Chapter 9

1404 Words
HUMINTO SILA sa isang pintuan na may nakasulat na Vip room. Magkasalikop pa rin ang kanilang mga kamay ng asawa. "Focus to him. Don't mind mom," rinig niyang sabi nito at binitiwan na ang kanyang kamay saka nito pinihit ang door knob. "Pearl, umayos ka." Bigla siya nabalik sa sarili sa sinabi ng asawa. Nakabukas na pala ang pinto at nakaramdam siya ng hiya nang mapansin na may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin na sa dako nila. Kaya naman mabilis siyang humakbang papasok at nilagpasan pa ang asawa. Pagpasok niya sa loob ay napansin niya agad ang isang ginang na nakaupo malapit sa hinihigaan ng anak niya. Mababakas pa rin ang kagandahan sa ginang na sa tantya niya ay nasa mahigit kwarenta na ang edad. Nalipat ang tingin niya sa may kaliwang bahagi kung nasaan may isang lalaking nakaupo sa may mahabang sofa na naroroon. Nagsalubong ang kanilang tingin at hindi nakaligtas sa kanya ang galit na rumehistro sa mga mata nito kaya mabilis niyang binawi ang tingin mula rito. "Kanina ka pa bro?" rinig niyang tanong ni Hycent sa lalaki. "Not really." Tumingin ang lalaki sa gawi ni Pearl at bumalik kay Hycent. "I'll wait. Sa labas muna ako." Pagkasabi no'n ay humakbang na palabas ang lalaki. Naiwan si Pearl, Hycent , ang ginang at ang anak na mahimbing pang natutulog. Nanatili siyang nakatayo sa may paanan ng kama. Hindi alam kung ano ba ang dapat gawin. Hindi niya rin alam kung paano ba babatiin ang ginang na nasa kanyang harapan. "Mom," narinig niyang sabi ng asawa at nakitang humalik sa Ginang. Naiilang siya sa kung paano siya tignan ng ginang kaya napaiwas siya ng tingin. "How's Harold?" muling tanong ng asawa niya. Nalipat ang tingin niya sa batang lalaking nakahiga sa kama. "The doctor said his fine. Pero kung hindi maagapan ang depression na nararamdaman niya ay baka lumala. And you know what I mean, iho," sagot ng mommy ni Hycent. Narinig ni Pearl ang pagpapakawala ng malalim na hininga ng asawa. "Narito na rin naman si Pearl. Kaya mas makakabuti na hayaan mo magkasama ang mag-ina. I can't take to lose my grandson. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, Pearl will stay with him." Nabalik ang tingin ni Pearl sa Ginang na kasalukuyang nakatingin din pala sa kanya kaya nagsalubong ang kanilang mga tingin. Napalunok siya ng ilang ulit. "Mo-mommy." Naagaw ang atensyon ng tatlo at sabay-sabay na napadako ang kanilang mga mata sa maliit na boses na nagsalita. "Mo-mommy!" ulit na sambit ng bata na ngayon ay nakaupo na at nakangiting nakatingin sa kanya. Ibinuka nito ang dalawang kamay na tila nag-aanyaya ng isang yakap. Nakita niyang tumayo ang ginang at lumayo ito pati na rin si Hycent na tila binigyan siya ng daan upang makalapit sa kanilang anak. Pilit niyang kinakapa sa dibdib ang dapat na maramdaman para sa batang ang sarap ng pagkakangiti. Tila siya natulos sa kinatatayuan at napatulala sa bata. Nabalik lang siya sa sarili ng mapalitan ng hikbi ang kanina nakangiting mga labi ng bata. "Mommy!" Ang malakas na pag-iyak nito. "Pearl! What are you doing?" bulong ni Hycent na nakalapit na pala sa kanya at hinawakan siya sa braso. Bahagya siyang hinila palapit sa kanilang anak. "Wala ka ba nararamdaman para sa anak mo! For Peter's sake, Pearl! Anak mo 'yan!" Dahil sa sinabi ng asawa ay tila nabalik sa sarili si Pearl at mabilis na nilapitan ang anak at niyakap. "Mommy is here, stop crying baby," alo niya sa anak na mahigpit siyang niyakap. Nakaramdam siya ng tila may humaplos sa kanyang puso sa maliliit nitong braso na pilit na iniyayakap sa kanya. "Mo-mommy," tanging sambit ng anak at nagpatuloy ang pag-iyak sa kanyang dibdib habang masuyong hinahaplos ang likuran nito. Nakatingin lamang sina Hycent at ang mommy nito sa mag-ina. "Huwag ka nang umiyak. Baka makasama sa' yo. Mommy won't leave, baby," patuloy na pag-alo ni Pearl sa anak. "Plamis, don't leave Arold. Good boy, Arold. Love mommy." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Pearl sa sinambit ng anak. Halatang nag-uumpisa pa lang itong matutong magsalita. "Promise," sagot niya kapagkuwan ay inihiwalay ang anak at sinapo ang maliit na mukha nito. Pinunasan niya ang mga luha ng anak at masuyong hinalikan sa pisngi. Malusog ang kanyang anak na ang sarap panggigilalan kaya hindi niya napigilan ang sarili. Pakiramdam niya kasi ay ang gaan-gaan ng loob niya rito. Kungsabagay, anak niya pala ito kaya hindi na nakapagtataka. Baka nabigla lang siya kanina kaya hindi niya agad naramdaman ang lukso ng dugo. "Arold lab mommy." Napangiti siya sa muling sinambit ng anak at muli ay pinaliguan ng halik ito. "Mommy loves Harold, too," malambing niyang sagot at muling niyakap ang anak. Ilang sandali silang nanatiling magkayakap na mukhang na miss nga siya ng anak dahil hindi man lang nagreklamo. Napilitan lang sila maghiwalay ng dumating ang doctor upang muling suriin ang kalagayan ng anak. Tumayo siya para mabigyan ng pwesto ang doctor na titingin sa anak. Ngunit hindi rin siya tuluyan nakalayo dahil hinawakan ng anak ang kanyang kamay. Nakangiti siyang pinagmasdan ang anak habang sinusuri ito ng doctor. Matapos ang halos sampung minuto ay natapos ang pagsusuri sa kanyang anak. Muli siyang bumalik sa tabi nito na agad naman yumakap sa kanya at tila naglalambing, napatawa tuloy siya. Ni hindi niya alintana ang tatlong pares ng mga mata na nakatingin sa kanila. "Biglang lumakas si Harold. Mukhang iba talaga ang epekto ng presensya ng mommy niya," rinig ni Pearl na sabi ng doctor. "Pwede n'yo na siya ilabas. May mga nireseta lang ako na vitamins. At hanggang maaari ay sana manatili sa tabi niya ang mommy niya para hindi na maulit ang nangyari. Masyado pa siyang bata para maranasan ang depression," dugtong pa nito. Sa kanyang hinuhan ay kilala din ng mga ito ang doctor sa paraan ng pakikipag-usap nito at sa pagtawag sa anak. "Salamat, bro. Don't worry, ako na bahala sa bagay na 'yun," sagot ng asawa niya. "Pwede ba kita makausap muna tungkol sa ibang bagay tutal nandito ka na din naman," sabi pa ng doctor. "Sure, mauna ka na, susunod ako," sagot muli ng kanyang asawa. Narinig niya ang mga yabag na patungo sa pintuan hanggang sa narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan. "Mom, kayo na muna po bahala rito. May importante lang po kami pag-uusapan ni Peter, babalik din po ako agad. Aayusin ko na rin ang bill para makauwi na po tayo." Lumapit si Hycent sa kanila na ikinapigil hininga ni Pearl dahil sa lapit ng asawa sa kanila. Dumukwa kasi ito upang masilayan ang anak nila na nakasandal sa kanyang dibdib at nakayakap ang mga braso sa kanyang baywang. "Baby, you don't miss daddy?" Umangat naman ang ulo ng anak at nakangiting humarap sa daddy nito. "Thank you daddy," masiglang sambit ng anak at ibinuka ang dalawang braso upang humingi ng yakap sa daddy nito. Mabilis naman niyakap ni Hycent ang anak. Dahilan para magka salubong ang kanilang mga tingin na mabilis rin inilihis ni Pearl ang tingin dahil iba talaga ang hatid ng mga titig ng asawa sa kanya. Tumatagos hanggang sa kailaliman ng kanyang pagkatao. "Arold lab lab daddy." Hindi maiwasan ni Pearl ang mapangiti sa tinuran ng anak. Hindi maikakaila ang sayang lumukob sa kanyang puso. Sisiguraduhin niyang mabubuo silang muling pamilya. Nabalik ang tingin niya sa anak ng maramdaman muli ang maliit nitong mga kamay na yumakap sa kanya. "Labas lang ako sandali, bihisan mo na si Harold," sabi ni Hycent sa kanya na ikinatango niya. "Bye-bye daddy." Muling bumalik ang kaba sa dibdib niyang nang maiwan sila ng ginang. Hindi pa kasi alam ni Pearl kung paano pakikitunguhan ito lalo na at wala siyang maalala na kahit ano. "Heto ang damit niya, change his clothes." Napatingin siya sa ginang na walang bakas na kahit anong ekspresyon ang mukha. Mukhang dito nagmana si Hycent. Napalunok siya bago inabot ang inilahad nitong damit. "Sa-salamat po," tugon niya at hindi niya rin alam kung paano tawagin ang ginang. Alam niyang imposibleng wala itong alam sa nangyari o sa ginawa niya. "Call me mommy, just how you called me before. Asikasuhin mo na ang apo ko at aayusin ko lang ang mga gamit." Pagkasabi no'n ay tinalikuran na siya nito. Napangiti si Pearl sa kaisipang hindi siya kinamumuhian ng ginang habang gumagana sa isip ang mga planong pagpapabalik sa tiwala ng asawa at ng mga tao sa paligid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD