SHB 3

1911 Words
Di na naman siya naghintay pa ng matagal dahil ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na ang lalaki. May dala itong tray at may umuusok na sabaw at kanin. Parang nagtubig ang bagang niya sa nakita, yun ang gustong gusto niyang kainin kanina pa. Wala pang ibang laman mula kaninang umaga kundi ang tinapay at mineral water lang na binili ni Mang Ruben kanina. Di na nakakapagtaka na mukha siyang patay gutom ngayon. Nakapantalon siya at blouse lang, nakasapatos na umangat na nga dahil sa pagtakbo niya kanina. Hinubad niya kanina sa labas ng pinto. Bibili nalang siya ng tsinelas bukas bago siya umuwe ng San Roman. "Salamat! Pero ako nalang ang magsusubo." Nahihiya niyang usal dito, paanong di siya mahihiya e sinuboan pa siya nito. Napakasungit man ng mukha nito ay napakasweet naman ng ginagawa nito. Kung sana ay dalaga pa siya na berhin maria pa, nakakakilig pag ganun. Pero alam naman niya na walang malisya para dito ang ginagawa nito ngayon. "I insist, just eat." Sabi nito na di nagpatinag sa kanyang protesta. "Salamat dito." Sabi niya sa kalagitnaan ng pagnguya. Malambot ang karne na masarap sa pakiramdam ang lambot at sarap. "I don't want a thank you word." Sabi nito sa kanya. Matiim ang titig nito lalo na sa kanyang dibdib na di niya namalayan na halos lumabas na. Mabilis niyang naiayos ang kanyang damit. "Ha? Wala akong pera na pambayad." Tila nabingi siya sa sinabi nito. Ang tanging pera niya lang ng mga sandaling iyon ay ang bigay ni Carlo kanina at ang singkwenta pesos na pamasahe niya sana pauwe. "Alam ko, pero halik ang gusto ko at hindi pera, kayang kaya mo namang gawin yun. Anyway gagamutin natin ang mga sugat mo mamaya pagkatapos mo na maligo." Sabi nito. Nag alala siyang bigla dahil wala siyang dala na maski isang peraso ng panty. Ibabalik nalang niya ng suot ang panty niya. "Wala akong dalang damit, kasi dapat babalik ako ng San Roman kanina." Di magkandatuto na paliwanag niya dito. "Mamaya mo na intindihin ang damit mo, kumain ka muna." Sabi nito. Masarap ang sabaw ng baka na pinakain nito sa kanya. Di ito pumayag na di siya mag dessert, maliit lang naman pero masarap. "Just eat." Sabi nito. "Salamat." Sabi niya ng maging ang pagpupunas ng labi niya ay ginawa na nito. "Tsss, halika na sa loob." Sabi nito na ang loob na tinutukoy ay ang kwarto sa dulo. Dalawa ang silid ng bahay, di lang niya alam kung saan natulog si Manong Ruben. "Saan natutulog si Manong Ruben?" Tanong niya dito habang papasok sa silid. "May kubo siya sa labas, mas gusto niya doon kasi presko ang hangin." Sagot nito. Isang pang lalaki na silid ang bumungad sa kanya. Malinis at mabango sa loob, amoy ng lalaking kasama niya ang nasasamyo niya. Siya kasi amoy ewan na dahil sa kanyang sinapit. "Dalawa ang silid dito sa bahay, pero stock room ang isa. Kasya naman tayong dalawa sa kama ko, di naman kita papayagan na matulog sa sala." Sabi nito parang natuliro siya sa kaisipang makakatabi niya sa kama ang lalaki. Nung may nangyari sa kanila ni Carlo, yun lang ang time na naranasan niyang makatabi sa isang lalaki, pero di iyon magdamag dahil matapos ang nangyari ay nagmamadali siyang umalis. "Pwede naman ako sa sahig lang." Sabi niya. Ang halik na iginawad nito sa kanya ang nagpapadagdag sa kanyang kaba. Para kasing may ibang pakay ang halik nito. "No, sige na maligo kana dun ihahatid ko nalang ang pamalit mo." Sabi nito sa kanya. "Sige salamat." Sabi niya. Gaya ng kanyang plano ay di niya binasa ang kanyang underwear dahil wala siyang pamalit. Mabuti nga at mahilig siya na mag panty liner kaya di mabaho ang kanyang panty. Malamig ang panahon sa labas at ilang araw din na nag uulan, mukhang umaambon na naman sa labas. Di na nakakapagtaka na gumuho ang tulay. Malambot na din kasi ang lupa sa gilid niyon, mabuti nga at umabot pa ng tatlong taon bago bumigay. Nang minsan kasi na nagkalindol ay nagkaroon na iyon ng malaking bitak. Napasarap ang kanyang paliligo lalo at maganda ang shower at ang jacuzzi sa loob niyon. Nagkaroon naman siya ng hiya mga wamport kaya nagpasya siyang tapusin na ang kanyang paliligo. Narinig niya ang sunod sunod na katok sa pinto ng Cr. "Sandali!" Sabi niya na nataranta bigla, wala pala siyang dalang towel upang ipangtakip sa kanyang ka hubdan. Naiisip niyang ipamunas ang kanyang hinubad na damit pero napangiwi siya ng mapunang nasa sahig na ang mga iyon ay nabasa. "Here is the robe and the towel." Sabi nito napasilip naman siya sa labas. "Salamat." Sabi niya na kinuha ang dala nito. Para siyang pari sa haba ng Roba, di na siya magtatanong kung kanino ang roba. Malamang ay pag aari nito ang roba na iyon maging ang towel. Nang matapos ay kinuha niya ang kanyang mga hinubad upang makusotan. Kaya lang wala namang sabon sa loob ng cr. Kaya dinala niya sa labas. "Hand me your clothes, ilalagay ko sa washing machine." Sabi nito sa kanya. "Ui teka lang, masisira ang panty ko at bra pag nilagay diyan sa washing machine." Sabi niya dito na hinawakan ang braso nito. Pero agad siyang napapiksi nang maramdaman anhmg pagdaloy ng tila kuryente sa kanyang katawan. Wala na siyang nagawa pa dahil dala dala na nito iyon. Napangiwi nalang siya nang maramdaman ang pagsigid ng lamig sa kanyang katawan niya. "Ito na muna ang isuot mo, tapos dumapa ka para magamot natin ang mga sugat mo." Sabi nito. Para naman siyang natuod sa sinabi nito. "Wala akong panloob, sa labas lang ako matutulog." Sabi niya dito. "Kaya nga dapat na dito ka sa loob ng silid ko matulog, baka masilipan ka ni Mang Ruben pag doon ka natulog. At least pag dito ay ako lang ang makakakita." Sabi nito na ikinamaang niya. "Ayoko ngang ipasilip sayo yung ano ko-" "Here use this, bago pa yan kay Gillian yan nung dito nakitulog." Sabi nito. "Asawa mo?" Nagimbal naman siya sa rebelasyon ng lalaki. Di bale nalang na sa labas siya matulog, ayaw niyang tumabi sa mga may asawa. Wala siyang balak na maging kabit ng kahit na sino. "Si Gillian?" Kunot ang noo na tanong nito sa kanya. "Oo, di bale nalang sa labas ako matutulog. Wala akong balak na magkaroon ng issue sayo o sa kahit na sinong lalaki lalo na kung may sabit na." Sabi niya. Nagulat pa siya nang tumawa ito bigla. "Gillian is my half sister. Wala akong sabit muntik na dati pero di natuloy, mukhang ngayon ay matutuloyan na ako." Makahulogang sabi pa nito na titig na titig sa kanya. Tila balak siyang gawing pulotan ngayong gabi. Kinuha nalang nya ang damit at thankful naman siya dahil nagkasya ang damit nito na ibinigay sa kanya. Parang Sinukat pa nga sa kanya ang panty. "Kilala mo ako diba?" Tanong nito sa kanya. Paano niya itong di makikilala, nahalikan na siya nito noon katunayan ay ito ang kanyang unang halik. Napagkamalan siya nitong babaeng sumusunod sunod dito. Mabuti na nga lang at walang nakakita sa paghalik nito sa kanya. Di na rin siya nag kwento pa kay Carlo, thinking na di na muli pang magsasalubong ang kanilang mga landas. Pero mukhang may ibang plano ang kapalaran sa kanila, sino ba ang mag aakala na ang sasagip sa kanya mula sa tiyak na kapahamakan ay ang mismong driver pa nito. "O-oo ikaw ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko, yung presko at mayabang na boss ng dati kong nobyo." Sabi niya dito na pinasungit ang mukha. Tumawa naman ito sa kanyang sinabi, sa halip na mainis ay tila na amuse ang lalaki sa kanyang naging description dito. "Unang halik pala yun, kaya pala masarap at di ko makalimutan." Sabi nito sa mahinang tinig pero malinaw na nakarating sa kanyang pandinig. Nanatili siyang nakatayo lang. Para kasing napakasikip ng silid na iyon para sa kanilang dalawa, kahit na parang boung bahay na nila ang laki niyon. Ang laking tao kasi nito at tila ba ay bata lang siya kung itatabi dito. Di naman siya ang tipo ng babae na patpatin, malaman siya ng konti bilogan ang kanyang mga hita at balakang, medyo malusog din ang kanyang dibdib. Mas matangkad siya sa dalawa niyang kapatid. Pero maliit ang kanyang beywang sa kabila ng kanyang pagbubuntis ngayon. "Gamutin natin ang sugat mo. Dumapa kana o gusto mong ako pa ang magbuhat sayo at magpadapa sa kama?" Naghahamon na tanong nito sa kanya. Alam naman niyang capable ang lalaki na gawin ang ganun. Mukha lang pala talaga itong seryuso at masungit pero puro kapilyuhan naman ang kanyang nakikita dito. Maingat nitong dinampian ng bulak ang kanyang balikat, maging ang kanyang braso na may mga pasa na. Medyo nangingitim na din yun. "Natatandaan mo ba ang mukha ng mga gumawa nito sayo?" Tanong nito sa kanya. Napangiwi naman siya sa hapdi niyon. "H-hindi, madilim kasi doon e. Tsaka ang alam ko lasing ang dalawang lalaki, isang malaki at matangkad at isang patpatin." Sagot niya dito. "Okay sige ipapahanap ko ang mga gagong yun. Patingin ng hita mo." Sabi nito na ikinaalarma niya, wala naman siyang sugat sa hita. "Wala akong sugat sa hita ko!" Depensa niya dito. "Titingnan ko lang baka di mo lang napansin kanina. May hiwa ang pantalon na suot mo." Sabi nito. Kaya kahit ayaw niya ay napahinuhod siya nitong ipakita ang hita niya. May gasgas naman pero maliit lang. "Baby, I can see your panty!" Sabi nito na puno ng kapilyuhan ang nakalarawan sa mukha. "Bastos!" Singhal niya dito. "Haha, I am just being honest with you. I thought white panty is not that hot as red and black but I was wrong. I felt so hot now, hehe matulog kana. Bawal sa baby ang magpuyat." Sabi nito na tumayo na at dinala ang mga gamit na ginamit nito pang gamot sa kanya. Naiwan siyang nakatulala lalo na ng balikan siya nito at kuyumosin ng halik. Parang hinigop lang nito ang lahat ng lakas niya sa halik na iyon. "Hindi pambabastos ang tawag dito Baby, pag amin lang. Mahirap naman yung itatago ko pa sayo gayong pwede naman akong magpakatotoo. Napatalukbong siya ng kumot nang makaalis na ito, ang landi landi niya. Kani kanina lang ay feeling broken siya ngayon naman ay feeling blessed sya sa halik nito. Ibang iba ang halik ng lalaki sa halik na natanggap niya kay Carlo. Di niya maramdaman ang takot na kanyang nararamdaman sa tuwing hahalikan siya noon ng dating katipan. Takot siya lagi na baka lumagpas ito sa halik lang na kaya niyang ibigay. Naiilang din siya dahil ayaw niya sa pagiging agresibo ng dating katipan. Ngayon kasi ay parang wala siyang ibang maisip kundi ang halik lang. Para siyang tuyong dahon na nakikiayon lang sa agos ng kung ano ang gagawin ng lalaki sa kanya. Take note di pa niya ito nobyo. Kaya naloloka ang kanyang laman loob, di niya tiyak kung baka dulot iyon ng pagbubuntis niya kaya ganun ang nararamdaman niya. O may ginagawa itong kung ano sa kanya para maramdaman niya ang ganun. Nakakalito ang ganung pakiramdam at di niya maiwasang di ikumpara ang dalawa. Natatakot din siyang pagbuhatan ng kamay ni Carlo noon, minsan na kasi siya nitong nasampal noon. Kaya takot na takot siya lalo na nung nangyari na nga ang pwersahang pag angkin ng katipan sa kanya. Para sa kanya ay ang dumi dumi na niya matapos ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD