"Kumusta ang buhay mo bilang pari?" tanong ni Aston. Siya ang matalik na kaibigan ni father Vaughn. Parehas nilang alam ang mga sekreto sa isa't isa. Kahit na bibihira lang silang magkita at magkasamang dalawa, hindi nagbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Magkaibigan pa rin silang dalawa. "Masaya... maayos ... wala akong nararamdaman na pressure. Hindi kagaya noon. Napakalaki ng nagbago sa buhay ko simula nang maging pari ako. At ang masasabi ko lang, masaya ako sa buhay ko ngayon. Na hindi ko kailangang tingnan ng mababa o maliitin ang kapwa ko..." sagot naman ni father Vaughn. Ngumiti si Ashton. "Mabuti na lang talaga, hindi ka nagmana ng ugali sa mga magulang mo. Palibhasa kasi napakahalaga sa kanila ng yaman nila. Siya nga pala, may pera ka pa ba? O talagang wala ka na at sa si