Hanggang sa pagbalik ni Clara sa loob ng mansiyon ay hindi pa rin siya pinapansin ni Bernard. Naabutan niya ito kanina sa sala na nakahiga sa sofa. Sinayawan at kinantahan niya pero dedma pa rin ang beauty ni Clara. Kiniliti niya si Bernard pero hindi man lang ito tumawa. Kung ano-ano na ang ginawa niyang pagsuyo pero hindi pa rin ito umiimik. Nagluto na siya nang masarap na merienda ngunit bigo pa rin siya. At ngayon, nagkulong na ito sa kuwarto. Kahit anong katok niya ay hindi lumalabas. Mukhang walang balak kumain ng lunch. Hindi na mapalagay si Clara. Hindi siya sanay nang may kasamaan ng loob. Hanggang sa may naisip siyang pakulo. Minsan na niya napanood sa movie na ang mga lalaki raw ay parang babae rin kapag sinusuyo. Dali-daling kumuha ng gunting si Clara at bumalik sa garden. I