Chapter 6

1122 Words
NAGISING SIYA dahil sa kakaibang ingay na kanyang naririnig. Nanggagaling mula sa labas ng silid. Nakauwi na kaya ang asawa niya? Pupungas-pungas siyang tumayo upang silipin kung anong ingay 'yun at para na rin paghandaan ng makakain ang asawa. Nakatulog pala siya matapos niyang maglinis ng buong bahay. Alam niyang nagalit ang asawa sa ginawa niya kaya nga pati pagkain ay hindi na nito nagawa. Maingat ang pagpihit niya sa doorknob. Dahan-dahan rin ang mga hakbang niya at ayaw gumawa ng ingay. Napapakunot noo naman siya ng lumakas ang ingay na naririnig. At hindi siya tanga upang hindi malaman kung anong klase ng ingay 'yun. Napatakip siya ng bibig gamit ang dalawang palad ng tuluyan makarating sa living room. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata. "Oh! Yes, faster!" rinig niyang ungol ng asawa na prenteng nakaupo sa sofa at nakatingala habang nakaawang ang bibig. Halatang sarap na sarap sa ginagawa ng babae rito. Dahil ang isang babae ay nakaluhod at nagtataas-baba ang ulo nito. Iniiwas niya ang tingin. Hindi niya alam pero tila hindi niya kayang makita ang p*********i ng asawa na pinagsasawaan ng iba. Natagpuan na lang niya ang sarili na sinasabunutan ang malanding babae. Nakadagan na siya rito habang ito ay nagsisigaw. "Walanghiya ka! Malandi ka! Hindi mo ba alam na may asawa ang lalaking 'yan!" Dumapo ang isang kamay niya sa pisngi ng babae na pilit ipinanghaharang ang mga kamay nito sa mukha. "Hycent, help me! Urgh! My gosh, my face!" maarteng sigaw ng babae at talagang humingi pa ng tulong sa kanyang asawa. "What the heck are you doing, Pearl!" Dumagundong sa buong silid ang galit na boses ng asawa. "Bitawan mo ako. Hindi pa ako tapos sa malanding babaeng 'yan." Pagpupumiglas niya sa asawa ng bigla na lang siya nitong buhatin at pilit inilalayo sa babae. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya. "I said, enough!" mahina pero madiing sambit ng asawa niya at pabagsak siyang inihagis sa sofa. Bahagya pa siyang napadaing dahil sa pagkakabagsak. Kahit na malambot ang sofa ay nakaramdam pa rin siya ng sakit. Masama niyang pinukulan ng tingin ang asawa na nakatingin rin sa kanya kaya nagsalubong ang kanilang mga mata. Nakita niya ang pagbakas ng iba't ibang emosyon rito. "Who is she? Ke-kelan mo pa ito ginagawa? Kailan mo pa ako niloloko?" matigas niyang tanong sa asawa at hindi siya nagpatinag sa matatalim na mga mata nito. Napalingon siya sa babae na ngayon ay nagawa ng makatayo at nasa likod ng asawa niya. Matalim ang mga matang ipinukol niya rito. Pilit na pinipigilan ang luhang gusto ng kumawala sa kanyang mga mata. "Hycent, what is she doing here? Kapal naman ng mukha niya na magpakita pa sayo after what-" "Go to my room, Leni!" sigaw ng asawa niya na nagpaputol sa iba pang sasabihin nung malanding Leni. Umirap pa si Leni bago nagdadabog na tinahak ang daan patungo sa kwarto ng asawa. Mas nadagdagan yata ang mga karayom na tumutusok sa kanyang puso kaya wala sa sariling napahawak siya rito. Kasabay din ng pagtulo ng kanyang mga luha. Tila isang sirang gripo na patuloy sa pagtulo. "Are you hurt? Why? You don't remember anything, right? Then, what is it?" may pag-uuyam sa boses ng asawa na halatang nakainom. Pinilit niyang punasan ang mga luha ngunit sadyang ayaw tumigil. Sa inis niya ay hinampas niya ang asawa sa dibdib. "How dare you! Ba-bakit mo pa ako ki-kinuha sa hospital. Ba-bakit mo pa ako iniuwi kung ga-ganito lang ang trato mo sa akin!" Humahagulgol siya habang patuloy na hinahampas ang matigas na dibdib ng asawa na tila hindi alintana ang sakit na dulot ng kanyang mga hampas. Hanggang sa hawakan ng asawa ang kanyang dalawang kamay dahilan upang matigil siya sa paghampas rito. "Enough! Go to your room!" matigas nitong utos sa kanya. Nagtagis ang panga niya sa sinabi nito. Buong pwersa niyang binawi ang mga kamay mula rito at luhaan ang mga matang tinitigan ang asawa sa mga mata. "Then what? Your going to f*ck! Are you crazy? Oo, nawalan ako ng ala-ala pero may pakiramdam pa rin ako. Kung ganya pala ang gusto mo, e, di sana pinabayaan mo na lang ako para kahit ilang babae pa ang dalhin mo rito at kant*tin ay walang aawat sa inyo! You're so unfair! I hate you!" muli na naman naglandas ang kanyang mga luha. Ang sikip-sikip ng dibdib niya. Nanghihina siyang napaupo sa sofa. "Pa-palayasin mo ang babaeng 'yan o ako ang pabayaan mong u-umalis!" Humihikbi pa niyang hamon sa asawa niya. NApatiim bagang si Hycent. Ipinikit nito ang mga mga mata at hinilot ang sentido. Kapagkuwan ay humakbang ito at may kinuha sa likuran niya. "Do you really want to know the truth? Fine." Napaangat ang tingin niya nung marinig ang sinabi ng asawa. Nalipat agad ang tingin niya sa isang cellphone na hawak nito at nakalahad sa kanyang harapan. "Get it." Nag-aalangan man ay umangat ang kanyang kanang kamay upang kunin ang cellphone na iniaabot nito. Nang mahawakan ay napatingin lang siya rito at hinihintay ang susunod na sasabihin ng asawa. "It only had one video. Watch it and all your questions will be answer. At pagkatapos nun, dun mo ako sumbatan, kamuhian at kung ano pa gusto mong sabihin sa akin. All I know is that…. You broke me into pieces, Pearl," pagkasabi no'n ay iniwan na siya ng asawa. Nanatili siyang nakatingin sa hawak na cellphone. Nanginginig ang kamay sa hindi niya malaman na dahilan. Naguguluhan sa sinabi ng asawa. She broke him into pieces? Napahawak siya sa kanyang ulo ng kumirot 'yun. Tumayo siya at napagdesisyunan na sa kanyang silid na lamang panoorin kung anumang video ang sinasabi ng asawa niya na sasagot sa lahat ng katanungan niya. Napahinto siya sa tapat ng pintuan ng silid at napadako ang tingin sa katabing silid na nakasara. Rinig na rinig niya ang ungol ng asawa at ng malanding babae sa kabilang silid. Muli na naman tumulo ang kanyang mga luha. Ano ba ang naging kasalanan niya para tratuhin siya ng ganito ng asawa. Pumikit siya at huminga ng malalim saka tuluyan nang pumasok sa kanyang inuokupang silid. Inilapag niya ang cellphone sa bedside table at padapang ibinagsak ang katawan sa kama sabay takip ng unan sa kanyang ulo. Ayaw niyang marinig ang ingay na nagmumula sa kabilang silid. Kung paano nasasarapan ang asawa sa piling ng ibang babae. Ayaw niyang marinig kung paano sumisigaw ang babae sa pinapalasap ng asawa niya rito. Siguro nga hindi siya nakakaalala pero hindi naman siya manhid. Siya ang asawa ngunit iba ang kasama. Siya ang may karapatan pero siya ang nabalewala. Sana panaginip na lang ang lahat. Sana paggising niya ay wala na ang sakit sa puso niya at maalala na niya ang lahat. Sana…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD