Chapter 11

1181 Words

TATLONG ARAW na ang lumipas mula nang alukin si Pearl ng sariling asawa na maging katulong ng mga ito. Oo, nagulat siya. Sino ba naman hindi? Asawa siya nito pero gusto niyang maging katulong. Parte pa rin ba ito ng paghihiganti ng asawa sa kanya. Bakit parang ang bigat? Oo, masakit ang ginawa niya pero handa naman siya bumawi. At kung ang pagsilbihan ang mga ito ang magpapatunay na handa siyang itama ang kanyang pagkakamali sa nakaraan ay handa siyang gawin para mabuo muli ang kanilang pamilya. "Is breakfast ready?" Nabalik si Pearl sa sarili nang marinig ang baritonong boses ng asawa. Napalingon tuloy siya rito. Hindi niya talaga maikakaila ang gandang lalaking taglay ng asawa kahit bagong gising at magulo ang buhok ay mas lalong nagbibigay ng dating rito. "Ready na ba ang breakfast?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD