"Bakit nga pala kayo nakidnap?" Bahaya lang nilingon ni Clara ang si Bernard. Magkatabi na silang nakahiga sa damuhan habang nakaunan ang mga ulo sa kani-kanilang mga braso. Nakatingala sila sa kalawakan. Dito sila nagpahinga pagkatapos nang nakakapagod nilang sandali kanina. Ikinuwento niya kay Bernard ang buong pangyayari. Mula sa kung saan sila nanggaling ni Aarah nang gabing 'yon, ang tungkol kay Tiyo Roman, hanggang sa dukutin sila sa tulay. "Ayun. Nagising na lang kami ni Aarah na nasa airplane na kami." Aminado si Clara na hanggang ngayon ay nakakaramdaman pa rin siya nang takot ay kaba sa tuwing naalala niya ang gabing iyon. "Hindi n'yo ba naisip na posibleng ang Tiyo Roman ni Aarah ang nagpakidnap sa inyo?" Napakunot-noo si Clara sa sinabi ni Bernard. "Kasi base sa kuwento m