Nangangawit na siya sa kakatayo sa harap ng gusali na iyon, pilit niyang pinapatatag ang kanyang loob habang nakatanaw doon. Kahit pa kumakalam na ang kanyang sikmura ay di niya iyon ininda. Kailangan niyang makausap si Carlo, kailangan niyang ipaalam sa katipan ang kanyang kalagayan.
Simula ng mat mangyari sa kanilang dalawa ay di na ito nagpakita pa sa kanya. Which is unusual dahil noong nanliligaw palang ito hanggang sa sinagot niya ay di ito pumalya sa pagdalaw sa bahay nila.
Kaya lang ay umiiwas na ito simula ng gabing iyon. Kahit ang mga chat niya ay di na din nito halos i seen. Kinakabahan na siya lalo at kakakumpirma palang niyang buntis siya. Tiyak niyang lagot siya sa kanilang ama pag nalamang buntis siya at walang ama.
Hindi sila lumaki sa normal na pamilya, kinalakihan na nilang magkapatid ang mala empyerno na pamumuhay. May kabit ang kanilang ama simula pa noong bata pa sila. Halos binubogbog din palagi ang kanilang ina. Kaya takot na takot siya noon na magtiwala sa mga lalaki. Hanggang sa nakilala niya ang katipan.
Family oriented, independent at nakikita niya na ma respito ito sa mga babae sa pamilya nito. Sabi niya sa sarili niya noon na, ito na ang lalaki na para sa kanya. Kaya kahit na may alinlangan siya dahil sa sinapit ng kanyang ina sa piling ng kanyang ama ay binigay niya ang lahat lahat sa katipan.
Ilang gabi na siyang balisa at di makatulog. Lalo na at nalaman niyang nagbunga ang isang beses na may nangyari sa kanila. Balisa siya at di makakain ng maayos, nahihirapan siyang mag isip ng kanyang gagawin. Umaasa siyang papanindigan siya ng katipan pag nalaman na magkakaanak na sila.
Napaayos siya ng upo nang mamataan ang katipan na papalapit. Hinintay niya na muna na makalapit ito sa kanyang pwesto. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakita na niya itong papalapit sa kanyang gilid, mabilis siyang nagtago para di ito makaiwas pag malapit na. Nagpalinga linga pa muna ang lalaki bago nagpatuloy sa paglalakad nang mapansin na wala naman palang dapat iwasan. Di niya maiwasang di manlumo sa nakikita niya na pag uugali na meron ang lalaki. Tila ang malas niya sa mga lalaki sa buhay nila, simula sa lolo niya sa ama niya at ngayon sa ama ng kanyang magiging anak.
Tila ba ang saklap saklap na masyado ng buhay niya, di na siya umaasa na maayos pa ang lahat. Dahil ayaw din naman niyang maging miserable ang buhay niya. Kung nadapa man siya ngayon ay ayos lang wag lang siyang magaya sa kanyang ina na nagawang magpaka martyr matawag lang na buo ang pamilya nila.
Di ito ang lalaking pinapangarap niya na makasama sa pagtanda niya. Baka wala pa siyang kwarenta e patay na siya sa mga pasakit at sama ng loob na dulot nito sa kanya, mas tama nga siguro na itawag sa lalaki ay happy go lucky. Dahil ngayon ay nakikita na niya na taliwas ito sa lalaki na umakyat ng ligaw sa kanya. Para itong lalaki na walang direksyon sa buhay.
"Carlo!" Tawag niya sa pangalan nito. Nakita niya ang gulat na lumarawan sa mukha nito nang makita siya nito. Di nga talaga nito inasahan na nandun siya.
"Sheena!" Bulalas pa nito. Tila anytime ay kakaripas na ito ng takbo.
"Pre maiwan kana muna namin, mukhang kailangan nyo na mag usap." Sabi ng isa sa sanggang dikit ng lalaki.
"Carlo, pwede ba tayong mag-usap?" Halata ang gulat sa mukha nito nang bigla siyang lumitaw sa isang bahagi ng halamanan.
"May trabaho pa kami Sheena, alam mo naman yin diba mag lunch break palang kami." Sabi ng lalaki.
"Buntis ako Carlo at kaninang madaling araw pa ako umalis sa amin. Kinse minutos siguro naman sapat na oras na ang hinihingi ko sayo para sa perwisyong dala mo sa buhay ko." Matatag at puno ng puot na sabi niya sa lalaki. Kita niya ang pamumutla sa mukha ng lalaki.
"Baka iba ang ama ng dinadala mo." Sabi nito na ikinakulo ng tumbong niya. Gutom na gutom paman din siya, alam na alam nito na wala pang lalaki na nagdaan sa buhay niya.
"Sige ganito nalang, mukha namang wala kang bayag na klase ng lalaki. Ipapa DNA ko tong bata, pag sayo to ipapakulong kita. At ako mismo ang magpapatanggal sayo diyan sa kompanya na pinagtatrabahoan mo. Pag negative naman ako na mismo ang magpapakulong sa sarili ko. Ano deal?" Gigil na sabi niya. Hinablot siya nito at hinila sa isang sulok marahil ay upang walang makarinig sa kanilang dalawa.
"Umuwe kana Sheen anong kaso ang sinasabi mo? Wala kang mapapatunayan, mag uusap tayo pag uwe ko mamaya." Sabi nito na dumukot ng isang libo sa wallet nito at iniabot sa kanya.
"Uuwe ako sa San Roman Carlo. Kakasuhan kita ng rape at ang DNA ng bata ang ebedisya ko." Sabi niya dito. Nakita niya ang sindak na lumarawan sa mukha nito. Alam nito kung ano ang naganap sa kanila nung gabing may nangyari sa kanilang dalawa. Inamin niya iyon sa kapatid niya na si Abby, pinarecord pa nga nito at ilang araw din siyang naglagi sa Manila para mapagaling ang pasa na hatid ng pwersang pag angkin sa kanya ng kasintahan.
"Mag leave ka muna, magpapa abort tayo." Sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata, di lang pala isang manloloko ang gago isa itong mamamatay tao.
"Magagawa mong patayin ang dugo at laman mo? Anong klase kang tao?" Sabi niya na di napigilan ang kamay at nasampal ang lalaki.
"Tang ina naman Sheena, wala pa tayong ipapakain sa bata-"
"E di sana di mo ako pinakialaman, kung tutuosin ginahasa mo ako, gago wag kanang magpapakita pa sa akin. Salamat dito sa one thousand mo." Sabi niya na naglakad papalayo. Para kasing di niya na kaya na makita pa ang lalaki. Sariwa pa sa isip niya ang nangyari sa kanya ng gabing iyon, nagmakaawa siya dito pero tila itong baliw na hayok na hayok at binalewala ang kanyang pagmamakaawa.
Di na niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang papalayo. Para kasing naninikip ang dibdib niya sa kaisipang wala na siyang mapupuntahan, pero mas masikip pala sa dibdib ang isipin na ipapalaglag ang anak niya. Walang wala sa isip niya ang ganung option, di niya magagawa na saktan ang kanyang sariling anak.
Kahit ano paman ang dahilan ay wala namang kasalanan ang bata, kung tutuosin ay rape ang ginawa nito sa kanya. Dahil pinilit lang siya nito, nilasing siya nito kaya may nangyari sa kanila. Magsisi man siya ay huli na nagawa na siya nitong pakialaman.
Naglakad siya ng naglakad, walang tiyak na patutungohan. Nang papalubog na ang araw ay nagpasya siya na maglakad pabalik para umuwe nalang sa boarding house niya. Pero napansin niya na mali ang kanyang direksyon sa kabilang panig ay makikita ang mga kalalakihan na nag iinuman. Sa kabilang panig naman ay ang mga kabataan na halatang lango na. Napili niyang bumalik sa kabilang panig, paiwas sa mga ito.
Baka nabuntis na nga siya ng dahil sa panggagahasa ng dati niyang nobyo e ma gang rape pa siya sa kanyang kagagahan. Napakurap kurap siya nang mapuna na nasa madilim na bahagi na siya. Di na niya masyadong maaninag ang daan na kanyang tinatahak.
Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak sa sindak ng mapuna ang pasalubong na dalawang lasing. Napadasal siya ng taimtim ng mga oras na iyon, ano ba kasing kamalasan ang kanyang dala dala. Pag na rape siya ngayong gabi ay magpapakamatay nalang siya.
"Wow n-nakikita mo ba ang shh nakikita ko pre? Lashing na nga yata ako." Sabi nito na kinusot kusot pa ang mga mata. Para naman siyang natuod lang habang nakatingin sa mga ito. Di niya magawang maihakbang ang kanyang mga paa sa takot na umalipin sa kanya.
"Alin? Ang babaeng sekshii ba ang tinutukoy mo? Aeshh akala ko dalaa lang ng kalashingan ko. Hehe mukhang bigay ng diyos ito pre. Akoh na ang mauuna." Sabi ng isa na akmang dadakmain na siya pero mabilis siyang nakatakbo. Mabilis na halos mabitawan na niya ang bag niya, Pero nadapa siya bago paman siya nakalayo, kinaladkad siya ng mga ito.
Tigbi tigbi ang pawis niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga ito. Pero natakot din siya na baka suntokin siya sa tiyan ng mga ito lalo pag mapansin na nanlalaban siya, ayaw niyang ilagay sa alanganin ang buhay niya at ng anak niya. Alam niyang di siya bubuhayin ng mga ito oras na madala siya ng mga ito.
Malaking tao ang isa sa dalawang lalaki na nakahawak sa kanya, ang isa naman ay payat pero alam niyang walang wala ang lakas niya kumpara sa mga ito. Nag eekis ekis ang lakad ng dalawa. Malabo ang kanyang paningin. Dahil sa pag iyak kanina.
"Pesti! Ang lalim ng lubak!" Palatak ng isa, naging hudyat niya iyon.
Boung lakas na sinipa niya sa bayag ang lalaki, nakailag naman siya sa suntok na pinakawalan ng isa, muli siyang tumakbo papunta sa kalsada. Kailangan na hindi na niya ininda ang lubak napatili siya nang maabutan siya ng mga ito.