Nagpanggap na tulog si Faith nang matapos mag- usap sina Rosie at Vaughn. Naramdaman na lamang ni Faith na hinahaplos ni Vaughn ang kaniyang buhok. Umungol si Faith at umakto na kagigising lang. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang guwapong mukha ni Vaughn na matamis na nakangiti. "Gising na..." malambing na sabi nito sa kaniya. "Kanina ka pa gising?" Yumakap sa braso ni Vaughn si Faith. "Oo kanina pa. Kausap ko si mama Rosie mo. Sinabi ko sa kaniya na huwag na siyang bumalik doon. Sigurado kasi akong may gagawin lang na masama sa kaniya si Alberto. Magiging mapanganib lang ang buhay niya," sambit ni Vaughn hakbang hinahaplos ang buhok ni Faith. Pinukol ni Faith ang kaniyang tingin kay Vaughn. "Maraming salamat. Tama ka, magiging mapanganib talaga ang