Chapter 8

1219 Words
NAGLILINIS sa sala si Pearl nang lumabas si Hycent mula sa kusina. Nasundan na lang niya ang asawa na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Napaismid na lang siya na naglakad patungo sa kusina upang iligpit ang pinagkainan nito at makakain na rin siya. Hindi niya naiwasang sumilay ang ngiti sa mga labi nang makitang halos nakalahati ng asawa ang kanyang niluto. Isa-isa na niyang sinimulan iligpit ang pinagkainan ng asawa. Nang matapos ay nagtimpla siya ng gatas. Mas gusto niya kasi 'yun. Nung nandito si Nanay Marissa ay pinanggawa siya nito ng kape. Pero tinanggihan niya na ipinagtaka nito lalo na ng magtimpla siya ng gatas. Hindi raw kasi siya umiinom ng gatas. Binalewala na lang niya ang sinabi nito baka lang nagbago siya ng panlasa. Ayaw na niyang guluhin ang isip sa mga bagay na hindi naman niya alam ang sagot. Nagsimula na siyang kumain. Heavy breakfast is good. Sabi kasi ang almusal ang pinaka importante. Magana siyang kumain dahil hindi magandang sisimangot ka sa harap ng biyaya ng Diyos. Patapos na siya nang marinig ang boses ng kanyang asawa na may kausap yata sa cellphone. "What happened mom?" rinig niyang tanong ng asawa na kung 'di siya nagkakamali ay mommy nito ang kausap. Her mother-in-law, tama naman, 'di ba? Na-curious siya sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito kaya naman tumigil siya sa pagsubo at all ears na tumutok sa susunod na maririnig. Oo, masamang makinig sa usapan ng iba pero dipende naman 'yun. Dahil kusa yata pinaparinig sa kanya ng asawa ang usapan ng mga ito. "Ok, I will be there to check on him," sabi muli ng asawa niya. "Mom, no! Ako na po makipag-usap sa kanya." Paused. "Fine, mom. Mukhang wala na naman po akong pagpipiliian, 'di ba? Sige po, bye." Nang marinig niyang nagpaalam ang asawa sa mommy nito ay mabilis niyang itinuloy ang pagkain. Iniisip kung ang anak ba nila ang sinasabi nitong kailangan i-check. Bigla ay nakaramdam siya ng pag-aalala para sa anak. Sana hindi ang anak nila. "Bilisan mong kumain." "Ay sampung kabayo!" gulat niyang sigaw nang bigla na lang magsalita ang asawa na nasa loob na ng kusina. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi na niya namalayan ang pagpasok ng asawa. "Bakit ka naman nanggugulat." Sapo niya ang dibdib dahil sa pagbilis ng t***k nito na hindi niya mawari kung dahil sa gulat o dahil sa presensya ng asawa. "What were you thinking? Masyadong malalim at 'yun ang dahilan kung bakit ka nagulat," malamig nitong tugon. Napakunot ang noo nito na nakatingin sa baso ng gatas niya. "Milk? Epekto din ba 'yan ng amnesia mo at pati ang ayaw mo ay iniinom mo, tsk! Hurry up. Eat faster, aalis tayo!" Bigla siyang napatayo at humakbang palapit sa asawa. Napakagwapo talaga ng asawa sa suot nitong business attire na kulay dark blue. "What did you say?" naninigurado niyang tanong ng makalapit na siya ngunit may pagitan pa rin. "Pearl, I don't want to repeat my words. Kaya pwede ba maging alerto ka," may pagkainis ng sambit ng asawa saka siya tinalikuran. "Hurry up, ten minutes is not bad." Kahit five minutes ay ayos lang. Hindi niya pinansin ang sinabi ng asawa tungkol sa pag-inom niya ng gatas. Mabilis niyang iniligpit ang pinagkainan saka nagmamadaling nagtungo sa kanyang silid upang mag palit na lang ng damit. Tutal ay nakaligo na siya kanina. Matapos makapagpalit ng isang jeans at off shoulder na blouse na kulay baby pink ay malalaki ang mga paa na humakbang siya palabas ng silid. Naabutan niya ang asawa nakatingin sa cellphone nito at abala ang mga daliri na gumagalaw. Mukhang mahalaga ang ginagawa nito kaya hindi niya alam kung iistorbuhin ba ito o hihintayin na lang na matapos sa ginagawa. Nanatili ang mga mata niya sa mukha ng asawa habang napapa kunot ang noo nito. Still so handsome pa rin. Mabilis niyang binawi ang mga mata at isinara ang bibig na 'di niya namalayan na nakabukas na pala nang bigla bumaling ng tingin ang asawa sa kanya. "Pipi ka na ba? Alam mong nagmamadali ako." Tumayo na ang asawa niya at humakbang na patungo sa pintuan. Nang maramdaman ni Hycent na hindi siya nakasunod ay huminto ito at muling humarap sa kanya. "Gusto mo ba na kaladkarin pa kita palabas?" Hindi naman nakaligtas kay Pearl ang matiim na titig na ibinigay ng asawa sa kanya at ang paghagod mula ulo hanggang paa sa kanya ng asawa. "Huh? No, I'm coming," mabilis niyang sagot at malalaki ang ginawang hakbang upang makarating sa kinaroroonan ng asawa. Binuksan na nito ang pintuan at muling naunang naglakad habang nakasunod siya. Para siyang nakahinga ng matiwasay ng makatapak sa labas ng condo. Ni-lock ng asawa ang condo kapagkuwan ay nauna na itong naglakad sa kanya. Mabilis siyang napasunod na lang rito. Kahit na tila siya isang batang paslit na nawawala. Nang makapasok sa loob ng lift ay pinindot nito ang ground floor at seryoso ang mukha. Gusto niya sanang itanong kung saan sila pupunta ngunit ramdam niya ang bumabalot na masamang ispirito rito kaya mas pinili niya na lang na manahimik. Hanggang sa makarating sila sa ground floor ay nauna pa rin itong naglakad at napasunod na lamang siya. Wala pa rin silang imikan hanggang sa makasakay sila sa kotse at binabaybay na ang daan patungo sa hindi niya alam. Nangangati na ang kanyang dila at gustong-gusto na magsalita nang maunahan siya nito. "I hope you know our son's name?" pagbasag nito sa katahimikan. "Ye-yeah." Ewan niya bakit bigla siyang nautal. Mabuti na lang at Isa sa mga natanong niya rin 'yun kay Nanay Marissa. "Good then. Harold doesn't know anything. He is just three years old but he is smart. The boy needed you even though I don't want you to come closer to him. I don't have a choice. Make sure that you won't do any stupid things or else you really regret that you survived!" may diin sa boses nito. "Is he okay?" tanging sambit niya. "He's fine," tipid na sagot ng asawa. Okay na sa kanya 'yun kaysa sa wala. Nakuntento na lang siya at baka magalit na naman ito. Basta masaya siya sa kaalaman na magkikita na sila ng kanyang anak. Bakit ba bigla na lang bilis ng t***k ng puso niya? Bakit naman siya kakabahan? Baka excited lang siya na sa wakas ay muling mayakap ang anak. Ano kaya itsura nito? Kanino kaya ito nagmana? Sana huwag sa tatay nitong masungit. "We're here." Nabalik si Pearl sa ulirat at doon niya lang napagtanto na nakahinto na sila sa isang malaking building ng isang hospital. Inayos niya muna ang sarili saka lumabas. Dahil hindi naman gentleman ang asawa at hindi man lang siya nagawang pag buksan ng pintuan. Nanlaki ang mga mata niya ng hawakan ng asawa ang kanyang kamay at pinagsalikop 'yun. Tila may kuryente na nagsisimula ng gumapang sa kanyang braso patungo sa kanyang kaloob-looban. "Don't try to do stupid things, Pearl. Umayos ka," mahina at madiing sambit ng asawa na bahagya pang inilapit ang bibig sa kanyang tainga na nagpainit sa kanyang mukha. Rinig na rinig na niya ang lakas ng t***k ng puso niya na parang gusto ng tumalon mula sa kanyang rib cage. Napasunod na lang siya sa asawa nang hinila na siya nito patungo sa loob ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD