"Faith... sinubukan kong kausapin si Vaughn pero galit na galit siya. Iyong mukha niya... para siyang papatay. Pinagtabuyan niya kami kaya hindi na ako nagpumilit pa dahil baka kung ano ang magawa niya sa amin...." malungkot na balita ni Rosie nang bumalik sila sa isla. Malungkot na ngumiti si Faith. "Hayaan niyo na po. Salamat dahil sinubukan niyong kumbinsihin si Vaughn at sabihin na biktima lang din ako ni daddy at nagkamali ako. Pero wala na po akong magagawa kun'di ang buhaying mag - isa ang anak namin...." "Huwag kang mag - alala.... tutulungan kitang buhayin ang anak mo. Dadalaw - dalawin kita dito, okay?" "Pero paano po kapag nalaman ni daddy na pumupunta ka po dito?" nag - aalalang sabi ni Faith. Bumuntong hininga si Rosie. "Kagaya nga ng sinabi ko, wala siyang pakialam sa iyo