Chapter 10

1158 Words
NAGTATAKA man ay nanatiling tikom ang bibig ni Pearl. Kasalukuyan silang papasok sa isang napakalaking bahay. Sa tingin niya ay isang mansyon. Kanina nang maiwan sila ng mommy ni Hycent ay halos hindi siya makahinga dahil sa pag-aakala na baka sabunutan o pagsasampalin siya nito. Masyado siyang nag-overthink. Na nakalimutan niya na nandoon ang anak kaya imposible ang kanyang iniisip. Tahimik lang ang Ginang na inayos ang mga gamit ng kanyang anak. Pagkatapos maayos ay sakto namang pasok ni Hycent. Hindi na rin sila nagtagal at bumiyahe na sila. "Mommy, here house," nabalik sa ulirat si Pearl nang marinig ang boses at maramdaman ang paghila nito sa kanyang braso. Nasa backseat kasi silang mag-inang nakaupo. "Oh, we are here? Is this your house?" tanong niya sa anak habang nakadungaw ito sa bintana. Umiiling ang anak niya. "House, me, daddy, mamita and mommy," nakangiting tugon ng anak. Hindi maitatago ang sayang nararamdaman nito. Naagaw ang kanilang atensyon ng huminto na ang kanilang sinasakyan. Nagtatalon pa ang kanyang anak na talagang tuwang-tuwa at tila namiss nito ang lugar na 'yun. "Yehey!" Ang masiglang sambit ng anak. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng maunahan siya ni Hycent. Muling nakasalubong ang kanilang mga mata at muli na naman niya naramdaman ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. "Daddy, go!" Ang boses ng kanilang anak ang umagaw sa kanilang atensyon. Kapwang dumako ang kanilang tingin sa kanilang anak na pilit na sumisiksik sa pagitan nila upang makadaan palabas. "Miss my toys!" Napailing na lang si Pearl at hindi napigilan sumilay ang kanyang ngiti na ikinatigil ni Hycent. At hindi nakaligtas sa kanya ang bagay na 'yun. Bago pa tuluyang tumalon ang kanyang puso ay nag-excuse siya sa asawa upang sundan ang anak na nakalayo na pala sa kanila. Napahawak siya sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. Bakit ba lagi na lang tila nakikipag karera ang puso niya sa tuwing malapit ang asawa. Hindi ba dapat ay sanay na siya. Napabuntung-hininga na lamang siya na sinundan ang anak na nakapasok na sa malaking mansyon na 'yun. "Anak, careful, wait for mommy," sigaw niya ng makitang paakyat sa pabilog na hagdan ang anak. Natatakot kasi siya na baka madulas o mahulog ang anak. "Hurry, mommy!" Natatawa na lang siyang tumakbo at hinabol ang anak. Lingid sa kanyang kaalaman na may dalawang pares ng mga mata ang nakasunod sa kanila. Dalawang pares ng mga mata na may kanya-kanyang emosyong itinatago. Masayang inalalayan ni Pearl ang anak paakyat. Napapasunod lang siya rito na ito ang nangunguna dahil hindi naman niya alam o kabisado ang lugar. Napangiti siya ng bumungad sa kanila ang isang silid na halatang batang lalaki ang nagmamay-ari. Hinila siya papasok ng anak sa loob. Ang wallpaper ng silid ay spiderman. May mga sapot pa na design, mukhang spoiled ang kanilang anak. "Pider, love arold," sabi ng anak niya kapagkuwan ay nilapitan ang isang malaking stuffed toys na spiderman na nasa kama nito. Muli siyang napangiti sa kung paano niyakap ng anak ang stuffed toys at kinausap ito. Malaya niyang pinanood ang anak na nagsimulang maglaro. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito. "Harold, be careful." Mabilis niyang nilapitan ang anak ng muntik na itong masubsob. "Are you okay? Magpahinga ka muna kaya, kakalabas mo lang, anak." Ngumiti ang anak sa kanya at tumango at binuka ang dalawang braso na parang nagpapayakap. "Carry arold," sambit ng anak niya. Bubuhatin na sana niya ito nang bumukas ang pintuan. Sabay pa sila ng anak na napatingin roon. "Daddy!" Mabilis na tumakbo ang anak patungo kay Hycent at dito nagpabuhat. Dahan-dahan na tumayo si Pearl at pinagmasdan ang mag-ama na nagkulitan. Hindi niya maiwasang muling mapangiti. Sa ilang araw niyang kasama ang asawa ay ngayon niya lang ito nakitang ngumiti. "Wait for your mamita here, ok. Daddy and mommy needs to talk." Rinig ni Pearl na sabi ni Hycent. "No leave, Arold." Nagsimulang magwala ang kanilang anak kaya napalapit siya sa mga ito. "Harold. Stop it," saway ni Hycent sa anak. "Give him to me," sabi ni Pearl sa asawa. Agad naman sumama ang anak sa kanya na kinuha naman niya at pinatahan. Ilang segundo lang ay tumahan naman ang anak niya. "Don't leave arold," puno nang pagsusumamo ng kanyang anak kaya naman sobra siyang nahabag rito. Mahigpit niyang niyakap ito. "Mommy, will never leave Harold anymore, ok. Stop crying." Naglakad siya patungo sa kama ng anak at maingat na inilapag ito pagkatapos ay tinabihan niya. She started humming while brushing her son's hair. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang naiwang sugat sa murang edad ng anak. Pero isa lang ang ipinapangako niya. Hindi niya hahayaan na tuluyang mawala ang anak sa kanya. NAALIMPUNGATAN si Pearl ng may tumatapik sa kanyang pisngi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad ang napakagwapong ngunit nakakatakot na mukha ni Hycent. "Get up, we need to talk," sabi nito at tinalikuran na siya. Nalipat ang tingin niya sa kanyang tabi. Mahimbing na natutulog ang anak. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Maingat niyang kinuha ang braso na ginawa nitong unan at hinalikan sa noo ang anak bago tuluyang bumangon. Nagtungo muna siya sa banyo na nasa loob ng silid ng anak at inayos ang sarili. Nakakahiya naman kung haharap siyang bagong gising sa asawa at baka maging sa mommy nito. Tumingin siya sa salamin at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. Pero tila hindi maalis-alis ang kabang nararamdaman. Ito na ba ang hinihintay niya. Ngayon na ba siya masasampal at makakarinig ng masasakit na salita mula sa mommy ni Hycent. Muli siyang humugot ng isang malalim na hininga bago nagdesisyon lumabas at baka mainip na si Hycent. Bago tuluyang lumabas ng pintuan si Pearl ay muling sinulyapan ang anak. Pagkalabas ni Pearl ng pintuan ay muntik pa siyang mapatili ng bumulaga sa kanya si Hycent. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Nakaharap kasi ito sa may pintuan at nakapamulsa. "What took you so long?" malamig na tanong nito. Inalis niya muna ang tila bara sa lalamunan bago sumagot, "Nagbanyo lang ako. Saan ba tayo mag-uusap at tungkol saan?" "Follow me." Nasundan na lang ni Pearl si Hycent nang talikuran siya nito at nagsimulang maglakad. Kailangan niyang bilisan ang paghakbang dahil ang lalaki ng hakbang ng asawa. Pumasok ito sa isang silid na nasa dulo na sa tingin niya ay ang library. Pagpasok niya ay patalikod na nakatayo ang asawa paharap sa bintana, nanatiling nakapamulsa. Kahit nakatalikod ay hindi maitatago ang malakas na awra nito. Ang ganda din nang pagkakatindig nito. Likod pa lang ay tila marami ng babae ang mababaliw rito. Halos mahigit niya ang kanyang hininga nang bigla itong lumingon. At sa pagtatama ng kanilang mga mata ay malinaw na malinaw ang emosyong nakita niya……..sakit. "I'll let you stay with Harold but in one condition…" Si Pearl na ang kusang nag-iwas ng tingin ng 'di na niya makayanan ang matiim nitong pagkakatingin sa kanya. "What is it?" "Be our maid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD