Chapter 7

1283 Words
KULANG na lang ay ipasok na ni Pearl ang mukha sa cellphone na hawak. Kahit halos masuka siya sa nakikita ay ilang ulit niya pa ring inulit-ulit ang video. Hoping to prove that she was not the woman on the video. Pero wala! Dahil kahit saang anggulong tingnan, siyang talaga ang babae sa video. A s*x scandal video of her! Ito ba ang rason kung bakit halos isumpa na siya ng asawa. Ito ba ang dahilan na halos pandirihan siya nito. Paano niya nagawa ang bagay na 'yun? Paano niya na sikmura ang nakaka pandiring eksenang iyon. Muli na naman naglandas ang kanyang mga luha. Kanina niya pa binitawan ang cellphone nang hindi talaga niya maitatanggi siya and naroon. Ang daming katanungan nagsisimulang pumasok sa isipan niya. Siya ba talaga ang nauna? Anong dahilan para magtaksil siya? Dahil sigurado na may dahilan siya at hindi pwedeng wala. May anak sila. Paano niya nagawa ang bagay na 'yun? Napatingin si Pearl sa pader na pagitan sa kabilang silid. Naalimpungatan siya kanina at nang wala na siyang marinig na ingay mula sa kabilang silid ay doon siya kumuha ng lakas ng loob na panoorin nga ang video na sinasabi ng asawa. Isang pagkakamali o isang tamang desisyon ang ginawa niya. Walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha at tila pinipiga ang puso niya. Ang hirap ng pinagdadaanan niya at wala man lang siyang taong pwedeng kapitan. Malinaw na ngayon sa kanya ang dahilan kung bakit pinili pa rin siyang iuwi ng asawa.. To Revenge! Ibinuhos niya ang lahat ng sakit sa kanyang dibdib. Iniluha niya lahat ng mailuluha niya upang kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa muli siyang makatulog na may mga luha sa mga mata. MABIGAT ang buong katawan ni Pearl na tumayo. At alam niyang namamaga rin ang kanyang mga mata. Pero kailangan niyang bumangon upang asikasuhin ang asawa. Oo, isang desisyon ang nabuo sa isip niya pagkatapos ng kanyang nalaman. She needs to win her family back. Mahirap ngunit kakayanin niya. Alam niya at nararamdaman niya na pwede pa. Kung anuman ang nasaksihan niya kagabi ay pilit niyang kakalimutan. Babawiin niya ang kanyang pamilya. Tumayo siya at pinilit na maligo at nag-ayos ng sarili. Maaga pa naman at sigurado siya tulog pa ang asawa at ang malanding babae. Inilugay niya ang hanggang balikat na buhok na kasing itim ng gabi. Napangiti siya ng pagmasdan ang sarili sa life size mirror sa loob ng silid niya. She was wearing a summer dress. Nakita niya lang ito sa mga gamit niya kaya hindi siya sure kung kanya ba talaga basta nasa mga gamit niya, period. Nawala ang ngiti niya ng maalala ang video. Muli na naman nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata kaya mabilis siyang tumingala upang pigilan ito. Ilang beses rin siyang huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Nang maramdaman na ayos na siya ay lumabas na siya. Maingat pa rin ang kanyang ginawang paghakbang hanggang sa makarating siya sa kusina. Mabilis ang kilos na naghanda siya nang agahan. Saktong narinig ni Pearl ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ng asawa ay ang paglapag niya sa huling niluto niya sa lamesa. Muli niyang pinagmasdan ang almusal na inihanda saka napangiti. Ignore na lang niya ang malanding babae pero sisiguraduhin niya na ito na ang huling araw na makakatuntong siya sa condo nila. "Did you watch the video?" Napalingon si Pearl sa asawa na wala man lang pang-itaas na damit habang nakasandal sa hamba ng pintuan at naka-cross arms pa. Humaba ang leeg niya upang tingnan kung nasa likuran nito ang malanding babae. "What are you looking for?" nakakunot noong tanong ng asawa niya. "Nasaan ang malanding babae esteh 'yung kaulayaw mo kagabi," sabay irap niya rito na agad din niyang pinagsisihan. Balak niya ngang bawiin ang pamilya niya, 'di ba? Ibig sabihin ay kailangan niya maging mala-anghel sa mga mata ng asawa upang makita na rin niya ang anak. "Pinanood mo ba ang video?" muling tanong ng asawa niya at 'di pinansin ang kanyang tanong. Natigilan siya at napayuko dahil nararamdaman niya ang pagtalim ng mga mata nito sa kanya. "What? Don't tell me you didn't watch it?" bakas na ang pagkainis sa boses nito. Ilang beses siyang napalunok. Muli ay nakaramdam siya ng pandidiri sa sarili. Paano nga ba siya nagkaroon ng kapal ng mukha na harapin pa rin ang asawa after she finds out the reason behind her husband anger. "Gusto mo bang sabay natin panoorin?" Napaatras si Pearl ng mapagtantong nakalapit na ang asawa sa kanya. "No-no." Nagpatuloy siya sa pag-atras dahil patuloy din sa paghakbang ang mga paa ng asawa. Nanatili kasi siyang nakayuko. Hanggang sa tumama na ang kanyang likuran sa refrigerator. "Are you afraid? I thought you wanted to know the reason? Mas mabuting ikaw mismo ang makakita, 'di ba?" Puno ng pait ang bawat pagbitaw ng asawa sa mga salita. Ramdam niya 'yun. At mas lalo siyang nanliliit sa sarili. "You don't know what you did, Pearl. I want to hurt you. Gusto kong saktan ka pero naisip ko hindi sapat 'yun at baka ako pa maging masama. Let me torture you emotionally. Hanggang sa ikaw na mismo ang tumapos sa buhay mo." Nangilabot si Pearl sa huling sinambit ng asawa. Napaangat siya ng tingin at nasundan ang papalayo ng asawa. Seryoso ba ito sa sinabi. Ba-balak nitong tuluyan siyang mawala sa mundo. Ang pinipigilang mga luha ay tuluyan nang naglandas. Masakit. Sobrang sakit marinig mula sa asawa mo na gusto ka niyang mamatay. Ganun na ba talaga siya kinamumuhian nito. May iba pa bang dahilan pwera sa pakikipagtalik niya sa iba ang nagtutulak rito upang masabi ang mga bagay na 'yun. 'I'm his wife after all!' Sinapo ng dalawang palad ang kanyang mukha at tuluyan na naman siyang napahagulhol. Bakit ba nangyayari sa kanya ang mga bagay na ito? Ganoon na ba siya kasama? She wants to know! 'Please, God help me.' Taimtim niyang dasal. Nang marinig niya ang muli pagbukas ng pinto na malamang ay sa silid ng asawa ay mabilis niyang inayos ang sarili. Nagpunta siya sa lababo at naghilamos. Hanggang maari ay ayaw niyang makita siya ng asawa na mahina. Lalaban pa rin siya. At dahil siya ang mali, tatanggapin niya lahat ng kaparusahan nito, makuha niya lang ang kapatawaran ng asawa at anak. "Tama lang ang ginagawa mo. Pagsilbihan mo ako. Kulang pa nga 'yan sa lahat ng kasalanan mo," narinig niyang sabi ng asawa at ang tunog ng upuang hinila ang sunod niyang narinig. "Make me coffee, black coffee, a little sugar. Sigurado pati 'yun ay hindi mo alam." Mabilis niyang sinunod ang inutos ng asawa. Kahit paano naman ay isa 'yun sa nalaman niya mula kay Nanay Marissa. Nang matapos niyang timplahin ang kape ng asawa ay puno ng pag-iingat niyang inilapag sa lamesa. Lihim siyang napangiti nang makitang maganang kumakain ang asawa. Kahit ayaw niyang itanong ang tungkol sa malanding babae ay pinilit niya. "Na-nasaan pala 'yung kasama mo?" mahina niyang tanong ngunit sapat upang marinig nito. "Umalis na siya at baka daw maabutan mo. Kailan ka pa naging bayolente, Pearl? Hindi tama ang ginawa mo. Nanakit ka ng tao." Napaismid siya sa sinabi ng asawa. "Bagay lang 'yun sa mga haliparot na kagaya niya," bulong niya sa sarili. "What are you saying?" "Huh? Ah, wa-wala. Saka, ano ba dapat kong maging reaksyon? Asawa mo ako," napahina ang huling mga salita niya na maging siya ay tila hindi rin marinig 'yun. "Leave me alone!" Mabilis naman niyang tinalikuran ang asawa na puno ng kaba ang dibdib dahil sinapian na naman ng masamang ispirito ang asawa. Hanggang maaari ay gusto niyang manatili ang maayos na daloy nilang dalawa. Mahirap pero fight lang. Kakayanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD