Papunta sa gitna ng kalsada ang kanyang takbo. Wala na siyang pakialam kung masagasaan siya ang mahalaga ay ang makalayo siya sa dalawang lasing na rapist. Kasabay ng paghinto ng kanyang takbo ay ang sagitsit ng gulong ng sasakyan. Akmang papagalitan pa siya ng matandang driver pero pag lingon niya ay malapit na ang dalawang lalaki.
"Manong saklolo hinahabol po ako ng mga rapist!" Sabi niya mabilis naman nitong binuksan ang pinto.
"Sakay na!" Sabi pa nito at di paman siya nakakaupo ng maayos at naisasara ang pinto ay pinaandar na nito ang kotse.
"Isara mo ng maayos ang pinto!" Sabi nito sa kanya. Mabilis naman na isinara niya, nanginginig ang kanyang mga kamay, kahit na sabihin na di rin naman niya alam kung safe siya sa kamay ng matandang lalaki ay mas panatag siya na kasama niya ito. Doon siya napahagulhol, pinagsama ang pagod at ang takot na kani kanina lang ay umalipin sa kanya.
"Mamaya na kita tatanungin pag nakalayo na tayo." Sabi ng matanda na nagpatuloy sa pagmamaneho. Sa isang 24 hours store sila huminto.
"Dito ka muna, bibili ako ng tubig at makakain natin, medyo nagugutom na ako." bumaba ito at pagbalik may dalang supot na may burger at tubig. Nanginginig man ay kinuha niya ang mineral water bottle na iniabot nito sa kanya.
"Salamat ho manong!" Sabi niya matapos na makainom ng tubig.
"Manong Ruben. Ano pala ang ginagawa mo sa lugar na iyon?" Tanong nito sa kanya.
"Naligaw po ako Manong, papauwe na po sana ako." Sabi niya dito.
"Sa susunod wag kang magagawi doon, aba e nung isang linggo lang may nagahasa doon. Saan ba kita ihahatid at gabi na, saan kaba uuwe?" Tanong nito sa kanya.
"Sa Terminal nalang po ng bus papuntang San Roman." Sagot niya dito, sa tantiya niya ay aabot pa naman siya sa last trip. Sa boarding house niya nalang muna siya mananatili bago umuwe sa bahay nila. Alam niyang si Mama niya lang ang nasa bahay at si Sherly.
"San Roman? Aba e bumagsak ang tulay kaninang tanghali, non passable ang tulay sa Bakugan. Walang biyahe papunta doon ngayon o baka kahit sa mga susunod na linggo." Sabi nito.
Inaarok niya kung nagsasabi ba ito ng totoo, ngunit mukhang hindi. Lumang luma na ang tulay na sinasabi nito, at ilang ulit na din na nag crack ang ibang bahagi ng tulay. Panahon pa yata ng mga hapon itinayo ang nasabing tulay, ilang baha, lindol at bagyo na din ang nakasagupa ng tulay.
"Hala paano po yan wala po bang ibang way para makauwe?" Tanong niya sa matanda.
"Wala Ineng, katunayan ay maraming mga stranded ngayon sa daan. Ang mabuti pa ay isasama na muna kita sa bahay ng boss ko. Wag kang mag alala mabait naman si boss." Sabi nito sa kanya.
Mukha naman na wala siyang choice kundi ang magtiwala sa matanda.
"Matagal na po kayong nag mamaneho?" Tanong niya dito. Gusto niya lang na magkaroon ng ideya kung anong klase ng tao ang nagligtas sa kanya.
"Oo naman, katunayan ay sa pagmamaneho ko na binuhay ang aking pamilya. Nakapagtapos na din ang aking mga anak ng pag aaral." Masaya na pag kwento nito sa kanya.
"Talaga po? Ang galing naman. May asawa po kayo?" Tanong niya dito.
"Oo, nasa San Pedro sila, lagi akong umuuwe pag day off ko." Masayang kwento nito.
"Wala po kayong kabet?" Tanong niya na agad naman niyang natutop ang kanyang bibig.
"Sorry po di ko-"
"Wala sa isip ko ang magtaksil sa asawa ko Ineng, masyadong marami na kaming isinakripisyo, para sa aming pamilya para sirain ko ng dahil lang sa panandaliang init. Ang init ng katawan pwede naman na sa asawa ko nalang ilabas, di pa ako gagastos di pa ako makakarma." Sabi nito.
Napahanga siya sa sinabing iyon ng lalaki, kung sana ay ganun ang mindset ng kanyang ama. Marahil ay di aabot sa punto na magkakahiwa hiwalay sila, di sana magiging ganito kagulo ang pamilya nila.
"Sana po ay katulad niyo ang pag iisip ng Papa namin." Di niya napigilan na ibulalas. Natigilan naman ito sa kanyang sinabi, marahil ay di nito inasahan ang kanyang sinabi.
"Bakit ano ba ang Papa mo?" Tanong nito sa kanya. Mukha namang mapagkatiwalaan ang matanda kaya nag labas na din siya ng saloobin dito.
"May kabit po kasi si Papa, tapos siya pa ang galit sa amin, lagi kaming pimagbubihatan ng kamay lalo na si Mama." Sabi niya na di maiwasang di malungkot.
"Grabe naman yun, dapat hiwalayan na ng Mama mo. Di rin kasi maganda ang epekto ng ganun sa mga anak. Oo nagsasama sila para sa ano? Para pasakitan ang Mama mo? Para ipakita na mas malakas siya na kaya niyang saktan ang Mag iina niya? Di naman healthy sa mga bata ang ganung environment." Sabi nito na iniliko papasok sa isang subdivision ang sasakyan.
"Sana ho ganun din ang pananaw ni Papa. Pero ako nangangako ako sa sarili ko na di po ako gagaya sa Mama ko. Pag di na masaya ay magkukusa na po akong kakalas, para sa peace of mind na din." Sabi niya dito.
Hinaplos niya ang pipis niya pang tiyan, sa ngayon ay kinakailangan niyang magpakatatag para sa batang nasa kanyang sinapupunan. Dapat lahat ng desisyon niya ay isasaalang alang niya ang kapakanan ng anak niya.
"Ipagdasal mo lang, pasasaan ba at matatauhan din ang Papa mo. O matatauhan ang Mama at matuto ma umiwas at lumayo sa ama nyo." Sabi nito na tuloyan nang huminto sa tapat ng isang katamtaman ang laki na bahay.
"K-kaninong bahay po ito?" Tanong niya dito. Kinakabahan siya na di niya mawari. Wala naman siyang nararamdamang panganib sa lugar pero tila di niya kayang pakibagayan ang kaba niya.
"Kay Boss, pero mabait naman yung boss ko. Ipapaliwanag lang natin ang nangyari sayo." Sabi nito.
Nakasunod siya sa matanda habang papasok sa kabahayan. Simple lang ang bahay pero halatang may sinasabi sa buhay ang kung sinuman na nakatira doon.
"Magandang gabi po Sir Patrick, nakita ko po siya sa daan na hinahabol ng mga lasing. Naligaw po sa bayan, kaya lang e di na siya makakauwe dahil bumagsak na ang Bakugan bridge." Paliwanag ng matanda sa lalaking tila natuka ng ahas habang nakatitig sa kanya. Lalo naman siya, kilala niya ang lalaki. Ito ang masungit na boss ng nobyo niya.
Ipinakilala na sila sa isat isa noong nililigawan palang siya ni Carlo, di niya lang alam kung natatandaan pa siya nito.
"You are Mr. Tomago's girlfriend right? Bakit di ka sa kanya tumuloy?" Tanong nito na halatang di natuwa na nandun siya sa bahay nito.
"Ahm aalis nalang po ako Sir, maaga pa naman magbabakasakali nalang ako na may biyahe pa papuntang San Roman." Sabi niya na tila gusto niyang kumaripas ng takbo papalayo. Tila nainis naman ito sa sinabi niya.
"Tapos konsensya ko pa kung magagahasa ka sa labas. Tinatanong lang kita, ano ba ang mahirap sa tanong ko? Matulog kana Mang Ruben ako na ang bahala sa kanya." Sabi nito sa matanda. Parang gusto niyang bumuntot sa matanda. Tila nahulaan naman nito ang kanyang naiisip dahil kaagad na naman itong bumirada.
"Pamilyado na si Manong Ruben, binata pa ako. Kung ako ang kasamahin mo ay ayos lang dahil binata ako. Ang ibig kong sabihin kausapin mo ako at sagutin mo ang mga tanong ko sayo at papatulogin na kita." Sabi nito na halatang masungit.
"Hiwalay na kami ni Carlo, nag away kami kaya ako naligaw." Nahihiya niyang sabi dito.
"Dapat inihatid ka niya kahit break na kayo. Please set down." Halata ang inis sa mukha nito, mabuti naman at naisipan nitong paupoin siya nananakit na kasi ang mga pasa na hatid ng pagkakahawak ng dalawang lasing kanina. Alam niyang may mga sugat sugat pa nga marahil dahil sa mahapdi ang braso niya.
"Gusto niya kasing ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko." Mahina niyang pag amin dito. Nakita niya ang pagbalasik ng mukha nito.
"What? Damn buntis ka?" Mahina nitong tanong sa kanya. Marahan siyang tumango.
"Oo at yun ang dahilan kung bakit ako nagpunta kanina dito. Para ipaalam kay Carlo na buntis ako." Sabi niya na lalo yatang ikinagalit ng huli.
"Kailan pa kayo nag break?" Tanong nito.
"Kanina, nakipag break na ako agad. Ayokong makipag relasyon sa tao na kayang patayin ang sariling anak makalayo lang sa responsibilidad." Sabi niya na bahagyang napangiwi gusto na niya na mahiga at ipahinga ang kanyang katawan. Pero wala siya sa bahay nila para gawin ang bagay na iyon. Bukod doon ay naghahanap ng maiinom ang kanyang lalamunan, gusto niya sanang uminom ng mainit init na sabaw.
"Good girl, anong meron sa braso mo?" Tanong nito na lumapit sa kanya at itinaas ang sleeve ng kanyang damit.
"s**t! Sino ang may gawa nito?" Madilim ang mukha na tanong nito sa kanya.
"Yung dalawang lasing na humabol sakin kanina." Sagot niya dito. Nagulat pa siya ng yakapin siya nito ng mahigpit parang nanigas siya bigla at tila bumilis ang t***k ng puso niya. Mas mabilis kaysa nang habulin siya ng mga lalaki kanina.
Parang huminto sa pag inog ang mundo niya sa ginawa nitong iyon. Hindi niya maipaliwanag ang init na lumukob sa kanya. Nagulat pa siya nang yukoin nito ang kanyang labi, masuyo at tila idinuduyan siya sa halik nito. Nakakapalimot sa kanyang sitwasyon at kinaroroonan. Natauhan lang siya nang maramdaman ang pag pisil nito sa kanyang dibdib.
"Hmmn wait for me here ikukuha kita ng makakain mo." Sabi nito na inalalayan siya paupo. Para kasing nanlambot ang kanyang mga kalamnan sa halik na iginawad nito sa kanya. Nagulohan siya kung para saan ang halik na iyon, at kung bakit siya nito hinalikan.
Di siya dalaga na dapat mag linandi, pero kataka taka na wala siyang makapang pagsisisi o pagtutol sa ginawang paghalik ng lalaki. Iba ang dating di gaya nung kay Carlo na takot ang naramdaman niya ng halikan siya nito.
Alam niyang di niya dapat isipin ang halik ng lalaki dahil baka nadala lang ito sa awa na nadama para sa kanya. Baka bugso lang ng damdamin ang lahat, inabala niya ang kanyang sarili sa panonood ng TV. Bihirang bihira siya na makanood ng TV dahil wala na silang TV. Naibenta na ng ama nila nung ma hospital ang kabit nito.