Maganda ang gising ni Clara kinabukasan. Kahit halos dalawang oras lang ang itinulog nila ni Bernard, pakiramdam ng dalaga ay fresh na fresh siya. Mahimbing pa ang tulog ng nobyo kaya hindi na niya ito ginising pa. Maingat itong hinalikan ni Clara bago lumabas ng kuwarto. Ngunit napakunot-noo ang dalaga nang may naririnig siyang tila nag-aaway sa sala. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sina Aarah at A na nagtatalo. Dali-daling bumaba si Clara. "A! Beshie! Anong nangyayari rito?" nag-aalalang bungad niya sa dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hawak ni Aarah ang mamahaling figurin na isa sa mga collection ni Bernard. "Besh, ibaba mo 'yan. Sampung kotse ang presyo niyan." "Iyan na nga ang sinasabi ko sa kaniya, Clara, eh," parang bata na sumbong ni A na namumula ang mukha