Tahimik ang paligid pero walang Patrick na pumasok uli sa silid na kanyang kinaroroonan. Tumihaya siya para lang magulat dahil nasa harap niya ang lalaki na nagpupunas ng buhok nitong basa.
"Don't worry di ako namimilit ng babae na ayaw. Sleep now, pero dito ako matutulog at tatabi ako sayo." Sabi nito sa kanya.
"Kakasya ba tayo?" Tanong niya pa dito.
"Why, di kaba komportable na may katabi ka?" Tanong nito sa kanya.
"Kuwan kasi di naman ako sanay na may katabi sa kama lalo na kung lalaki." Sabi niya dito. Para at least maisip nito na payagan siya na sa labas ng silid nalang matulog o ito na ang sa labas matulog.
"Really huh, e paano ka nabuntis kung di ka naman pala tumatabi sa lalaki?" Tila nang iinsulto na tanong nito.
"Isang beses lang naman may nangyari samin, tsaka di naman kami nagtagal magkasama dahil pinilit niya lang ako." Mahina ang pagkakasabi niya pero napuna niya na natigilan ang lalaki sa kanyang sinabi.
"Pinilit? He raped you?" Tanong nito na ngayon ay di maipinta ang mukha. Naiyak siya nang maalala ang gabing iyon, parang diring diri siya sa kanyang sarili matapos ang ginawa na pambababoy sa kanya ng katipan. Katipan na pinagkatiwalaan niya ngunit siya palang wawasak sa kanyang pagkatao.
"Siguro yun ang tawag sa ginawa niya, pero alam ko na walang maniniwala sa akin. Dahil magkasintahan kami." Nakayokong sabi niya dito.
"s**t! He did that to you?" Tanong nito na parang papatay ang mukha.
"Alam ko na di ka maniniwala, pero alam ng diyos na di ako gagawa ng ganun, nilasing niya ako ng gabing iyon." Imiyak na siya, lalo na ng maalala niya ang gabing iyon. Masakit ang katawan niya kakapanlaban sa lalaki at masakit ang dibdib niya sa pagka dismaya sa ginawa na pambababoy ng lalaking minahal niya.
"He will pay," sabi nito na ikinahinto ng pag iyak niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya dito.
"We will file charges against him." Sagot nito.
"Pero walang maniniwala sa akin, magnobyo kami at dalawang linggo mahigit na ang nakaraan simula ng mangyari yun. Tiyak na bubogbogin ako ni Papa pag nalaman niya ang nangyari. Di mo kilala ang Papa ko." Sabi niya na buo na ang loob na manahimik lang. Ngayon na sinabi na ni Carlo ang stand nito sa pagbubuntis niya ay di na siya lalapit pa sa lalaki.
Nagpapasalamat nalang siya na di ito nag alok ng kasal sa kanya, she won't marry a rapist. Yun ang pangako niya sa sarili niya, ang purpose lang naman kung bakit siya pumunta sa workplace ng lalaki ay para ipaalam dito ang kalagayan niya at ang paghingi ng suporta para sa bata.
Alam niyang di siya pababayaan ng kapatid niyang si Abby, nasabi na niya dito ang kanyang sinapit. Inudyokan pa nga siya na mag file ng kaso, lalo na ng makita ang mga pasa niya matapos ang panghahalay na ginawa sa kanya ni Carlo. At nagbunga pa ang isang gabing iyon, balak niya ay kalimutan nalang ang nangyari at lumayo para makalimutan niya ang bangungot sa sinapit sa kamay ng lalaking minahal niya.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito sa kanya. Anong plano nga ba?, kasi magulong magulo ang isip niya simula ng malaman niya na buntis siya. Di niya alam kung ano ang kanyang magiging damdamin sa mga nangyari.
Walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan niya, di nito kasalanan kung isang rapist man ang ama nito.
"Di ko alam, pero bubuhayin ko ang bata na nasa sinapupunan ko." Sabi niya.
"Good, for now rest." Sabi nito na nahiga na sa tabi niya.
Alumpihit naman siya at ingat na ingat na wag magsanggi ang kanilang mga balat. Lalo na at may kakaibang init siyang nararamdaman sa kanyang puson, lalo na sa tuwing sasagi sa isip niya ang unang halik na pinagsaluhan nila noon.
"Where's my good night kiss?" Mamaya maya narinig niyang sabi ng katabi. Para naman siyang nanigas sa sinabi nitong iyon. Di siya natatakot dito kahit pa panay ang pahalik nito, unlike kay Carlo noon na para bang lagi siyang hinahabol ng demonyo pag nasa malapit ito. Samantalang dito sa katabi niya ay para lang siyang tumabi sa kapatid niya. Wala siyang makapang takot para dito bagkus ay dama niya ang security pag nasa paligid ito.
"Ano?" Tanong niya dito.
"Just kidding, sleep now. Baka isipin ko na gusto mo na halikan kita, ito ang tatandaan mo. I won't force you to do anything with me, kung darating man tayo sa point na tatawid tayo sa dapat tawirin, I want it to be mutual. Yung ginusto natin pareho." Sabi nito na niyakap siya sa beywang. Akmang papalag pa sya pero kalaunan ay hinayaan na niya lalo na ng mapuna na tulog na ang lalaki sa tabi niya.
Mahimbing ang kanyang tulog sa kabila ng kanyang sitwasyon. Taliwas sa mga nakalipas na mga araw mula ng malaman niya ang kanyang kalagayan.
Nauna siyang nagising sa mga ito, nakakahiya naman kung mas mauuna pa ng gising ang may ari ng bahay kaysa sa kanya na bwesita lang. Nagluto siya ng pagkain na sapat lang para sa kanilang tatlo. Pinakialaman niya ang ref ng lalaki. Nagkusa na din siyang maglinis ng babay nito, di naman madumi ang bahay kaya tamang walis walis lang at mop ang ginawa niya.
Abala siya sa pagpunas ng mga bintana, abala siya sa pagpupunas nang maramdaman niya ang pagyakap ng lalaki sa kanya mula sa likod. Natigilan siya sa pagpupunas at pumalag siya dahil alam niyang amoy pawis at amoy ulam na siya lalo at katatapos niya lang na magluto at maglinis ng sahig.
"Ano ba? Mabaho ako yakap ka ng yakap diyan!" Sita niya sa lalaki na tinawanan lang ang kanyang pagpalag sa pagyakap nito.
"Di naman a, ganito pala ang feeling pag may asawa ka. Parang gusto ko na mag asawa na." Sabi nito na matiim na nakatitig sa kanya.
"E di mag asawa ka, wala namang masama dun lalo at binata ka naman." Sabi niya na itinuloy ang ginagawang pagpupunas sa bintana.
"E ikaw?" Tanong pa nito, medyo natigilan pa siya kung ano ang kinalaman niya sa tanong nito.
"Ako? Ano ako?" Tanong niya dito.
"Kailan ka mag aasawa?" Tanong nito sa kanya. Nagkibit balikat siya sa tanong nitong iyon.
"Wala akong plano na mag asawa, baka magaya lang ako kay Mama. Ayoko lalo na maikasal sa rapist na ama ng anak ko. Gaga nalang ako kung maghahabol pa ako kay Carlo." Sabi niya. Isipin palang niyang magiging asawa niya si Carlo ay tila nenerbiyos na siya kaagad. Alam niyang double empyerno ang experience pag ganung lalaki ang mapangasawa niya.
"Okay, pero paano kung malaman ng Papa mo ang kalagayan mo? Diba sabi mo kagabi na tiyak na sasaktan ka ng ama mo o baka mapatay kapa ng Papa mo pag nalaman niya na walang ama ang pinagbubuntis mo." Sabi pa nito sa kanya. Napag isipan na niya kahapon ang mga susunod na araw ng buhay niya.
"Handa akong magpabugbog kay Papa kasi alam ko naman sa sarili ko na deserve ko yun, na may mali akong ginawa." Malungkot na saad niya. Parang naiimagine na niya ang kamao na dadapat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
"May mali? Come on Shenn alam mo sa sarili mo at alam natin na biktima ka ng panggagahasa ng katipan mo. Biktima kalang dito, dapat damayan ka niya o tulongan kapa niya para makapag sampa ka ng kaso laban sa dati mong nobyo. Parents specially father should protect their children from harm." Sabi pa nito.
"Di ganun ang ama namin Sir Patrick, para sa kanya ay mga pabigat kami, mga walang silbi. Di siya mangingimi na pagbuhatan kami ng kamay sa kahit na alam niya na kami ang biktima. Para sa kanya kami lagi ang mali.' sabi niya na bahagyang huminto sa pagpupunas.
"Tsss huminto kana sa ginagawa mo, darating mamaya ang tagalinis namin dito. Di kita katulong dito, bisita kita kaya di mo kailangan na maglinis ng bahay ko." Sabi nito.
"Pero-"
"Pag itinuloy mo ang ginagawa mo, tatanggalin ko sa trabaho ang tagalinis ko. Total nandito ka naman na." Banta nito. Kaya tumigil na siya ng tuloyan sa kakapunas ng pasimano ng bintana.
"Come, I will cook something for you," sabi pa nito na lihim nyang ikinangiwi. Dahil ano pa ang lulutoin nito, gayung tapos na siyang magluto. Nagulat nga ang lalaki nang makita ang mga niluto niyang almusal.
"Nagluto na ako, pasensya na at pinakialaman ko na ang iyong ref." Nahihiya niyang sabi sa lalaki.
Di maiaalis sa kanya ang mag alala na baka kagaya ng ama niya ay mapanakit din ang lalaki once na nagkamali siya.
Di lang naman dito ganun ang kanyang nararamdaman, maging sa ibang lalaki ay iwas na iwas siya. Natatakot siyang baka saktan siya ng sinuman sa mga ito.
"Okay thank you for cooking our breakfast babe. Don't worry about anything okay, bukas pag nauna kang magising gisingin mo ako para maipagluto kita ng almusal." Sabi pa nito. Parang nalito siya bigla sa kanilang set up. Nagulohan siya kung anong meron sa kanilang dalawa.
"Ahm titingnan ko mamaya kung pwede n akong makauwe ng San Roman. Mukha naman na maayos na ang panahon. Masyado na kitang naaabala." Sabi niya na inaalalayan nito na makaupo sa mesa.
Saktong pasok naman ng deiver sa komedor ng bahay. Mukhang handa na ito sa pag alis ngayong araw.
"Naku Ineng, sira ang tulay na nag uugnay sa San Roman at sa iba pang bayan. Baka abutin pa daw ng ilang linggo bago magbalik operasyon ang mga sasakyan na pamasahero papunta sa kabila dahil sa estado ng mga kalsada at tulay sa atin." Sabi nito.
"S-sunod na linggo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong niya dito.
"Opo, baka mas higit pa, lalo at malaki ang naging bitak sa gitna nun. Kailangan na talaga na palitan ang tulay ng mas matibay na tulay." Sabi nito na ikinabahala niya.
"Hala paano ako makakauwe nito?" Tanong niya na alam niya na siya lang ang makakasagot niyon at hindi ang dalawang lalaki na kasama niya.
"Just stay here as long as you want. I don't mind lalo at mukhang may malaki kang magiging rule sa buhay ko." Sabi pa ng lalaki na ikinakunot ng kanyang noo. Mukhang nagpagulo pa yata sa kanyang isip.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong pa niya dito.
"Tsss, finish eating let's take a walk outside after eating. Don't think too much about anything. Chill and just enjoy your stay here." Sabi nito na dinagdagan ang mga pagkain sa kanyang pinggan.
"Ahm ang dami na nito." Sabi niya nang makita kung gaano kadami ang mga pagkain na inilagay nito sa pinggan niya.
"Just eat, pupunta tayong grocery after eating para mamili ng mga stocks natin. Sa labas na din tayo mag lunch para di na tayo magluto pa dito sa bahay." Sabi nito.
Mukhang wala naman yata siyang choice kundi ang pumayag dahil wala naman siyang mapupuntahang iba.