"Waw!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Aarah habang tinitingnan ang mga pagkaing nakalatag sa lamesa. At hindi masisisi ni Clara kung malula man sa dami ng pagkain ang kaibigan. Ganito rin ang reaksiyon niya noong una. At normal naman sa katulad nilang masaya nang may kanin at isang klase ng ulam sa hapagkainan. "Ang dami namang pagkain! Piyesta na sa'min 'to kapag ganito." Nakaupo na silang lahat, maliban kay A na duty ngayon, na nasa kusina pa rin at nagsasandok nang iba pang pagkain. "Bakit parang iba yata ang trip ngayon ni chef, ah," puna ni E sa mga pagkain. "Halos puro mexican foods ang iniluto." Kahit si Clara man ay nagtaka rin. Favorite ni A ang Pinoy foods, lalo na kapag umaga. Laging "silog" menu ang niluluto ni A para sa almusal. Pero ngayon, bukod sa sinangag at sunny