kung nakilala niya ba ako? Ako iyong batang babae na niyaya niya nun magpakasal. Hindi kaya kilala niya nga talaga ako noong una pa lang? Pero hindi niya lang masabi? Kaya naman sobrang saya ko dahil hindi ako nag-iisa. Nandiyan si Ramcess palagi para ipagtanggol ako sa lahat nang nang-aapi sa akin. NAGISING ako sa lakas ng doorbell ng bahay namin ni Ramcess. Kinuskos ko ang mata para tingnan ang oras na nasa dingding. It's already, 12PM in the afternoon. Mukhang dumating na ang hinihintay kong tao. Napangiti ako bigla habang napanaginipan ang nangyari sa akin noong unang pagkakilala ko kay Ramcess. I can't believe he, saved me from the past. Siya ang naglagay ng kulay sa mundo ko nun. I was being inspired everyday to go to school just so I could see him. After all, he was good at me noong panahong nag-aaral pa ako sa Academy na pagmamay-ari ng kanyang magulang. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya ako ipinagtanggol sa mga nambully sa akin sa school na iyon. He's a class president and an officers in there. Araw-araw masaya ang araw ko kapag nakikita ko siya sa school. Dahil sa kanya walang bullies ang lumalapit sa akin dahil agad siyang tumalima para turuan ito ng leksyon. He is my Knight in shining armor back then. Iyong mga ala-ala na lang yatang iyon ang nagbibigay ng lakas sa akin para patuloy na pakisamahan si Ramcess bilang kanyang asawa sa tahimik na bahay na ito. Ngayon... Wala ng Ramcess Morgan ang nagtatanggol sa akin dahil siya na mismo ang bumabawi ng lahat ng sakit na mga binabatong salita ng mga studyante sa akin. Siya na mismo ang nagdala sa akin ng pasakit, lahat sa nang pagtanggol niya sa akin. Ay siya ring gumagawa ngayon. He talk some hurting words at me, and he hurt me not just emotionally but also physically. "Ang sabi ko, dito ka mag-breakfast bakit tanghali ka nang dumating?" tanong ko sa nakangising babae pagkabukas ko ng gate. "I was really busy. Napagod ako sa office kanina kaya natulog ako ulit pagkatapos mong tumawag. Mabuti na lang talaga day off ko ngayon. Stress na iyong bangs ko sa boss ko. Sobrang sungit!" Natawa na lang ako sa reklamo niya. Agad ko siyang pinapasok sa loob para mas lalo ko siyang makakausap. Sa tuwing day off niya palagi ko siyang pinapunta rito dahil nakakapagod mag-isip nang kung ano-ano buong araw kapag ako lang ang mag-isa sa bahay. "Kahit nga rito sa bahay masungit na talaga iyang si Ramcess. Paano na lang kaya sa trabaho," pag-iling ko. Pagkapasok sa bahay agad siyang umupo sa sofa na may naka-play na telenovela. Agad kong pinahinaan ang volume para marinig ko pa ang pag-uusapan namin. "Nga pala. Speaking of your husband? Sinasaktan ka ba niya? Mukhang pinandidirihan ka niya talaga. Akala ko pa naman, siya na iyong tagapangtanggol mo. Iyon pala, siya pala itong unang nandiri sa'yo." "Ganoon talaga e, napilitan lang kasi siya sa kasalan namin." Nagbuntong hininga ako. "Kahit na, he should respect you. Babae ka pa rin, binababa mo na nga ang sarili sa kanya. Hay naku! Palagi na lang mainit ang ulo nun kapag nagtatrabaho. Minsan nakakatakot ng mag-report sa office niya." Isa siya sa mga trabahante ni Ramcess. At siya ang nagre-report sa akin kung ano ang mga kasalukuyang pinagkakaabahalah ni Ram sa office niya. So far, hindi naman ako nakarinig ng panget sa kanyang negosyo. Smooth pa rin naman ang kita pero iyon nga masiyado raw'ng masungit sa kanila. Minsan raw natatagalan ang mga babaeng ka-meeting niya sa office niya tapos kapag lalabas na ng office nito, halata raw ang saya. Para daw may nagawang kababalaghan. Takot naman akong sundan si Ramcess hanggang roon para makita kung ano ba talaga ang ginagawa niya sa office niya. "Mabuti na lang nandito ka. Gusto ko lang maypagsasabihan." "Hmm..." Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi bago ko sinalaysay sa kanya ang nangyari kagabi kung saan naabutan ko si Ramcess sa club na may kandong na babae. At pagka-uwi namin muntik nang may mangyari sa amin. "Oh my! Really? Sinaktan ka niya at muntik nang may mangyari sa inyo? Kaya pala may pasa ka sa labi." Tinuro niya ang labi kong namamaga at may sugat dahil sa pagsampal ni Ramcess sa akin kagabi. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para tanggapin niya ako at maturuan ang puso niya para mahalin ako." Biglang lumungkot ang boses ko. "Hay naku,Joy! Huwag ka ng umaasa na may pag-asa ka sa kanya. Kung ako sa'yo makipag-divorce ka na. Ewan ko ba sa'yo, binalaan na kita noon na huwag ka magpatali kay Ramcess. Dahil magiging masilamuot ang mangyayari sa buhay mo. He doesn't love you. Pero dahil sa paghihiganti mo nagawa mo siyang pikotin siya nang sa ganoon magpakasal kayo. This is wrong. Noong una pa lang, mali ka na sa desisyon mo. You are trap." Napayuko na lang ako. Dahil hindi ko naman maibalik lahat. Ano ang gagawin ko kung ito lamang ang huling hugot ko sa sarili para gawin ang paghihiganti? Ayaw ko lang mapunta si Ramcess sa babaeng tinuturing kong... "Basta kapag sinasaktan ka na niya physically. Hindi na talaga maganda iyan. Nandito lang ako sa'yo palagi. Kung ayaw mo na kay Ramcess marami akong kilalang lalaki na may responsibilidad. Hindi katulad sa asawa mo ngayon. Bibigyan talaga kita. Sabihan mo lang ako, para may ipakilala ako sa'yo." "Naguguluhan ako, Kianna kung ano ang uunahin ko. Ang paghihiganti ba o ang naramdaman ko kay Ramcess," saad ko. Binabalewala ang pagreto niya sa akin. Naisip ko rin kasi kung sino naman ang pupulot sa itsura kong ito. Napatakip siya sa kanyang bibig. "Ako ang naawa sa'yo. Dahil alam kong totoo mong minahal ang asawa mo, pero paano iyan kung hindi ka naman niya pinagtuonan ng pansin. Sa iba naman nakabaling ang mga mata niya. Nakakaya niya ngang mambabae sa harapan mo. Paano na lang ang mga sumusunod na araw na kasama mo siya? Do you think magsisi siya?" Napa-iling ako ng ulo. Gusto ko na naman umiyak. Pero wala ng luhang lumabas sa mga mata ko. "I'll try my best para magtagumpay sa mga plano ko. Iiwan ko rin naman si Ramcess, pero hindi pa ngayon. Masiyado pang maaga para gawin iyon. I want him to see my worth," pinal kong saad. Kumuyom ang kamao ko. "Kung ako sa'yo magpaganda ka. Magparetoke ka, I'm willing to help you. May kilala akong magaling magretoke ng mukha. And also, huwag mong pabayaan ang sarili. Mas lalo kang tumaba. Kaya rin hindi ka pagtuonan ng pansin ni Ramcess dahil napabayaan mo na ang sarili mo." Malalim akong huminga. Kung sana madali lang magparetoke. Pero hindi naman iyon ang sulusyon para sa problem ko. Ang kailangan ko ngayon, ang mawasak si Ramcess. Gusto kong siraan ang pagkatao niya. I want to take my first step, before I proceed to my next step. "Nagsimula pa naman ako sa paghihiganti ko. Sa ngayon, tanggapin ko muna ang pagdudusa kong ito before I proceed." "Ewan ko sa'yo kung ano ang binabalak mo. Basta nandito lang ako. Hindi kita iiwan kahit ano'ng mangyari. I will always support your plan. Kung gusto mong durugin nang pinong-pino si Ramcess. Try my suggestion. Magpaayos ka muna ng mukha. Love yourself first before anyone else." Umalis na rin si Kianna pagkatapos naming sabay na mag-lunch kaya tahimik na ulit sa bahay. Pinag-iisipan ko naman ang sinasabi niya. Sa bagay tama siya, kapag maganda ka magagawa mo ang lahat ng bagay. Dadating rin ako diyan, pero sa ngayon. I need to make Ramcess beg his knees in front of me. Gusto kong magsisi siya sa lahat ng sakit na dinulot niya sa akin nun. Si Kianna Agoncillio is my best friend. Siya iyong nanatili sa akin at tinuturing kong kaibigan noon. Silang tatlo ni Lauren ang palagi kong nakakasama noon. Para lagpasan ang mga pagsubok ko sa paaralang pinapasukan ko na pagmamay-ari ng pamilya ni Ramcess. Nang mag-gabi. Nagluto pa rin ako ng hapunan kahit na alam kong hindi pa rin kumakain si Ramcess sa mga luto ko sa bahay. Kahit konti, he never taste a little of my food that I cooked for him. And that's okay with me. Alam ko namang hindi niya tanggap ang papel ko bilang asawa niya. He was being force by me after all. Habang nagluluto ako ng sinigang na baboy. May biglang kumalabog sa pinto hudyat na may papasok. Agad lumukob ang kaba ko. Dahil paglabas ko ng kusina nakita ko si Ramcess na may kahalikang babae. They were kissing wild, at nakabalikos ang paa ng babae sa bewang ni Ramcess. Nakaibaba ang strap ng bra nito. Uhaw na uhaw ang dalawa sa kanilang pinagsaluhang halikan. Hanggang sa hindi nila namalayan na nandito ako sa harapan nila nakatunganga. Patuloy pa rin sila sa pinagsaluhang halikan. Nakita ko pa ang dila ni Ramcess na pinasok mismo sa bibig ng babae. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Nabitawan ko ang sandok kong hawak at napanganga sa nakitang imahe ng dalawa na halos wala ng saplot na pang-itaas. I couldn't move my feet, it was numb.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD